CHAPTER 2: The Husband

19K 516 73
                                    


A/N: Thank you sa mga readers na sumusuporta sa kwento'ng 'to :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)


Ciao!


====================================


(Chace's P.O.V)


"The number you have dialed-"


"DAMMIT!" Napapamura na lamang ako sa inis dahil kanina ko pa tinatawagan ang phone ni Cara pero palagi yung out of reach! Nag-aalala na ako sa kanya. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin siya umuuwi rito sa bahay. Wala rin akong kaide-ideya kung nasaan siya.


Pagkatapos kasi niyang suntukin kanina si Almira ay nagmamadali na siyang umalis sa hotel. Hindi ko naman siya nagawang mahabol dahil sa mga hotel guests na nagkakagulo dala ng false alarm na ginawa namin. Babe, where are you? C'mon, pick up your phone. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero wala pa rin talaga, hindi pa rin niya sinasagot.


Tsk! Kung minamalas nga naman kasi, ba't nagkita pa kami sa hotel?! But what the hell was she doing there in the first place?! Akala ko dito ko siya sa bahay maaabutan pagkatapos nung misyon ko kaya ganun na lamang ang pagkagulat ko nang makita ko siya kanina sa Moonlight Hotel. Malas talaga!


Kapag ganitong hindi ko ma-contact si Cara, iisang tao ang agad kong tinatawagan para ipahanap ang asawa ko. Nagmamadaling hinanap ko yung numero nung taong yun sa Contacts ko saka siya tinawagan. "Trey. Locate my wife's whereabouts now," utos ko kaagad sa kanya pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag ko. Trey is the leading tech guy of CODE, making him the Head of CODE's Cyber Division.


["Again, boss?"] natatawang sabi naman niya sa kabilang linya. Para sa kanya, hindi na bago ang pagpapahanap ko sa aking asawa dahil hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na umalis ng walang paalam si Cara at hindi ko man lang siya ma-contact.


"Dammit Trey, I don't find the situation amusing so work your ass off and locate my wife now."


["On it boss,"] natatawa pa ring sabi niya at hindi binigyang pansin ang inis sa tono ko. ["Ano ba kasing nangyari at mukhang nilayasan ka ulit ng reyna mo boss?"]


Kailangan pa naging chismoso ang taong 'to? "Wag kang chismoso, Kernel. Just do your work." Kernel is Trey's code name.


Narinig ko siyang tumikhim sa kabilang linya at halatang pinipigilan na lamang niya ang kanyang tawa. ["Yes boss."]


Tss. Ano ba kasi ang nakakatawa sa sitwasyon ko ngayon? Kung alam lang nila, hindi nakakatawa ang galit ni Cara. Damn! My wife is f-cking scary when she's angry. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang hinihintay si Trey na matapos sa pag-track kay Cara gamit yung tracking device na ikinabit ko noon pa man sa phone ng asawa ko. Pero siyempre, hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yun. Paniguradong magagalit kasi siya pag nalaman niya yung ginawa ko.

The Secret Agent's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon