sa paglipas ng araw hanggang tanghali sa mga klase ko ay lagi lang ganun, syempre 1st day. ala-una ng tanghali na non ay walang na akong klase doon kaya aalis na ako sa unibersidad at pupunta na ako para sa monthly check up sa asian hospital sa alabang. Sa pagpunta ko sa gate 1 na nakapayong sa pagpatak ng ulan, marami na akong mga taong nalampasan pero wala na akong pakiealam na sa paligid kung saan nagmamadali ako dahil gusto ko na makaalis.
"Ito naman oh, para namang wala kang masyado tiwala sa paligid mo kahit sa laro, parang di mo maaasahan ang mga gagawin ng kakampi na dapat laging nasa ayos at may dahilan kung bakit."
"Sa Larong to, hindi pwede ang tumunganga at sasabong may mangyayaring milagro sa laro, ikaw gumawa ng paraan at uusbong ang oportunidad para manalo ka sa laro. Bawat segundo ay mahalaga dahil bawat segundo na yun ay bunga ng pagkapanalo at pagkatalo naten"
Marami na akong naging kakampi sa bawat pagupo ko sa harapan ng desktop, at sa paghawak ng mouse at keyboard pero karamihan sa mga nakalaro ko ay hindi nila maintindihan kung gaano kahalaga ang oras at kaalaman sa laro. Hindi ko mawari lahat ng naging kakampi ko ay naging kalaban ko na din dahil di nila gusto ang nangyayari sa komunikasyon sa loob ng laro kahit panalo dahil sa mga sinasabi ko.
Wala akong naging permanenteng kakampi sa nagdaang 4 taon ko sa laro na nawala ang saysay ang salitang "kakampi" sa akin. Para sakin, mga nagiging kasama ko sa bawat pustahan, laro , at laban ay mga taong gusto lang manalo dahil sa mga nakataya dito.
Naghihintay na ako ng jeep papuntang salitran nung may sumalubong saken. Si Adrielle Limasanca, naging kaklase ko ng high school. Nakasuot sya ng uniporme din ibig sabihin nagaaral rin sya sa parehong unibersidad.
"Sylevester!!" Bati sakin na may kasamang kaway.
"Adrielle?"
"Kamusta na!, ngayon lang kita nakita dito sa lasalle aah." nakangiting sabi nito. May dala syang notebook sa kamay nya at may shoulder bag sa balikat.
"Bagong pasok lang ako dito, kakaenroll ko lang this sem."
"So, bagong lipat ka? Sana naman meron ka namang nacredit na subj-""Adrielle, freshman ako ngayong sem. Actually ngayon pa lang ako papasok bilang collage student hehe." Nahihiya kong putol sa pagsasalita.
"Aah..." yun lang naisaad nya sa sinabi ko
"Ikaw, Kamusta ka na?? Anong year mo na sa collage?" Pagpapatuloy ko ng usapan
"Heto, okay naman may pasok lang ngayon at pupunta na ako sa oOJT-han ko ngayon. 4th year ComSci na ako this sem."
Kung tinuloy ko ang aking collage noon ay kasing year ko na sya at hanga naman ako dahil pa-graduate na sya. Good for her.
Tuloy-tuloy lang ang usapan namin tungkol sa buhay at catchup sa mga kaibigan namin sa highschool hanggang sa jeep na may sign na dadaanan ang salitran ay sinabi kong nagmamadali na ako kaya mauuna ako bumiyahe.
"Sylvester, bago na ba yung cell number mo?, para stay incontact at updated sa barkada." Sabi nya sakin"Oo bago yung number ko ngayon, ito oh" bigay ko sa kanya ng aking number at nagpaalam na ako sa kanya.
Bumibiyahe na ako papuntang salitran na inaalala ang mga nangyari, nakita ko na si Adrielle doon kaya't marami pa akong makakasalubong mga kaklase ko ng HS na 4th year na rin dahil karamihan sa mga kabatch ko ay nandoob sa unibersidad pumasok. Doon na lang ako hihingi ng tulong tungkol sa pasikot-sikot sa loob at labas ng unibersidad, at least may number na ako sa kanya kaya mukhang madadalas pagkikita namin.
Nung bumaba ako sa savemore habang naglalakad sa mga paradahan ng yellow multicab, pansin ko na yung pinagbago ni Adrielle ngayon mula sa huling pagkikita namin sa nagdaan na taon. Una, syempre gumanda sya talaga as in drastically. Eh paano pa naman grumaduate yang heartbroken dahil sa nobyo nyang si Zac Flores, yung dahilan ng paghihiwalay nila ay di ko alam kasi wala naman akong pakielam nung HS pa lang ako. Pangalawa, palangiti na sya ngayon kasi dati tahimik at di mo mabasa ang iniisip medyo poker face ika-nga. Mukhang masaya naman sya ngayon sa buhay kolehiyo nya.

BINABASA MO ANG
Broken Summoner
Ficción GeneralSummoner popular in the SEA region which is all respected by the senior summoners in the region. He is so close on going international that represent the region of the esports which is korea but in one incident that finishes his career just like a b...