4 >Candy<

374 40 14
                                    

Pumunta ako sa tindahan nila Yoongi. Gusto kong bumili ng candy. Hahaha.


Bago pa man ako makapunta doon ay natanaw ko ang isang babae.


'Yoongi, babaero.'


<_>


Lumapit pa ako para tignan kung ano yung pinag-uusapan nila.


"Yoongi! Bakit mo ako iniwan!?" Sigaw nung babae.


"Nanlalaki ka." Sagot ni Yoongi. Iyon na siguro ang pinakamalamig na tinig ang narinig ko kay Yoongi.


'Mukhang pamilyar yung babae. Nakatalikod kasi kaya hindi ko makita yung mukha.'


"Kaibigan ko iyon. Mahal kita at alam mo iyon." Sabi nung babae. Tila ba'y kinukumbinsi niya si Yoongi.


"May girlfriend na ako." Sabi ni Yoongi.


'Ano?! May girlfriend na siya! Bakit hindi ko alam?!'


"Sino?!" Sigaw nung babae.


'Nawalan ako ng ganang bumili sa narinig ko.'


"Siya." Napatingin ako sa daliri ni Yoongi kung saan nakaturo.


Tumingin pa ako sa likod ko kaso wala naman tao.


"Ako?" Bulong ko sa sarili. Napatingin ako sa babaeng nakaharap sa akin ngayon.


'Ngayon kilala ko na siya.'


"Ikaw nanaman! Gumaganti ka ba sa akin!? Pagkatapos kong agawin si Jungkook sa iyo! Gagantihan mo ako at si Yoongi naman ang isusunod mo!" Sigaw niya


'Yes, siya ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Jungkook.'



Hindi ko siya pinansin. Dumeretso ako kay Yoongi at ngumiti. 


'Kailangan kong makisakay sa trip ne'to ngayon.'


"Yes, tama ka ng narinig. Yoongi's Property lang naman ang kausap mo ngayon. Any problem?" Nakangising saad ko sa kanya.


Hindi makapaniwala ang itsura niya at umalis na lamang siya. Napahiya ang bruha.



"Thanks." Sabi niya.


'Ako dapat ang nagsasabi niyan.'


"Same. And you're welcome." Sabi ko. Tumingin ako sa mga candy nila.

Iniabot niya sa akin kung saan ako nakatingin.

"Alam mo bang candy na lang sweet ngayon?" Tanong niya.


"Eh yung asukal?" Sabi ko.


"May asukal ang candy." Walang emosyong sabi niya.


'Oo nga naman Lyka, nakakahiya naman.'


"Sa dinarami-rami ng sweets sa mundo. Iisa lang ang para sayo." Sabi niya.


'Ano daw?'


Umalis na ako doon. Hindi pa rin ako makamove-on.


"Patawarin mo ako Mama." Napatingin ako kay Papa pagkapasok ko ng gate.


"Naghahanap ka pa ng ibang sweety mo, nandito naman ako." Sabi ni Mama sabay walkout

.

"Alam ko na ang ibig sabihin nung sinabi mo Yoongi." Sabi ko sa sarili at binuksan ang isang piraso ng candy.



Don't forget to vote, comment and follow

•Jiminionism

Tindahan Ni Yoongi || m•yg (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon