Chapter 10

19 7 0
                                    

Craige's Pov
I know this is the right time to face that beast. Hindi na kami mag tatago at kailangan na naming tapusin to.

Sariwa parin sa aking isipan ang mga pangyayari sa panahong iyon. Kung saan inatake ng beast ang school na naging dahilan ng pag kamatay ng kapatid kong si Althea.

-Flashback-

Masaya pa ang Brakebills kaya dito ko naisipang mag aral. Bata palang ako ay alam ko na may kapangyarihan ako kaya hinanap namin ang school na ito. Ang aking kapatid na si Althea ang nag turo sakin kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko kaya nang makapasok ako sa school na ito ay humanga na sakin ang mga guro namin.

Naging top student din ako ni Dean. Ako ang pinakamagaling sa buong school. Kahit saan ako mag punta ay lagi kaming mag kasama ni Althea. Si Althea ang aking nakatatandang kapatid, mula noong mawala ang aming mga magulang ay siya na ang tumayong magulang saakin.

Masaya, maayos at nakabibighani ang paaralan ng Brakebills.

Pero nawala lahat ito ng dumating ang halimaw na ito. Ang kanyang katawan ay nababalot ng itim na aura at ang mga mata niya ay parang mata ng isang bampira. Ang mga ngipin niya at kuko ay matalas.

Nasa dorm kami ni Althea ng marinig kong may umaatake sa school at pinipigilan ito ni Dean mag-isa. Kahit na pinipigilan ako ni Althea na makiilam ay hindi ako sumunod sa kanya. Ito na ata ang unang beses na hindi ako susunod sa kanya. Pinigilan niya ako pero hindi ako nag patalo. Nag pumilit ako dahil ang akala ko ay porket ako ang pinaka magaling sa school na ito ay kaya ko na ang lahat.

Pumunta ko sa training ground kung saan nakita ko na nakahiga si Dean at walang malay. Puno ng sugat ang buong niyang katawan at nag dudugo ang kanyang ulo. Pero walang tumutulong dito kahit ang mga teacher ay walang ginagawa. Wala rin ang mga estudyante dahil nag tatago sila sa kanilang mga dorm.

"Hoy! Bakit wala kayong ginagawa!" Sigaw ko sa kanila ng makalapit ako sa lokasyon ng labanan.

"Bakit hindi niyo tulungan si Dean!" Sigaw ko sa kanila.

Wala parin gumagalaw sa kanila kahit na sigaw ako ng sigaw. At doon ko lang nakita na sugatan at duguan na ang mga teacher. Halos hindi mo na sila makilala dahil puno ng dugo ang buong katawan at mukha nila. Pero bakit nakatayo sila?

"Cra...Craige...u...umalis kana...dito, itakas mo...ang mga estudyante..." Nagulat ako ng bigla akong kausapin ni Dean. Kahit nahihirapan ito ay pinilit parin niyang mag salita.

"Pero hindi ko kayo pwedeng iwan dito! Kaya ko siyang talunin!" Tugon ko.

"Hindi...mo...si..siya kaya..." Tugon naman ni Dean at saka siya nawalan ng malay.

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa galit, dahil ang itinuring kong ama sa school na ito ay ganito ngayon ang kalagayan. Ginamit ko ang bilis ko hanggang sa makalapit ako sa halimaw at sinipa ko ito sa mukha. Alam kong malakas ang sipa ko dahil bukod sa bilis ko ay natural na malakas ang aking katawan kaya sigurado ako na malakas ang sipa ko. Pero nagulat ako dahil parang walang epekto ang ginawa ko. Paulit-ulit ko siyang sinipa at sinuntok sa iba't-ibang parte nang kanyang katawan pero wala itong epekto.

Kahit ano gawin ko sa halimaw ay walang epekto. Noong makakita ito ng tyempo ay sinuntok ako nito sa tiyan na naging dahilan ng pag ubo ko ng dugo. Nanghina ako at nahihirapan tumayo. Nanginginig din ang mga binti ko sa lakas ng suntok niya.

Sinipa, sinuntok, tinadyakan at hinagis ako nito. Halos wala akong magawa sa sobrang lakas. Ang mga katawan ko ay puno narin ng mga galos galing sa mga atake niya.

"You can't defeat me kid. Wala magagawa ang isang batang katulad mo sa mga plano ko. Pero kung gusto mo ng mamatay ipag kakaloob ko sayo iyon." Bigla itong nag salita at tinutok ang kanyang kamao sa muka ko. Kahit anong oras mula ngayon ay pwede na niyang basagin ang bungo ko pero hindi niya ginawa. Hindi siya gumalaw kaya nakakita ako ng tyempo at umalis sa harap niya.

The Group Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon