pagkagising ko, nakita ko ang orasan sa tabi ng kama ko ay alas singko pasado na. kailangan ko ng bumangon at maligo dahil baka abutan ako ng rush hour sa daan eh alas syete pa man ngayong araw ang klase ko. martes pa lang ngayon, bagot na bagot na ako.
eh ayun natapos na akong maligo at magsipilyo, iniisip ko kung ano aalmusalin ko eh wala pa akong biniling mga pagkain kaya walang laman yung refrigerator ko.
Hay, papasok na walang laman ang tiyan. inayos ko muna yung suot at yung sinuot ko kanina na nilagay ko sa lalagyan ko ng labada tska ako umalis sa tinutuluyan ko.malapit na mag 5:40 nun nung pagbaba ko ay nakita ko na si kuya armand. Palakad na sya pauwi, tpos na sa shift nya at baka nandoon na yung bantay sa umaga kaya maaga sya.. dapat kase 7am sya matatapos.
"hoy vester!"
"oh bakit kuya armand?""pinapaalala ko lang, wala kang pasok ngayon. nakuwento mo kagabi nung hapunan! bakit ka nakauniform!?"
ay putcha! martes nga pala ngayon. wala akong pasok ngayong araw. lunes,miyerkules at biyernes lang ako pasok ko ngayong sem.
kaya nagmamadali akong pumunta sa taas habang tumatawa si kuya.
natapos na ako magpalit ng damit ng may kumatok sa pinto.
"ako to!" boses ni kuya armand
binuksan ko at pinapasok ko si kuya
na nakaayos na ako suot pambahay."almusal ka muna?"
tinignan ko si kuya armand na para bang ngayon ko lang sya nakita
tinanong ko ang mahiwagang mangyayare
"Oo, pero nagluto ka?"ngiting gago ang sinagot amp. ibig sabihin ako magluluto ng almusal, ayaw magluto ni kuya armand.
wala naman kaso sakin kung ako magluluto basta libre pagkain pero itong si kuya tamad lang minsan eh ipapagluto nya lang si Dio.Nang dumating ako sa bahay, nagluto na ako, onion tomato omelette and garlic rice kaya sandali ko lang ginawa tpos gumawa rin ako ng mainit na gatas para kay Dio pagkagising nya.
low fire and slow stir yung pag init ko ng gatas. nagiging malapot kase at ayaw ni Dio ng foam kaya kailangan haluin, tpos nilagyan ko ng asukal at hinanda ko na sa hapag para masimulan na ang almusal.
Nakita ko si Dio nasa hapag-kainan na, nakangiting gusto nang kumain kaya natawa na lang ako.
"Hoy, ang aga aah, Matulog ka na. tanghali pa pasok mo" biro kong sabi.
"Ulol, umaga pasok ko kaya magaalmusal ako."
"paano ba yan? kami dalawa lang ni kuya ang niluto ko?"
"Wag ka nga, laging meron ako. Sobra ka kaya magluto"
Natawa na lang ako kasi totoo, lagi kasi ako may sobrang niluluto kasi baka makulangan pa yung pagkain.
okay na yung sobra kaysa sa kulang.kumakain na kami nang biglang may dumating na mga tao sa bahay ni kuya armand.
Si kuya na yung nagbukas habang kumakain kami ni Dio sa dining. nang bumalik sya ay.........
"Vester, may gusto daw makipaglaban sayo ng 5v5."
"Kuya, ang aga-aga. gusto ko lang magalmusal."
"ewan ko ba dito sa mga to."
tumayo si Dio, nagdidilim yung paningin. Nagkatinginan kami ni Kuya, patay.....
"HOY!!! ANG AGA AGA, NAMBUBULABOG KAYO DITO SA BAHAY NAMEN! BUMALIK KAYO MAMAYA, EH MATATALO LANG NAMAN KAYO MGA POTA!!!!"
BINABASA MO ANG
Broken Summoner
Narrativa generaleSummoner popular in the SEA region which is all respected by the senior summoners in the region. He is so close on going international that represent the region of the esports which is korea but in one incident that finishes his career just like a b...