"VESTER!"
malakas na tawag sakin ng lahat ng tao na nakatingin sakin sa loob at labas ng comshop.
nabigla ako dahil para bang nagtipon-tipon itong mga to ngayong gabi eh hindi naman lagi nagsasama lahat nang to sa lahat ng oras.
"nasabi ata ni Dio sa palengke na darating ka, eh alam mo yung baboy na binibilhan nya eh yung nanay nun ay Anak nya si Junjun kaya ata kumalat pa lalo." sabi sakin habang inaasikaso ko batiin ng lahat ng tao sa paligid.
lahat ng manlalaro sa buong dasma 3 at katabing mga subdivision naandito na rin, yung iba di ko na kilala pero nalaman nila dahil ako daw ang taong nagpamalas ng galing at minsan ko na sila nakalaro o nakalabanan.
syempre bilang pasasalamat binati ko sila ng isa - isa, nageffort na sila pumunta dito eh. Appreciative naman ako at tska naramdaman ko ulit yung init sa loob ko na lahat nakakakilala sakin pati rin bilang personal na tao sa buhay nila, ang laking pasasalamat sa bawat yapak ko ay supportado sila sa lahat ng ginawa ko.
"Pasalubong sa korea aaah"
"Galingan mo, pota ka! HAHAHA"
"Yung pangarap namin ay magagawa mo na"
"ingat sa ibang bansa aah"Sa pagpasok ko ay nakita ko na si kuya Armand nagaayos at kinakausap yung bantay kanina para makapagpahinga na sya, nauna na sya habang binabati ko yung lahat ng nasa labas at kinakamusta. Napagod ako kaya napaupo ako sa tabi ni kuya, nauna nang umalis yung iba na pakay lang talaga akong makita at may gagawin daw sila karamhan na kasi ay nagtatrabaho na maaga pa ang pasok kaya sa susunod na lang daw.
"Aba naman, marami pala nakakaalala sayo vester." pangising sabi ni kuya
"oo nga eh, ang tagal ko kaya nawala." malumanay kong tugon sa kanya pero kasabay nun yung paglungkot ko dahil sa nangyari, kumbaga nabigo ko sila. naudlot kasi eh, malapit na ako kaso bigla akong lumagapak kaya nanghihinayang ako sa lakas ng suporta nila sakin.
Totoo pala yun, nararamdaman mo yung pagkahinyang hindi para sa sarili mo pero sa mga sumuporta sayo dahil sa bawat tapak nandoon sila lahat para sakin.
Ang lapit ko na maging player pero pinadrop ko sarili ko dahil sa mga komplikasyon ko ay iniiyak ni Dio dati at kinalulungkot ni kuya.Ewan ko ba, ang sakit lang isipin na yung sumuporta pa sayo yung mas malungkot na para bang tinatadtad sa kalooban mo hanggang ngayon.
habang nagbabantay sa kuya sa comshop, naguusap kami tungkol sa nangyari sa negosyo nya sa paglipas ng taon pero may pahabol pa siya..
"Vester, gusto mo bang bumalik?"
"Saan mo ba akong gustong bumalik?"
"Sa paglalaro o umakyat muli para sa pro play"tinignan ko yung kanan kong kamay. pumipintig dahil sa sinabi ni kuya at sumasakit dahil sa galing pa ito sa operasyon
"ilang buwan ba yan para gumaling?"
"yung sugat sa labas sandali lang pero yung ikinababahala ko yung sa loob ko kung gagaling" makahulugan kong sabi.
hindi na muna nagsalita si kuya ng sandali.
"ito na lang, hinay ka na lang muna ngayon. di naman aabot hanggang bagong taon yan, di ba?"
"kung tuloy-tuloy ay sa nobyembre ay mahihilom na to."
"aba'y maganda yan, makakapagipon na ako ng account kung ganoon."
ano tong sinsabi ni kuya? makakapagipon ng account?
"sinsabi mo kuya?, ilang account ba yang ibibigay mo sakin?""lima sana ang ibibigay ko, kung makakapaglaro ka ay isa lang muna dahil inaayos ko pa yung 4 na account"
"kuya! nagaaral na ako, hindi na pwede ako magbabad ng ganoong katagal sa gabi!"
"sabi ko bang maglalaro ka sa gabi? hahaha"
loko to! sinuntok ko sa kaliwa nyong braso gamit yung kanan ko kamao. natawa sya nun gagawin ko yun pero nung dumampa yung kamao ko sa braso nya ay nabigla sya. hindi na ganoon kalakas ang suntok ko sa kanya sa braso, dati kasi walang atubiling preno sa lakas ng suntok sa kanya.
Sana, maramdaman nya na wala na akong magagawa sa kondisyon ko ngayon
-*-*-*-*-*-*-*-
Inaantok na ako kaya nagsabi na ako kay kuya na aalis na ako pero nung habang naglalakad ako ay nakita ko si Junjun naglalaro kaya kinamusta muna pero sobrang seryoso ng tingin kaya pinabayaan ko nalang at nanood.
Ang nilalaro nya ay graves jungle, bandang mid game na sya nung nakita ko at dehado dahil sa natalong solo laners sa laning phase. Medyo garagal sya sa rotation at lalo na yung mechanics, kahit dismayado ako ay pinapanood ko pa rin.
pagtapos nya sa larong iyon talo sya sa game, nakaramdam sya na may nanonood sa kanya kaya sya lumingon at ako'y nakita."kuya vester!"
"kamusta na junjun, binata na aah"
"oo nga po eh, sa lahat napanood mo pa yung larong talo pa ako""okay lang yun, walang kaso pero ang dami mong mali kanina."
"tama ka doon, tilted na rin ako.""di ko alam na nag graves ka pala ngayon."
"opo kuya, ang saya nya ngayon sa jungle. lalo na rework pa sya.""gusto mo ba bigyan kita ng practice regimen sa graves? kase nakita ko di mo gamay eh."
"talaga kuya! sige po!""Pero di muna ngayon, may pasok pa ako bukas.. maaga ako"
"okay kuya, kita kits na lang po bukas"
"geh,ingat"
sa paglabas ko, nakita ko si kuya Armand. baka narinig yung paguusap namin junjun, ngumiti sya saken habang lumabas ako at umakyat na sa taas.
pagkasara ko ng pinto at nilock, humiga na ako tska antok na antok na ako. sa lahat ng nangyari ngayong araw, ang daming nangyari pero tahimik man sa simula ay dumadagdag at umaalingawngaw ang nangyayari sa paligid. isa lang naiisip ko, nandito na ako ulit kung paano ako babangon muli sa tuktok o mananahimik na lang ako at pagpatuloy kung ano man meron ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Broken Summoner
Algemene fictieSummoner popular in the SEA region which is all respected by the senior summoners in the region. He is so close on going international that represent the region of the esports which is korea but in one incident that finishes his career just like a b...