Chapter 15

355 16 6
                                    

EZRA's POV

Nanginginig ang kamay ko na pumunta sa kwarto. Hindi ako mapakali... Patay na ba siya? Anong gagawin ko...

Napatingin ako sa nanginginig 'kong kamay. Kanina lang, nilagyan ko nang lason ang baso na hinaluan ko ng alak para hindi niya mahalata ang binabalak ko. Nainom niya ba? Pero siguradong oo, dahil wala ng laman ang mga baso...

Napaupo ako sa kama. Nagiisip ng dapat gawin. Pero ano nga ba ang dapat gawin? Hindi ba't kaya ko nagawa 'yon para---- ang makatakas...

Agad akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Patakbo 'kong tinungo ang pinto palabas pero bago pa man ako makalabas isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.

Napahiyaw ako sa gulat at hindi na nakagalaw pa sa kinatatayuan ko.

"Where are you going?"

Agad na pumatak ang luha ko. Paano... Paano siya nabuhay... Maari bang hindi niya ininom yun at itinapon lang? Pero paano niya nalaman...

"Akala mo ba mapapaikot mo ako? Hindi ako katulad ni Seg---Nevermind."

Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin. Nagulat nalang ako ng may yumakap mula sa likuran ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makagalaw sa gulat at takot.

"I went to her. But too late...

She's gone..."

Ipinatong nito ang mukha niya sa balikat ko. Naamoy ko agad ang alak sa mainit na hininga nito.

"And it is because of that bastard! I'm going to kill him! I swear."

Mas lalo akong kinilabutan sa sinabi nito. Hindi ko pa man siya gaanong kilala, ramdam ko na gagawin nya ano man ang sabihin niya.

Sino ang tinutukoy niya?

"Seger--"

May sasabihin pa sana ako ng bigla niya akong iniharap sa kanya.

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa namumungay niyang mata.

"I miss you." Nakangising bulong nito.

May kung anong kuryente ang kumalat sa buong katawan ko. Bakit? Bakit ko 'to nararamdaman?

"I miss your lips..."

Tumaas ang kamay nito at marahang hinawakan ang labi ko. Hindi ako makagalaw, lalo na ng hawakan niya ako. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Natatakot ako...

Bumababa ang tingin nito sa dibdib ko. Napangiti ito ng makita ang ginawa niyang guhit sa dibdib ko.

"That's my sign,"

"--It means you belong with me."

Wala akong naging ano man na ginawang pagtutol. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Unti unting lumapit ang labi nito sa akin. Ilang inches nalang ang pagitan ng huminto ito. Kahit naduduling na ako hindi ako pumikit dahil alam ko kung ano ang iisipin niya, hindi na dapat ako maging mahina sa harap niya.

"Goodnight Ezra."

Isang damping halik sa labi ang binigay nito sa akin bago tumalikod at naglakad paakyat sa kwarto.

Napaupo ako sa biglaang panghihina ng tuhod ko. Pakiramdam ko tinakasan ako ng lakas...

"Seger..."






"Number 1 to 20 pumila kayo ng maayos! 'Wag tatanga tanga! Bilisan nyo!"

Pahakbang na ako ng biglang may kumapit sa likuran ko. Agad akong napatingin rito.

"Four..."

Nanlaki ang mata ko ng makitang si One ang nakakapit sa braso ko.

Agad na inalalayan ko siya makatayo. Halos bumagsak na ito sa sobrang panghihina.

Mukhang alam ko na kung bakit...

"Kayong dalawa! Anong dinadrama niyo dyan! Bilisan nyo maglakad magbibihis pa kayo!"

Hinablot ako ng isang lalaki kaya agad na napabitaw sa akin si One. Napahiga ito sa lupa at tila nawalan ng malay.

"One!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa akin ng isang lalaki.

"Four, please. Pabayaan mo na siya baka ikaw pa pagdiskitahan ni boss!"

Niyakap ako nito. Halos 'di ko namalayan na nasa loob na kami ng isang kwarto.

"Dale... Anong ginawa nila kay One!" Umiiyak na tanong ko dito.

"N-napunta siya sa Lust service..."

Nanghina ako sa narinig. Si One lang ang tanging naging malapit sa akin mula ng dumating ako dito.

At si Dale. Dahil sa kanya hindi ako gaanong napipili ng costumer. Dahil sa kanya hindi na ako nahihirapan...

Si Dale ang isa sa pinagkakatiwalaan ni Mr. Go ang namamahala sa amin. Isa itong Illegal shipping dolls na kung saan may isang website na pwedi kang umorder ng mga babae na tinatawag nilang dolls sa madaling salita sex doll.

At isa ako sa mga babaeng ibebenta ng kumpanyang ito. Mayroon ditong mahigit isang daan na babae na nanggagaling sa kung saan saan na lugar. Ang iba ay binibenta ng mga sariling magulang at ang iba naman ay kinidnap lang.

Hindi ko pa masyadong alam ang tungkol sa kumpanyang ito pero base sa mga naririnig ko, 8 to 18 years old ang kinukuha nila. At para hindi na sila mahirapan na pasunurin kami, may dalawang bagay na ginagawa sila. Ang una ay may pinapainom silang pampatanggal ng alaala at ang pangalawa ay tinutorture hanggang sa mawala sa ulirat ang pagiisip nito.

Masasabi ko bang swerte ako dahil pinainom lang nila ako ng pampalimot? Hindi. Walang sino man ang naging swerte mula ng makapasok sa impyernong lugar na'to.

May mga araw na namimili sila ng taong paglalaruan. Dahil isa kaming dolls, isang laruan sa paningin nila. Mayroong ilang pagpipilian ang costumer.

Una, sa harap ng computer kung ano ang nais nila ipagawa 'yon ang dapat mong gawin tinatawag itong "Sexcam" na tinawag nilang sextortion.

Pangalawa, ito ay "Lust Service" kung saan para ka nilang aarkilahin na parang gamit. Sa isang kwarto magaganap ang kabastusan ng isang costumer. He can do what ever he wants and you can't say no.

At ang pangatlo. "Dolls for sale." Kung saan bibilhin ka na ng costumer. He owned you for the rest of your life.

Ang mga pangalan namin ay binabase sa kung kelan ka nila naging pagaari. At sa tingin ko ang araw ko ay pangapat sa kalendaryo.

"Pangako, magiipon ako para sa akin ka mapunta. Ilalabas kita dito pangako..."

Tanging pinanghahawakan ko sa kanya. Sana nga...

Kung wala si Dale, malamang na naranasan ko ang hirap na dinadanas ng ibang babae dito.

I like Dale. At alam 'kong hihigit pa 'yon.

××××××××××××××××××××××××××××

Vote naman ho. Lol

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Slave DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon