Against +V+ Revelation

92 26 8
                                    

FORD


*alarm clock rings*


"Hmm. Hays. Shit..."

Agad kong kinuha ang phone ko mula sa ilalim ng unan ko. Papikit-pikit man ang mga mata ay di alintana sa akin ang pagpipindot dito. Pumunta ako sa functionality ng alarm clock at sabay pindot sa switch off nito. Nasa kisame ang alarm clock at may specific instruction ito mula sa phone ko. I-activate ang Electromagnetic Field o EMF. Artipisyal ang panandalian nitong inilalabas na EMF. Dahil kapag tumagal ang pagka-expose ng utak mula sa ganitong magnetic field. Kaya nitong sirain at ibahin ang persepsyon ng kung sino man ang makasagap nito. Lalo na't ang utak ang isa sa mga pinakamahalagang organ sa katawan ng isang tao.

Safe naman iyong makabagong kagamitan ng teknolohiya dahil wala pang tatlong segundo ang epekto nito. Sa panahon ngayon, nakokontrol na ang mga ganitong klaseng magnetic field at pwede na itong mabigyan ng specific instruction. Kagaya na lamang ng pag-aplay nito sa skull ng isang taong mahimbing na natutulog upang gisingin ang diwa ng utak.

Tumayo agad ako sa aking kinahihigaan at agad na kinuha ang wrist watch ko. Sinuot ko agad iyon sabay pindot sa holographic screen activator nito.

"7:00 AM. This is a good start."

Hinubad ko ang aking suot-suot na t-shirt sabay kuha ng isang white sleeveless shirt at shorts. Sinuot ko agad iyon at agad na lumabas ng kwarto. "Jones!" hiyaw ko sa aking pagkakalabas. Narinig ko naman agad ang kanyang mga yapak mula sa kitchen. Tinahak ko naman ang bathroom na nasa dulo ng harapan ng aking kwarto. Pagbukas ng pinto ay agad na binuksan ang gripo ng lababo at sabay hilamos ng mukha. Sa pagtingin ko sa salamin na nasa harapan lamang ng lababo ay napansin ko ang presensya ni Jones sa pintuan. "Stay there." wika ko sa kanya. Kumahol ito tanda ng kanyang pagsunod.

Matapos maghilamos ay kinuha ko ang isang toothbrush at sabay lagay ng toothpaste. Nag-shave narin ako ng kakaunti banda sa aking panga. Ilang sandali pa ang lumipas nang matapos ko ang lahat ng iyon. Kumuha naman agad ako ng isang maliit na tuwalya at agad na pinunasan ang aking buong mukha. Dinala ko narin iyon papunta sa kitchen ng base na ito.

Sa paglalakad sa pasilyo ay napansin ko ang masiyahing presensya ni Jones. "Hey what's up? You good?" ika ko sa kanya nang bigla itong tumakbo papunta sa kitchen. Lagi siyang gutom tuwing umaga.

Nang makarating sa kitchen ay agad na akong nagluto ng makakain. Pagkatapos nito ay panandalian akong kumain sa pang-isahang table na nasa gitna ng espasyong ito. Matapos kumain ay binigyan ko ng dog food si Jones na nanggaling pa sa refrigerator ng kusina. Ininit ko pa iyon nang kakaunti upang malasahan niya.

Sa sandaling matapos ako sa aking pagalmusal ay agad akong tumungo sa aking working area upang mag-ehersisyo at palakasin ang aking katawan.

Nauna kong gawin ang meditation sabay warm ups para sa matinding mga exercises. Hanggang sa matapos ang lahat sa aking pagkahingal at pagkauhaw. Uminom agad ako ng maraming tubig sabay itinapat ang aking pawis na pawis na katawan sa transparent window sa working area. Medyo may pagkamalaki ang bintanang iyon na halos makikita na ang buong tunnel. Mabuti na lamang dahil kahit papaano ay nakakapasok parin ang sinag ng araw sa malaking pwesto ko dito sa ilalim ng tunnel.

"Yeah. Wooh!" wika ko matapos muling i-stretch ang aking balikat at leeg. Sa puti ng aking katawan na nagtatago sa isang sando ay mapapansin parin ang tagatak ng mga pawis. Dala iyon ng aking hindi pagiging magalain at paglabas nung ako'y bata pa. Ngunit nasa lahi narin ng aming pamilya ang pagiging maputi at laging nasa aircon.

Kinuha ko ang phone ko na nakalagay sa isang handle malapit sa treadmill at agad na siniyasat kung may missed calls ba dito o kahit anong notifications. Ako mismo ang nagdisenyo ng system ng phone ko at may mga bagay itong kayang gawin na hindi kayang gawin ng mga sikat na telepono ngayon. Ngunit wala naman akong napansin na notification mula sa security check nito kaya't naisipan ko nang magmadali upang pumunta sa hospital.

A.N.T.I.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon