Chapter 3: Double Life Part 1

17.6K 452 131
                                    



A/N: THANK YOU sa mga READERS ng story na 'to!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)


Till next time!


=======================================


(Cara's P.O.V)


Nang magising ang aking diwa, naramdaman ko ang isang mabigat na bagay na nakadagan sa may bewang ko at may mainit ding hangin na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at sumalubong sa akin ang natutulog na mukha ni Chace. Pagbaba ko ng aking tingin, doon ko nakita na yung mabigat palang bagay na nakadagan sa bewang ko ay ang braso ni Chace na nakayakap sa akin. Teka nga... Kumunot ang noo ko nang ibalik ko sa mukha ng aking asawa ang aking tingin. Sa pagkakatanda ko, sinabihan ko siya kagabi na sa ibang kwarto siya matulog a. Pero anong ginagawa niya rito sa kwarto namin? Gusto ko siyang gisingin para tanungin pero nakokonsensya akong gawin yun lalo pa't ang himbing ng tulog niya.


Sa huli, hinayaan ko na lamang siyang ipagpatuloy ang kanyang tulog. Hindi ko naman mapigilang haplusin ang kanyang natutulog na mukha. Kahit tulog, ang gwapo pa rin niya. Kaya hindi nakapagtatakang maraming naghahabol sa kanya noon e. Actually, kahit naman ngayon marami pa ring mga babae ang umaali-aligid sa kanya. Tsh! Ang sarap lang nilang gawing shooting target sa tuwing nakikita ko silang nagpapa-cute sa asawa ko. Lantaran kasi talaga yung ginagawa nilang pagpapa-cute kay Chace. Kahit nasa tabi niya ako o kaming dalawa ng anak ko, kung magpa-cute sila akala mo mga nilalang lamang kaming hindi nakikita. Buti na lang at hindi sila pinapansin ni Chace kundi matagal ko na silang na-sample-an.


Napatigil ako sa ginagawa kong pagtitig kay Chace nang marinig ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Maingat akong pumihit paharap sa may bedside table kung saan nakapatong yung phone ko. Agad ko yung inabot at binasa yung text message na galing kay Harvey. Isa yung quote pero kung miyembro ng isang Black Division ang makakabasa nun, malalaman nila yung totoong mensahe sa likod nung message quote. At dito sa pinadala ni Harvey, gusto niyang tignan ko yung Black Phone ko dahil may importante siyang sasabihin sa akin.


'Black Phone', iyon ang tawag namin sa cellphone na ginawa para gamitin ng bawat miyembro ng Black Division. Para masiguradong secure ang linya namin ng komunikasyon dahil kontrolado iyon ng mga pinakamagagaling naming mga tech guy na kung tawagin namin ay Black Hat. Ang pangalan naman ng grupo ng mga imbentor sa Black Division ay Black Widget. Isa nga sa imbensyon nila ay yung Black Phone.


Puno ng pag-iingat na inalis ko yung braso ni Chace na nasa bewang ko para huwag siyang magising. Pagkaalis ko sa kama ay dumiretso ako sa walk-in-closet ng kwarto namin. Binuksan ko yung drawer na kinalalagyan ng mga jewelries ko. Hinanap ko naman yung kwintas ko na may pendant na maliit na susi saka iyon pinasok sa isang maliit na keyhole. And there it is, bumukas ang hidden compartment nung drawer kung saan nakatago yung Black Phone ko.


Mabilis ko yung kinuha saka dumiretso sa may veranda. Pagkabukas na pagkabukas ko dun sa cellphone ay nakatanggap kaagad ako ng tawag mula kay Harvey.


"Orion," bungad ko sa kanya. Iyon ang kanyang alias.


The Secret Agent's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon