CHAPTER 1: The Wife

32.9K 662 94
                                    



A/N: Sa mga readers na hinahanap ang kwentong 'to, THE STORY'S BACK guys! :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. FOLLOW ME if you want to! :)


Till next time!


==================================


(Cara's P.O.V)


"Okay class, wag niyong kalimutang gawin yung assignment niyo." Pagpapaalala ng instructor namin nang mag-ring na yung bell, hudyat na tapos na ang klase. "Have a nice weekend," dagdag pa niya bago tuluyang lumabas sa classroom namin. Siyempre, nagsunuran na rin kaming lahat ng mga kaklase ko.


"Aaah! Sa wakas! Tapos na rin ang klase!" ani Billy na nag-inat-inat pa. "Gala tayo ngayon?" yaya naman niya nang tuluyang kaming makalabas sa building ng HRM department.


Umiling ako. "Hindi ako pwede. Ngayon uuwi si Chace e."


Rumehistro kaagad ang panunukso sa kanyang mukha pagkarinig niya sa sinabi ko. "Aah. Kaya naman pala sobrang ganda ng mood mo kanina pang umaga. Uuwi na kasi si hubby," ngising-ngising aniya. Nginitian ko lang siya. "Teka, saan ba kasi pumunta si fafa Chace?"


"Taiwan. For business." Five days din siyang nawala kaya miss na miss ko na yung asawa kong yun.


Yes, I may be still in college but I'm already married. Pero sa totoo lang, dapat four years ago pa akong grumaduate. Kaso nabuntis ako nung saktong magfo-fourth year college na ako na siyang naging dahilan para huminto muna ako sa pag-aaral. At ngayon ko lang naisipang ipagpatuloy ulit, hinintay ko muna kasing mag-four years old ang baby girl ko bago ako bumalik sa pag-aaral.


Ito namang si Billy... well actually, high school batchmate kaming dalawa. Ibig sabihin, he's the same age as me, 23 years old. At kagaya ko rin, hindi pa siya gruma-graduate sa college. Ilang ulit din kasi siyang nag-shift ng course bago niya tuluyang naisipan na HRM talaga ang gusto niyang kurso. Kaya heto at magka-klase kami ngayon dito sa Royal University.


"Ibig sabihin niyan... S and M kayo ni fafa Chace mamayang gabi. Naku beh, baka masundan bigla yung inaanak ko." Pagpapatuloy pa rin niya sa panunukso niya. "Araaaay!" nasambit naman niya nang makatanggap siya ng batok mula sa akin.


"Bibig mo Galvez, linisin mo. Ang dumi." Kung anu-ano kasing pinagsasabi e.


"Asus, pa-Virgin Mary ka naman. Huh! Akala mo magpapatalo ako sa'yo beh? Aba! Mamayang gabi, mag-eespadahan din kami ng honey bunny ko."


"BILLY!" Oh my God! My ears! My pure ears just got tainted!


"What?" Tumatawa pa si Billy na animo'y wala siyang sinabing hindi maganda. "Okay, edi hindi yun ang gagawin namin. Magfa-fire in the hole na lang ang honey bunny ko sa ak–"

The Secret Agent's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon