Chapter 5

30 6 0
                                    

Blake's Pov
Nagising ako at nakaharap nanaman sa puting kisame. Sinubukan kong tumayo pero masakit pa ang buong katawan ko kaya humiga nalang ulit ako. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Drake na nasa kabilang kama habang si Alice naman ay nasa couch malapit sa pintuan ng infirmary.

Ano bang nangyari?. Oo nga pala!

-Flashback-

Pag kalabas ni Alice ng room namin sumugod agad ang taong nasa bahay namin. Naiwasan naman naming dalawa ni Drake ng ibinato niya samin ang TV.

What!? Mind Control?.

Hinanap ko sya dahil bigla siyang nawala sa harapan namin at sa isang iglap ay nasa likuran na namin siya. Pinalutang niya ang mga basag na parte ng screen ng TV saka ibinato samin. Naiwasan ko ang karamihan pero may mga ilang tumama sa braso at sa pisngi ko.

He can also use teleportation!

"Nasan nanaman siya?!" Tanong ni Drake sakin.

"ughh!!" Pag ungol ni Drake ng bigla nalang siyang lumutang at hindi makahinga.

"Anong nangyayari sayo?" Tanong ko.

"May...may sumasakal sakin...hindi ako makahinga!" Tugon niya.

Pinalutang ko ang mga baso at mga kutsara namin mula sa kusina at ibinato ko sa harapan ni Drake.

Tama nga ang hinala ko he can also use Invisibility.

Matapos makawala ni Drake sa pagkakasakal sa kanya ay agad ko naman siyang tinulungan.

"You know what! Humahanga ako sa inyong katapangan. Kahit alam nyong wala kayong pag-asang manalo ay lumalaban parin kayo." The guy with the black aura said.

Matapos niyang mag salita ay bigla nalang kaming lumutang ni Drake.

"Ohh anong gagawin nyo ngayon!? Bago makabalik ang kaibigan nyo dito siguradong patay na kayo!" Pahabol niya.

Habang lumulutang ako nakakita ko ng tyempo at pinalutang ang tinidor na nakita ko sa kusina at sinaksak siya sa braso. Hindi manlang siya naapektuhan sa ginawa ko.

"Hindi moko kayang saktan ng tinidor." Sabay saksak sa tagiliran ko gamit ang tinidor na binunot niya sa braso niya.

"Ughh!Shit!F*ck!" Sobrang sakit pakiramdam ko sa bawat oras na tatagal ito sakin ay mauubusan ako ng dugo.

"Blake! Ayos ka lang ba!? Wag kang mag alala tatanggalin ko yan." Pag alala ni Drake. Binato niya ng apoy ang umaatake samin pero sinangga niya lang ito gamit ang kamay niya. Sinubukan pa nyang batuhin ito ng apoy pero hindi ito umeepkto.

"What are you doing kid!? Muka ka lang malakas kung titignan pero para kalang palang baby sa hina! Hahaha!" Pag mamaliit niya kay Drake.

Paulit-ulit nyang hinampas si Drake sa pader hanggang mag simulang dumugo ang ulo at mga bibig nito. Pinag lalaruan niya lang kami. Sinubukan kong kontrolin ang katawan ni Drake para matigil na ang pag hampas sa kanya pero nanghihina nako dahil sa saksak sa tagiliran ko.

"Tama na! Hindi mo ba nakikita wala na siyang malay! Puno na ng dugo ang buong ulo at katawan niya! Kaya tama na!" Sigaw ko sa kanya para maagaw ang atensyon at tigilan si Drake.

"Bakit may magagawa kaba para pigilan ako?" Tanong niya.

"Oo!" Binuhos ko ang buong lakas ko para palutangin siya at saka ko ibinato sa may pinto ng room namin. Malakas ang pwersa ko dahil nasira ang pinto namin noong ibinato ko siya doon.

"Ughh!" Ungol niya.

"May ibubuga ka rin pala ah!" Sabi niya.

Nanghihina nako at nag uumpisa ng manlabo ang paningin ko dahil sa mga nawalang dugo sakin. Gaya ng ginawa niya kay Drake hinampas din niya ko sa pader ng paulit-ulit hanggang sa hinang hina nako. Ngunit bago ako mawalan ng malay...

The Group Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon