Against +VIII+ Maxumus

45 15 11
                                    

FORD


                      Pikit-mata. Tainga'y tila lata. Kilos lantang gulay. Wala ng malay. Nasaan ka na? Aalamin ko pa ba?


Buhay pa sana. Ngunit sumuko na. Ako ba ang sumuko? O sadyang itong utak at puso? Hindi ko na alam. Hanggang dito na lang. Nanghihina na ako. Babagsak na lamang ako dito. Kung saan ang mundo ko'y matatapos na. Ngunit may tatapusin pa ba? Kung ang buhay ko'y isang orasan na.


Umuulit paurong ngunit ang takbo'y pasulong.



Panaginip na tumatakbo sa isang panaginip. Bangungot ay dahan-dahang umiihip. Tila hindi alam kung saan nanggaling. Dapat pa bang alamin? O dapat na bang tanggapin?

Buhay nga ba ang kapalit? Kamatayan ba ang sapit? Mabubuhay pa bang muli? Dito sa mundong marami ang kumakapit?

Bigyan niyo ako ng rason.
Dahil ayoko ng malason.
Mas gusto ko pang masabon.
Abutin man ng ilang taon.
Sa kamay ng Panginoon.


                         Bumagsak na ako nang tuluyan sa harapan ng naglalakihang estruktura ng lugar. Nakaluhod na sa aking panibagong buhay sa susunod na kabanata. Dahan-dahang dumarapa sa bawat eksena. Parating na sila. Ngunit huli na. Nasa binggit na muli ako ng kamatayan. Heto na ang kadiliman. Unti unti na akong nilalamon.

Paalam na muna, aking buhay.




☢☣☢☣☢☣☢


                      Naramdaman kong muli ang aking katawan. Unti-unti. Simula sa aking pagiisip, paghinga, paggalaw ng mga kamay hanggang sa maibukas ko nang dahan dahan ang aking mga mata.

Naririto muli ako. Sa unang pinagbuksan ng aking mga mata sa unang binggit ng kamatayan. Naririto muli at humihinga ng malalim. Puting kisame at nakakasilaw na puting ilaw. Ang mga mata ko ay dahan-dahang nag-a-adjust mula sa sinag at kaputian ng lugar. Sinubukan kong muli na igalaw ang aking mga kamay. Tumingin ako banda rito ngunit iba ang pumukaw sa mga mata ko. Dalawang lalaki at isang babae ang naaaninag ko. Pinaguusapan nila ako. Dahan-dahan kong itinaas ang aking ulo. Umimik ng kaunti kahit hindi kakayanin. "Hmmm." pagtawag ko ng pansin sa kanila. Agad ko naman silang naalerto. Sa kanilang paglapit ay unti-unti kong nakilala ang isang lalaki dito. Si Blake. Anong ginagawa niya dito? At anong mayroon kung bakit ako bumabalik sa lugar na ito? Anong hiwaga ang bumabalot sa tagong lugar na ito?




                       "Ford?" pauna niyang wika. "Hmmm." muli ko namang pagsagot. Napansin ko ang pagaalala niya at pagtingin sa mga kasamahan niya. "Naririnig mo ba ako?" pagtatanong niya. Hindi ko alam kung papaano ako sasagot. Ibinuka ko ang aking bibig at walang boses na sinabing, "Kakaunti."

Pinilit niyang intindihin iyon. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso. Nakatingin parin ako sa kanyang presensya. Pilit na iniintindi rin ang kanyang sitwasyon. "You'll be fine. You'll be fine." paulit ulit niyang wika.




                    Nalungkot ako sa kanyang sinabi. Kahit na napakahina ng dating nito sa akin ay halos rinig na rinig ng aking puso't isipan ang kanyang gustong ipadama. Sa lahat ng kamatayang naranasan ko, ito ang mas matindi sa lahat. Tila binura nito ang aking tiyan at likuran lalong lalo na ang pagdaloy ng dugo at hininga sa akin. Muli kong tinignan ang aking katawan. Napansin kong may takip ito ng mga bandages at mga pangpatigil ng pagagos ng dugo. Ngunit, napansin kong mas maliit na ang damage na aking natamo. Tila ayaw talagang sumuko ng aking katawan. Kahit na mawala pa ang lahat sa akin, patuloy nitong aayusin ang lahat ng aking dinanas. Nakakamangha subalit hindi makatarungan sa mata ng diyos.

A.N.T.I.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon