Chapter 9

20 6 0
                                    

Jane's Pov
"Nasa training na siya, kung makakatagal siya dun kahit isang linggo lang sigurado ko na sobra ng ang igagaling at ilalakas niya." Sabi ko kay Craige na ngayon ay nag patawag ulit ng meeting para I check kung may nakuha na ang mga grupo na detalye tungkol sa beast.

"Salamat naman at ganun, siguraduhin mong hindi siya makakalabas dun. At kung makalabas man siya ibalik nyo." Tugon niya.

"Bakit ba kailangan pa niyang mag tagal doon? Kung gugustuhin nyo lang kahit one week lang kaya natin siyang palakasin." Tugon naman ni Natalie

"We can't train him. Siya lang ang makakapag sabi kung tama ba ang training na ginagawa niya. Dahil ang kapangyarihan niya ay halos kapangyarihan din ng beast. Siya lang ang makakatalo sa kanya kaya hindi natin siya kayang palakasin at siya lang ang makakapag palakas sa sarili niya." Paliwanag ni Craige kaya Natalie.

"Sige ituloy nyo lang ang mga mission nyo. Sumali kana din sa pag hahanap Jane pero kailangan mabantayan mo parin si Blake." Paliwanag naman ni Craige.

Matapos ang meeting ay dinis-miss na kami ni Craige. Sila Ezra at Snow ay nag pupunta sa labas ng school para mag hanap ng ibang impormasyon. Sila Drew at Bane ay nag hahanap ng mga tao na nakakita sa pangyayari noong umatake ang beast sa school. Sila Craige at Natalie naman ay may mga pinupuntayang lugar na may kaugnay sa beats. At ako ay nakaatas dito sa school, kailangan kong makalap lahat ng impormasyon na tungkol sa beast dito sa loob ng school. Lahat ng mga mission namin ay ginagawa namin ng sekreto, dahil wala kaming mapag kakatiwalaan sa school na ito.

***
Kinaumagahan nag handa ang lahat ngayon dahil P.E namin. Kaya halos lahat ng estudyante ay nasa training ground. Ang mga teachers din namin ay nadidito upang mag bantay saamin.

Hindi ako sumama sa training ground. Naisip ko na perfect time ito para magawa ko ang misyon ko. Una kong pinuntahan ay ang faculty ng mga teachers dahil maraming mga papeles dito na nag lalaman ng iba't-ibang impormarsyon. Pero ang nakita ko lang sa faculty ay ang mga personal profile ng mga estudyante na nag aaral sa school na ito. Gaya ng kung saan sila nakatira, pangalan ng mga magulang at ang mga kaibigan ng mga estudyante na nag aaral dito.

Nag hanap pako sa iba pang mga lalagyan ng mga paper works ng mga teachers pero ganun lang din ang nakalagay mga profile ng students.

Naisipan ko naman na Pumunta sa Office ni Dean.

Nang makarating ako sa office niya ay wala siya. Hindi ko din siya nakitang nag babantay ng mga estudyante sa training ground. Nag hanap ako ng mga impormasyon tungkol sa nangyari sa school noon, pero wala akong nakita kung hindi mga normal na problema ng school.

Paalis na sana ko ng may makita kong kakaibang bagay sa likod ng isang painting sa may likod ng upuan niya. Nang tinanggal ko ang painting ay may nakita ako vault sa likod nito. Sinubukan ko itong buksan pero may password ito. Nag hanap ako sa Table, drower, at kahit saan na pwedeng pag lagyan ng password ng vault.

Nag hahanap ako sa mga drower nang biglang bumukas ang pinto ng office. Agad akong nag teleport palabas ng office at hallway kaya napunta ako sa main ground ng school kung nasan ang fountain.

"Shit! Nakalimutan kong ibalik yung painting!" Bigla kong naalala na tinanggal ko nga pala yung painting para makita yung vault. Hindi ko din masyadong naayos ang mga drower at table sa office ni Dean.

Kailangan nang bumalik sa training ground. Kapag nakita nila ko dito ako agad ang pag hihinalaan---akk!

Nagulat ako ng bigla nalang may humapas sa likod ko at napatalsik ako sa may fountain at nalubog sa tubig.

"You're Jane right? One of the member of The Group." Nagulat ako ng nakita ko na ang matagal na naming hinahanap na tao ang beast.

"Buti naman at nag pakita kana. Matagal kana naming hinahanap." Tugon ko habang tumatayo at umahon sa tubig sa fountain.

The Group Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon