14 >Singsing<

295 28 0
                                    

Napatingin ako sa labas. Kumpulan ang mga tao. Ano kayang meron?


'Nakaramdam kasi ako ng kaba simula kagabi. Parang may hindi maganda nangyayari.'


Pumunta ako sa baba. Nakita kong nakatingin si Mama sa may bintana.


"Mama ano po 'yong nasa labas. Bakit ang daming tao?" Tanong ko kay Mama. Hindi ko alam kung balit ganoon na lamang karami ang tao doon.


Nakita ko si Kuya na lumabas sa kwarto niya kasama si Jin at  si Taehyung pati na rin si Jungkook.


'Anak ng! Bakit magkakasama 'tong apat na 'to?'


Lumapit sila sa akin habang si Mama at lumabas ng bahay.


"Lyka! Huwag kang lalabas!" Sigaw ni Jin. Heh! Galit pa ako sayo kala mo!


"Huwag kang lalabas. Subukan mo lang." Banta sa akin ni Kuya. Hindi mo ako mauuto! Sabihin pa kita kay Mama eh!


"Dito na lang tayo. Masyadong maraming tao sa labas." Sabi ni Jungkook. Lol ang sabihin niyo may alam kayong hindi ko alam.


Napatingin ako kay Taehyung. Siya na lang ang walang dahilan. Siya na lang ang pag-asa ko.


"Bakit hindi ako pwede lumabas?" Tanong ko kay Taehyung. Gusto kong marinig yung dahilan niya.


"Hindi ko alam." Sabi niya sa akin.


'Maniwala ako. Tss.'


"Hindi mo alam?" Pagmamaang-maamang ko. Sa palagay ko alam niya-- nila kaso wala silang balak sabihin.


"Hindi ko nga alam na nasa labas si Yoongi." Pamamaktol niya.


'Tss. Hindi niya nga alam na nasa labas si-- Yoongi?. Yoongi?! Ano naman ginagawa niya sa labas?'

Nanlaki ang mata nila Jungkook, Kuya at Jin sa sinabing iyon ni Taehyung. Pinagbabatukan ni Jungkook at Jin si Taehyung habang si Kuya naman ay nakayakap kay Taehyung. Hokage. Tsk tsk.


Lumabas na ako ng bahay ng hindi nila namamalayan.


'Bakit nandyan ka Yoongi? Hindi mo sinabi pumunta ka para sa akin. Siya ba ang dahilan kung bakit nandito siya? Siya ba ang pinagkukumpulan ng mga tao? Ano kayang ginawa niya para sa akin? Harana? Love letter? Sweet chocolate with matching kiss sa forehead?'


Nasa gate na ako nung may makita akong isang bilog na maliit.


'Ito yung singsing ni Mama nung ikinasal siya kay Papa? Paanong nandito ito?'


Tinignan ko yung singsing. Gaano kaya kasaya habang inilalagay ng isang lalaki ang isang singsing sa isang babae. Masaya daw? Hindi ko pa kasi nararanasan.


"Lyka! Bumalik ka nga dito!" Sigaw ni Kuya kasama ang tatlo. Napabalik ang realidad sa sigaw niyang iyan. Tumakbo na ako non.


Pumunta ako malapit sa may tindahan ni Yoong-- Jin dahil doon ang nagkukumpulan na tao.


Sumiksik ako ng sumiksik hanggang sa makarating ako sa unahan.


"Can you be my Wife? My Swaegy girl?" Napahinto ako ng makita si Yoongi na nakaluhod sa gawi ko.


"Ayyyieeee nakakakilig naman sila!"


"Sana may ganyan din akong boyfriend."


"Nakakakilig naman siya. Sana may ganyan pa!"


"Ang gwapo naman nung boy!"


"Ang swerte nung girl."


"Yes Yoongi!" Napatingin ako sa likod ko dahil doon yung nagsalita. Yung babae ni Yoongi.


'Hindi dahil sa akin.'


Napayuko ako nung magyakap silang dalawa. Hinalikan pa ni Yoongi yung noo nung babae.


Naramdaman ko na lamang may humila sa akin papalayo roon. Naramdaman kong inihiga niya ang ulo ko sa dibdib niya. Hinahagod hagod ang likod ko. Bakit ganito si Jin?


"Sabi ko sa iyo Lyka huwag ka ng pumunta roon. Ayokong humantong ka sa ganito." Sabi ni Jin.


'Akala ko may surpresa si Yoongi sa akin kaya ayaw nila akong palabasin. Para kang isang maliit na singsing Yoongi na sa oras na nawala, parang may kulang.'


Don't forget to vote, comment and follow.

•Jiminionism•

Tindahan Ni Yoongi || m•yg (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon