Against +II+ Awakening

114 36 21
                                    

FORD




Napatungo ako sa sobrang pagkagulo ng aking utak. Ramdam kong lumalabas ang mga ugat sa aking balat. Hindi ko maipaliwanag. Nanggagalaiti ako at nanggigigil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nararamdaman kong nilalamon nito ang aking utak.

"Stop... stop... Tama na!" pahina ng pahina hanggang sa maramdaman kong sasabog na ako sa sitwasyon na ito.

"Please stop-please stop-please..." muli kong pagmamakaawa. Nagiiba na ang paningin ko. Natutuliro at para bang nakainom ako ng ilegal na gamot. Tuloy tuloy parin ang pagalingawngaw ng mga tunog na iyon. Magkakapareho ang lakas. Walang saysay.

Tila nababaliw na ako. Pinagpapawisan na ako. Ramdam ko ang init ng paligid. Napakainit. Para bang may usok na lumalabas sa aking mga balat.

Napahawak na ako sa aking ulo. Halos mapiga ko ito sa sobrang pagkabaliw ko sa nangyayari. May gusto na akong pakawalan. Hindi ko alam kung ano iyon. Ngunit nais ko ng gawin iyon. Hanggang sa hindi ko na talaga natiis pa.

Napapikit na lamang ako. Ngunit alam kong sasabog na ako. Sa aking pagpikit ay para bang may naramdaman akong kakaiba.

Tila ba nalalaglag ako sa isang walang katapusang dilim. Nahuhulog ang aking katawan. Patuloy na kinakain ng lupa. Wala akong makita kahit ang aking katawan.

"Ano ito?" mahina kong pagkakasabi sa aking sarili. Para bang binabangungot na ako sa kaganapang ito. Ayoko nito.

Hanggang sa naramdaman ko na ang isang malakas na simoy ng hangin. Hindi ko masabi kung iyon ba'y hangin dahil sa nakakapangilabot nitong pakiramdam. Sobrang init ang aking nararamdaman at tila painit iyon ng painit. Nararamdaman kong nasusunog na ang aking mga balat ngunit hindi ko iyon pansin.

Sumigaw na ako ng sumigaw. Pinipilit na may makarinig sa akin sa kung nasaan ako ngayon. "Nasaan ako?! Tulungan niyo ako!!" pagpupumilit ko. Ngunit para bang ako'y nasa isang balon na walang katapusan ang ilalim nito.

Nasa kwarto lamang ako kanina ngunit ano ito? Tuluyan na ba akong kinain ng aking isipan? Pahiwatig ba ito ng aking kapangyarihan?

O epekto ba ito ng anti-reality?

Hindi maaari. Hindi ako ang may kagagawan nito. Lalong lalo na ang aking kakayanan. Ngunit nasaan ako? Pinili ko bang puntahan ito sa mga realidad na hindi ko naman ginawa? Ito na nga ba ang pangatlong realidad? O isa lamang itong imahinasyon?

Tuluyan kong tinatanong ang aking sarili upang makagawa ng paraan ngunit kahit anong gawin ko ay wala parin. Sinubukan kong gamitin ang aking mga kakayahan ngunit nakakapagtaka dahil wala itong epekto. Doon ko lang napagtanto na hindi ito kasama sa mga realidad ng kalawakan.

Isa itong panaginip.

Ngunit papaano?

Isang saglit pa ang lumipas ng makaramdam ako ng mga apoy sa aking katawan. Ngunit hindi nito sinusunog ang aking katawan. Tila iniilawan lamang nito ang aking pagkahulog sa panaginip na ito. Dumaan ito sa aking dalawang braso at para bang kinikiliti nito ang aking laman. Iyon ang mga bagay na alam ko.

Hanggang sa isang mga boses ang aking mga naririnig at tila umilaw na ang aking mga paligid. Napagtanto ko na walang kalangitan dito. Mga usok lamang iyon na namumula sa sobrang init. Nakaramdam ako ng matinding kaba. Halos naririnig ko narin ang mga tibok ng aking puso. Alam ko na kung saan ako mahuhulog. Buong lakas kong ipinikit ang aking mga mata. May mali sa lugar na ito.


Isang iglap ng mga hindi maipaliwanag na pangitain ang aking nakita sa aking isipan. Mga imahe ng mga hindi maipaliwanag na bagay. Iyon ang akala ko.

A.N.T.I.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon