10 >Noodles<

335 28 4
                                    

Lol ihanda ang panyo. YoonKa. LyGi.
Wala muna sa TaeMin.

*****

'Ang hirap makatulog lalo na't wala kang inspiration. Ang hirap makatulog habang iniisip na iba na yung inspiration ng inspiration mo.'

"Yoongi bakit mo nagawa sa akin ito!" Sigaw ko. Wala akong pake kung meron makarinig. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari kahapon.

'Ang ipinagtataka ko lang ay bakit bumalik si Yoongi? Bakit iba yung address na binigay ni Jin kahit nasa iisang bahay lang nila Jungkook at Yoongi? Bakit hindi na ako mahal ni Yoongi? Ajujuju.'

"Anak may naghahanap sa iyo sa labas. Aalis muna kami ng Kuya mo kasama si Taehyung. Ikaw na bahala umasikaso sa bisita mo. Aalis na kami. Pinapasok ko na." Paalam ni Mama sabay alis. Saan naman kaya sila pupunta?

'Sino naman kaaga ang bibisita sa amin ngayon?'

Naghilamos muna ako at inayos ang sarili bago bumaba.

'Malay niyo si Yoongi pala hahaha.'

Pababa na ako ng makita ko kung sino yung bisita. Nakatalikod siya sa akin at tanging puting buhok lamang niya ang nakikita.

'Yoongi?'

Lumapit ako doon tinignan ko kung ano yung tinitignan niya.

'Larawan ni Mama at Papa kasama ako at si Kuya. Yung oras na kumpleto pa kami.'

"Yoongi?" Tawag ko sa kanya kaso hindi niya man ako nililingon. Abala siya sa pagtingin sa larawan.

'Pumunta ba siya dito para tignan lang yan!?'

"Handa ka na bang pakinggan kung ano yung paliwanag ko?" Tanong niya sa akin habang nakatuon pa rin ang atensyon sa mga larawan.

'Handa na ba ako?'

"Simulan mo na." Utos ko sa kanya. Kahit na hindi ko alam kung ano man ang sasabihin niya. Alam kong malulungkot ako sa huli kaya mas mabuting malaman ko na habang maaga.

"Kilala mo na ako bilang driver ni Jungkook at kasambahay kami sa bahay nila?" Tumango lang ako bilang sagot. Sana maintindihan ko lahat.

"Alam mo na rin bang kapatid ko si Jin?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Hindi niya nakikita ang pagtango dahil nakatingin siya sa mga larawan pero patuloy pa rin siya sa pagtatanong.

"Alam mo bang ex ko yung babaeng iyon?" Tanong niya sa akin. Tinutukoy niya yung naging dahilan ng pag-aaway namin ni Jungkook.

"Oo." Sa wakas ay may lumabas na rin na katiting na salita mula sa bibig ko. Ayokong bastusin siya sa pagtatanong niya habang ako'y hindi sumasagot.

"Alam mo bang kami na ulit?" Napatingin siya sa akin sa tanong na iyon.

'Alam ko Yoongi! Saksi ako sa pag-amin ng babaeng iyon mismo sa harapan ko.'

"Oo, yung kahapon." Sabi ko sa kanya. Lumapit siya sa upuan at nakatingin na siya sa akin. Ako naman ang umiwas ng tingin.

"Mahal mo ba siya?" Sinubukan ko naman magtanong. Umaasang iiling siya.

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung magsalubong ang paningin namin.

'Bakit mo ginagawa 'to Yoongi? Masyado mo akong nililito.'

"Mahal ko siya. Kaso mas mahal kita." Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Marahil hindi ko lubusang maunawaan ang pinupunto niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Binayaran niya ako para mahalin siya." Napatigil ako sa paghinga sa sinabi niyang iyon.

'Sa mga libro ko lang nababasa ang mga iyan.'

"At pumayag ka naman?" Tanong ko sa kanya. Umiling lamang siya.

'Eh paano naging sila kung hindi siya pumayag!?'

"Pumayag si Mama. Gipit si Mama ngayon kaya naman hindi ko maisip na napapayag ng babaeng iyon ang Mama ko." Sabi niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag sa paliwanag niyang iyon.

'Mabuti na lang.'

"Mahal mo siya kaso mas mahal mo ako, anong ibig mong sabihin doon?" Tanong ko uli sa kanya.

"Mahal ko siya ng dahil sa pera. Mahal kita dahil ikaw si Lyka." Ramdam kong nahihirapan talaga siya sa sitwasyon. Sana may mabuting mangyari sa kanya.

Tumayo ako at tumalikod sa kanya.

"Kukuha muna kita ng makakain." Sabi ko sa kanya. Naglakad na ako papunta kusina kaso sumunod siya sa akin. Nangilid ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

'Kaya kang kontrolin ng pera Yoongi pero kayang kontrolin ng tadhana ang pera.'

Nagsalin ako ng juice sa baso at kumuha ako sa ref ng makakain niya.

Umupo siya sa lamesa sa kusina at umupo ako sa harap ng inuupuan niya.

Tinignan ko lang siya habang kumakain. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Hindi ko lubos maisip na lumalala ang buhay niya.

'Ang hirap tignang nahihirapan ang taong mahal mo, hindi ba?'

"Binili mo ito sa tindahan?" Tanong niya sa akin doon sa kinakain niyang noodles.

Tumango lamang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin niya.

"Sing haba ng noodles yung pasensya mo?" Tanong niya sa akin.

'Dyan ako na-inlove sa iyo. Sa hirap mg buhay mo, nakukuha mo pang magbiro.'

"Oo, sing instant ng noodles 'yang pagkatao mo." Sabi ko sa kanya.

Natigilan siya. Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko.

Tumingin lang siya sa akin. Yung tingin na naging dahilan para ganahan akong bumili sa tindahan nila.

"Mahal mo ba ako?" Tanong niya sa akin.

'Sabi ko na nga itatanong niya ito eh.'

Bumuntong hininga muna ako "Higit pa sa inaakala mo."


Don't forget to vote, comment and follow.

•Jiminionism•

Tindahan Ni Yoongi || m•yg (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon