17 >Ikaw<

312 27 2
                                    

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa hardin nila Namjoon.

Maaliwalas. Mabango. Puno ng mga halaman. Mga rosas. Sampaguita. Gumamela. Santan. Mga punong hitik sa bunga. Mga damong berdeng berde ang kulay. Samahan pa ng isang upuan na gawa sa ginto at isang magandang tanawin na may palubog pa na araw. Ang yaman na talaga nila.

"Ayos ka lang ba Lyka?" Nakaupo kami ni Namjoon ngayon sa mga upuan nila. Hindi nakatingin sa isa't isa pero mapaghahalataan na maraming gustong sabihin.

"Oo naman. Ayos lang ako." Sagot ko sa kanya. Ayos lang ako sa nangyari kanina. Pero nung nagdaang ilang araw, hindi. Hindi ako ayos. Lalo na sa kalagayan ni Yoongi ngayon. Lalo na't nahihirapan na rin ang ina niya sa pagtratrabaho.

"Lyka. Lyka." Hinawagayway na pala ni Namjoon ang kamay niya. Nawawalan nanaman ako sa sarili. Ganito talaga ang epekto ni Yoongi sa akin.

"Ahhh Namjoon nasaan yung cr niyo?" Tanong ko sa kanya. Hinatid naman ako ni Namjoon doon at bumalik na siya sa hardin. Pagkatapos kong mag cr ay agad na ako bumalik sa hardin. Nandoon si Yoongi. Kasama si Namjoon.

"Sorry pala Sir sa nangyari kanina. Hindi ko po talaga intensyon na saktan si Ma'am." Nakayukong siya. May namumuo nanaman sa mata ko. Iiyak nanaman ba ako? Hay.

"Ayos lang. Basta ang maganda humingi ka ng pasensya. Ayos na sa akin iyon." Nakangiti pa rin si Namjoon. Talagang hindi siya masyadong nagagalit. Ganyan ba talaga siya?

Umalis na si Yoongi doon. Nakakaawa naman si My Swaegy Boy ko. Ako na lang kaya magkupkop sa kanya. Tapos tabi kami matutulo-- no! Hindi! Anong bang iniisip ko?

Lumapit na ako kay Namjoon at umupo na ulit ako.

'Paano kaya kung ganito kayaman si Yoongi. Kami na siguro diba? Hindi na siya maghihirap? Wala na siyang pinopoblemang pera. Lalo pa siyang gwagwapo.'

"Oo nga pala Lyka, darating pala ang kapatid ko. Paparating na siya. Hindi ka pa naman uuwi hindi ba? Ihahatid pa naman kita."

"Oo naman. Ayos lang. Alam ko naman ligtas ako ikaw kasama ko eh." Ngumiti siya sa akin nung sinabi ko iyan. Ganyan pa siya kiligin? Ang cute.

"KUYAAAAAAAAAA!" Sigaw ng nasa likod. Kuya? Sino? Tumingin kami parehas ni Namjoon sa sumigaw. Ganyan ba siya ka hyper. Nakangiti siya at labas lahat ng ngipin niya.

"Lyka, meet my brother. J hope this is Lyka. I hope both of you can be friends?"

"OBCORSSSSSS KUYAAAAA! HELLOOOOO LYKAAAA! I'M BERY HAPI TO SEE YOUUUUU!" Sigaw niya sa akin. Hyper talaga.

"Masaya din akong makilala ka. J hope." Sincere kong sabi. May maleta pa talaga sa likod niya. Halatang halatang malayo ang pinanggalingan ng lalaking ito.

'Sino naman kaya siya? Ano nanaman kaya ang gagampanan niya sa buhay ko? Gusto pa kitang mas makilala. Gusto pa kitang mas makasama. Alam kong may malalaman ako sayo. Feeling ko? Ganyan talaga ako.'

"Pwede payakap? Hahaha ang cute cute mo kasiiiiiiii!" Sigaw ulit ni J hope. Hindi ba siya nawawalam ng energy? Yakap lang naman eh.

Lumapit ako sa kanya at ako na ang unang yumakap. Niyakap niya din naman ako. Ang sarap niyang yakapin. Napapikit ako sa yakap na iyon. Sana si Yoongi na lang ito. Nakakainis. Bakit pa kasi nagkaroon pa ng problemang ganito?

Pagdilat ng mata ko. Nakita ko siya. Nakita ko siya sa malayo. Nakita ko si Yoongi sa malayo. Sa malayong lugar. Siya iyon. Nakatingin siya sa amin. May blangkong mukha. Ayokong mag assume pero nagseselos ba siya? Sana hindi at sana oo. Sana hindi siya magalit sa selos niyang iyan. Sana oo na kahit papaano ay alam kong may gusto pa siya sa akin.

'Isang salita para sa mga taong basta basta na nalang lilitaw. Ikaw. Yoongi.'

--------

A/N: J hope (New Character)

Don't forget to vote, comment and follow

•Jiminionism

Tindahan Ni Yoongi || m•yg (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon