A/N: THANK YOU sa mga readers na matiyagang naghintay sa UD na ito! LABYU GUYS!
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)
FB PAGE: MOONLIGHTPURPLE'S STORIES
Till next time!
===================================
(Cara's P.O.V)
Pagkaalis na pagkaalis ko sa bahay, dumiretso na ako sa Moonlight Hotel. Obviously, hindi totoo yung sinabi ko kanina kay Chace na pupuntahan ko si Billy. Alibi ko lamang yun para hindi na siya magtanong pa kung bakit pupunta na naman ako sa Moonlight Hotel.
Malapit na ako sa naturang hotel nang makatanggap ako ng text mula kay Harvey. Nasa paligid lang daw siya ng hotel at hinihintay ang paglabas ni Don Antonio. Kasama rin niya sina Lory, Macky, Rayver, at Luna. Sila ang mga miymebro ng subgroup ng Black Division na pinamumunuan ko – ang Black Shadow. Bawat miyembro ng grupo ko ay ang mga kinikilalang top executives ng Black Division.
Si Harvey de Castro, siya ang leader ng Black Hat ng Black Division habang si Lory Montezor ay ang leader ng Black Widget. Macky and Rayver Lorenzo on the other hand, they are considered as one of the most skilled fighters of Black Division. Kaya sila ang nangunguna sa pag-train sa mga miyembro ng Black Division. Si Luna Earl naman, siya ang tinalaga ni Don Antonio para maging Guardian ko. Hindi man ako tunay na Vitelli para magkaroon ng Guardian, nagtalaga pa rin si Don Antonio ng isa para sa akin. Siguro dahil ako ang kanyang adopted daughter at Vitelli na rin ang turing sa akin ng lahat ng mga miyembro ng Black Division.
Nang tuluyan na akong makarating sa Moonlight Hotel, paglabas ko sa aking sasakyan ay agad kong binigay sa valet yung susi at pumasok na ako sa loob ng hotel. I was on my way towards the elevator when I heard someone call my name. "CARA!" Paglingon ko, nakita ko si Megan na kinakawayan ako. Hindi maalis-alis ang ngiti sa kanyang labi habang papalapit sa akin.
"Me–Megan... anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kanya nang nasa harapan ko na siya.
"Pupunta ako sa Moonlight Restaurant sa 29th floor. Gusto ko kasing kumain ng beignet at frozen yogurt. Masarap yung kanila dito e."
Napangiti ako saka bumaba ang tingin ko sa medyo maumbok ng tiyan ni Megan. "Mukhang naglilihi ang buntis."
"You could say that," natatawa namang pagsangayon niya. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"
I was taken aback by her question. "H–Huh? Ah... ano... uhm..." Hindi agad ako makasagot dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoong rason kung bakit ako naririto ngayon. Bago pa ako tuluyang makapag-isip ng palusot, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa elevator.
"You know what? Samahan mo na lang ako. Mag-isa lang kasi ako ngayon dahil may importanteng meeting na kailangang daluhan si Dylan," aniya.
BINABASA MO ANG
The Secret Agent's Wife
ChickLit[ON-GOING] Cara Estrella is a normal college student. She's warmhearted, hardworking, intelligent, cheerful, friendly, and a beautiful woman. Marami ngang nagsasabi na mala-anghel ang kanyang mukha. But behind that angelic-face hides her dark alter...