Sa paguwi ko papuntang bahay sa dasmarinas, cavite. Syempre hinarap ko muna ang sagiksik ng mabigat na trapik ng molino sa intersection na puro ungol ng mga busina mula kotse
Hanggang truck kasama mo pa yung init ng araw kaya nagvan ako para komportable ang byahe ko kahit anong trapik pang mangyari kahit papaano matutulog muna ako.
Sa pagbukas ng aking mata sa kanan ay nakikita ko na malapit na ako sa dasma 3 kayat gumising na ako at hinihintay ang byahe papunta doon para makababa na ako ng maayos.
Sa pagsuyong papara ng van ay nakaalis na ako sa pampasaherong sinakyan ko ay naglakad ako papasok sa subdivision. Dasma 3 ay isang murang mamamayan ng cavite na karamihan ay mahihirap at may natutugunan ang pang araw araw na buhay kaya't puro empleyado itong mamamayan kung saan may kanya kanyang hanapbuhay para maitustos sa pamilya. Habang naglalakad ako sa aking tahanan ay di ko alam ang kakainin ko ngayong hapon at magiging hapunan ko ngayong araw, dahil mag isa naman ako ay matutulog muna ako at bibili na lang ng lutong bahay malapit sa tinitirhan ko.Bago pa lang ako aakyat sa bahay ko ay sa baba nun ay ang computer shop ni kuya Armando, sya ang una kong computer shop na pinuntahan ko nung bata pa ako. Sa simulang 5 pc hanggang 30 pc ngayon ay napakalaking bagay ni kuya Armand sa buhay ng aking pagiging manlalaro.
"Sylvester!!"
"Kuya Armand! Kamusta po?" Sa paglapit sakin ay giniyak niya ang aking kamay at yumakap sakin.
"Lintek! Ang laki ng pinagbago mo aah, ok lang naman ako. Napaasenso ko yung computer shop, pero syempre hinhintay ka ng mga player doon na magpakita at tumapak ulit sa shop sa pagtagal ng mga taon. Ikaw naman, kamusta ka na?"
"Ito okay lang kuya, pagod lang sa eskwela."
"Oh kaya pala nakaganyan ngayon, sige magpahinga ka muna mamaya na lang tayo magkwentuhan kasi ako naman bantay ngayong gabi kaya kwentuhan mo na lang ako ha?"
"Opo kuya at salamat doon sa bahay na pinaparenta nyo ngayon kaya may tinitirhan pa ako, tsaka nga pala kuya yung advance ko ay ibibigay ko na para wala akong problema sa hanggang bagong taon kong renta sa taas po."
"Walang anuman din yon, di ka na naiba samin. Mamaya natin pagusapan yang advance, oo nga pala magluluto nga pala si Dio mamaya sa bahay. Sumabay ka na samin maghapunan."
"Opo pupunta ako pero Luh si ate Dio magluluto? Anong okasyon?"
"Nandito ka na kasi kaya magluluto yun, alam mo naman na crush ka nun eh hahah."
"Grabe paano nya na nalaman na nandito na ako, eh di nga nagpapakita masyado o may nakakakilala sakin ngayon."
Nagkamot sa batok si kuya Armand "kasi nadulas ako kay Dio kanina na nagrerenta ka muna dahil nga magisa ka nga at mas mura yung renta ko kaya laking tuwa naman nung kapatid ko na nandito ka nga daw kaya magluluto sya."
Tumawa ako, "hahaha! Sige magdadala ako ng kanin para naman may ambag ako sa hapunan ninyo"
"Aba pwede yan pero wag ka na magambag, may papagawa sana ako sayo."
Pagtataka kong tanong "Ano po yun kuya?"
"Ano sana maibibigay akong bigas sayo, ikaw naman magsaing na lang. Iba kasi ang bigas namin ngayon di ko alam ang tantiya ng bigas kaya ang pangit ng kanin kinalalabasan"
Lol "Anu ba naman yan!!"
" Sige na oh, pinagalitan na ako ni Dio ng mga nakalipas na mga araw eh hahaha. "
" kawawa ka naman oh, dalhin mo lang agad yung bigas sa taas at tuturo ko sayo pagkatapos ng hapunan. "
" Actually, nandoon na sa taas. Gagawin mo na lang talaga. "
"Ang lakas! No choice talaga ako kuya?"
" Syempre Landlord mo ako eh hahaha. Salamat Vester."
BINABASA MO ANG
Broken Summoner
Ficción GeneralSummoner popular in the SEA region which is all respected by the senior summoners in the region. He is so close on going international that represent the region of the esports which is korea but in one incident that finishes his career just like a b...