habang ineensayo ko ang aking pulsuhan habang bumibiyahe ako papuntang savemore salitran sa pagpasok ng umaga habang tumatagos ang hangin ng lunes ng agosto, 1 buwan pa lang nakakalipas matapos ang aking operasyon sa aking kamay at pulso. sa lahat ng nangyari sa akin dati, kailangan ko ng magsimula nanaman sa umpisa hindi ko masasabing ito ang gusto ko mangyari pero balik freshman ako sa bago kong papasukan unibersidad at higit sa lahat sa nakalipas na 3 taon ko ay magiging estudyante ulit ako.
akalain mo nga naman, makakapagaral ako ulit. ginamit ko ang natirang pera ko para mabayaran ng buo ang aking matrikula ngayong sa samestre para wala munang abala kay tatay kahit maayos na sya ngayon sa trabaho nya at makapag ipon muna sa mga susunod na buwan para sa susunod na sem. Pera ko ba kamo? aah, nagamit ko halos sa perang pang operasyon para lang maiayos ang pulso kahit nagsugal ako sa experimentong ginawa saken upang hindi na permanente ang sira ko sa kamay na aapekto sa braso ko sa pagtanda ko.
"Sylvester jhin palma de leon, ang kanan mong kamay ay may deperensya. you're just experiencing hell of a pain in your wrist right now pero hindi iyon ang mabigat na problema. base sa scan ko sa iyong kanan at kaliwa mong kamay, nawawala ang nerves mo sa kanan kamay ng malaking porsyento" sabi ng doktorang may katangkaran, mga 6 flat dahil angat sa heels nya na pumunta sa lightboard upang ilagay ang resulta ng aking xray at neuro scan sa aking dalawang kamay. habang nakatlikod sya, suot nya ang karaniwang suot ng mga doktor habang nasa duty pero sya ay nakaponytail at naka blue floral blouse at skirt na kasing haba ng tuhod nya.
"Mr. De Leon, magiging pranka na ako sayo. ang case mo ay bihira at hindi nagpagtutuon ng atensyon dahil mahirap to maidetect sa simpleng neurologist kagaya ko pero may nakita akong ganitong case which is why i want to investigate but dont have enough evidence and research to start the project to this kind of case. sayong nararanasang ngayon, patong patong na. your right hand experiencing loss of nerves since you were born. it dosent see it clearly while you were infant but as you grow older, its getting visible. base sa pahahambing sa kanan at kaliwang kamay, nawawala ng 30% ng nerves mo sa kanan habang normal naman sa kaliwa mo kumbaga ang kanan mong kamay ay bumibilis ang pagtanda kaysa sa normal na tao. ngayong 21 kana, pero ang nerves mo sa kanan mong kamay ay 28 agad dahil lamang sa kawalan ng nerve strings mo hindi sya putol mind you, nawawala sya. Yung ang malalang problema mo, yung isa naman ay dahil doon ay carpel tunnel kana AKA wrist pain dahil sa stress sa kanan mong kamay. Kaya ito maagapan sa operasyon pero ang kinababahala ko yung nerves mo, pagkatapos ng operasyon mo sa pulsuhan mo ay mas lalong masisira ang kamay mo at mararamdaman ito na malaking tiyansa na magiging permanente ito na lalong ikasisira pa." sabi ni doktora anne lacuesta, neurologist sa asian hospital. senior doctor at surgeon sa neurology sa pilipinas. sa bilog nyang mukha at singkit at napupungay na mata ay tagos sa akin yung awa nya na sumangayon sa kanyang galaw ng kanyang ilong dahil parang nakikireact pa na makikita mong mannerism na nya.
"doktora, maiaayos po ba ito?" pasabi kong puno ng pagasang tanong na may desperasyon dahil career ko na ang nakasalalay dito. "may therapy ba tong kanan ko para maayos ito? gamot ba? operasyon? kahi-"
"Mr., ang deperensya ngayon ay di kaya ng henerasyon ngayon. sa pagtagal may solusyon yan pero ngayong teknolohiya ay kahit ang ibang bansa ay imposibleng bigyan ng sagot. 30%?? thats too much loss of nerves, only 5% can do right now because it easy to duplicate the nerves through its nerve of the same hand. yours on the other hand, 30 percent is like to make an artificial nerves which is absurd. strictly saying, your done. your hands cant handle- wait, what's the proper word to say? umm...
APM, thats the right word. your right hand cant keep up anymore, may delay na ang delievery ng signal sa iyong utak sa kamay dahil sa nawawala mong nerves. di mo lang pansin pero base sa mga tanong ko kanina, na nagkakaroon ka na ng pagmamanhid mula 12 anyos ka pa lang is a clear sign of effect of your inborn neuro indeficiency. wala akong magagawa, sira na sa umpisa pa lang"
sa sinabi nyang iyon ay parang sinabi nyang ang career ko ay sira na kahit magsisimula ko pa lang tatahakin. Yung pagiging proplayer ko ay magiging pangarap na lang habambuhay, paano ang mga kasama ko sa HS? sina heo? malapit na kami, nasa relegation na ng korean region para sa upcoming spring split sa susunod na taon at mismong sa biyernes ng gabi sa PST ko ang laro eh lunes pa lang ngayon at hindi ako makapagensayo dahil dito.
"SHIT!!!!!!!!"
paluha kong sabi sa opisina nya sa hospital na rinig sa 4 na sulok ng malaking kwartong iyon na nakakuyom ang aking kaliwa kong kamay habang yung kanan ko ay di ko maigalaw sa sakit ng pulsuhan ko.bumalot ng tahimik kong hikbi ang kwartong iyon, walang nagsalita sa aming dalawa ng ilang minuto.
habang naghihintay jeep papuntang area C para makasakay papuntang de la salle dasma malapit sa kadiwa, nakasuot ako ng puting barong telang uniform na may tatak ng DLSU-D katerno ng brown pants at black shoes ay nakikihabol ako sa ibang tao para lang makasakay dahil konti pa lang ang jeep na yon tuwing umaga lalo pa't 6am ang oras ngayon dahil 7 ang pasok ko. buti naman nakasakay na ako, pagkaupo ko ay may uniporme ng emilio aguinaldo collage, NCST, ISAT, at DLSUMC. pagkabigay ko ng bayad ko sa jeep ay medyo ngarag ako hindi dahil sa nagmamadali ako kundi yung dilim ng ulap na hudyat na raragasa ng ulan. habang pabawas ng pabawas ang tao sa jeep ay palapit na palapit na ako sa ikaroroonan ko. sa pagbaba ko, ay pumunta ako sa gate 1 ng unibersidad na nagscan ng ID ko para makapasok. sa loob nito ay tambad mo na ang malaking rotonda o daang pabilog na intersection ng 3 daan at makikita mo sa harap mo ang CTHM building, sa kaliwa ang JFH at BIOL building habang sa kanan ay parking lot at ang 2 building na magkatabi doon sa dulo naroroon ang gate 2. Ako'y isang HRM student at pupunta na akong palakad sa CTHM dahil yun ang unang klase ko ngayong umaga. kinuha ko ang aking green slip para makita ko ang subject at room.
SOSC121:************** M/W 0700-0830 CIH 203
6:33 pa lang ang oras kaya pagpasok ko ay walang tao at tanging binubugang lamig ng aircon bumabalot sa loob ng kwarto. umupo ako sa bandang dulang upuan kung saan makikita ko ang bintanang nakikita ko sa pagbadyang ulan at mahinang hangin bumugso habang naghihintay doon. Sa paglipas nakikita ko ang calmadong sayaw ng mga puno sa hangin na parang tuwang tuwa sa pag ulan na muli silang bibigyan ng paligo sa kanilang mga ulap. Sa nakikita ko, akala mong ulan na hadlang sa iyong pagbyahe papunta sa kinaroroonan ay nagbigay lang ng basa paligid animo'y yung pakay lamang ay paliguan ang puno sa loob ng unibersidad. Ang unibersidad na ito ay ang daming nakapaligid na mga puno at halaman kaya ito masasabing green university dahil sa adhikain nito sa kalikasan. Sa paglipas ng oras,
"Umm kuya, SOSC121 po ba ito?"
sabi nang batang lalaki.
lalaking may double chin na kagaya kay superman, binatang binata ang kisig na naka uniporme kagaya ko. Buhok na malinis napagkakaayos at matang masayahin sa pagpasok ngayon, malamang mas bata pa sakin ng ilang taon."oo, ito yun." maikli kong sabi sa kanya.
umupo sya sa tabi ko at tahimik na naghihintay habang nakatuon sa cellphone habang dumdami ang tao sa silid na iyon. dumating na ang guro pero wala namang ikakasisimula ng diskusyon pero nagsimula sa pagpapakilala hanggang sa ako na magpapakilala sa sarili ko.
"ikaw na ang sunod" sabi ng matandang lalaking guro na naka checkered polo in blue at white habang nakamaong pants.
"aaahh, ako po si Sylvester Jhin P. De Leon, HRM freshman student. Nakatira sa Dasmarinas city Cavite at sana'y masaya ang pagsasamahan natin sa klaseng ito ngayong semester" galak kong sabi na naririnig ng buong silid.
BINABASA MO ANG
Broken Summoner
General FictionSummoner popular in the SEA region which is all respected by the senior summoners in the region. He is so close on going international that represent the region of the esports which is korea but in one incident that finishes his career just like a b...