16 >Tubig<

301 23 0
                                    

Ngayon ay ang araw kung saan inanyayaan ako ni Namjoon kung pwede daw ba ako ngayon. Pinag-iisipan ko talaga at hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong pumunta. Pero yung katawan ko ay gustong pumunta. Nakakalito.

'Tatawagan ko kaya siya. Kapag pinindot ko na kasi yung call ay ang mangyayari ay pumayag na ako. Bahala na nga.'

Kinuha ko yung cellphone at yung maliit na papel na binigay ni Namjoon.

'Makikita ko kaya doon si Yoongi? Sana hindi naman. Baka bumalik lahat yung sakit. Kapag nakikita ko siya'y hindi ko maiwasang masaktan.'

Nagri-ring na ang number. Hindi ko alam kung bakit ko na lamang iyon pinatay nung sinagot ni Namjoon. Hindi ako makapaniwala sa inasta ko. Parang nabastos ko ata siya.

Humiga ako sa kama at kinuha ang isang balat ng pinaglagyan ng paminta. Hindi ko alam kung bakit tinago ko ito. Dahil siguro sa araw na nangyaring iyon. Ang pagtatanggol sa akin ni Yoongi. Tinago ko ulit yung balat. Para akong tangang may balat ng paminta sa tabi ng hinihigaan ko.

Hinanda ko na ang sarili at kumain. Bumaba at sinabi kay Mama na nakita ko si Namjoon. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari maliban sa usapan namin sa lovelife. Pinayagan ako ni Mama kaya naman nung dumating yung hapon ay nagbihis ako. White Dress at brown heels. Hindi ako sanay pumorma kaya naman kahit ano na lang isuot. Kaunting lipstick pwede na.

Bumaba na ako at nakita kong tatlo lang sila nanduon. Wala si Jin.

"Nasaan si Jin?" Tanong ko sa kanila. Napatigil naman sila sa panonood at sabay pa silang tatlong napatingin sa akin. Abnoy talaga sila.

"Nagtrabaho sa bago nilang trabaho." Sabi ni Taehyung.

'Nagtrabaho? Triple na nga yung binayad nila Namjoon.'

Naglakad na ako palabas kaso nakita ko si Namjoon nanduon. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan.

'Gentlemen, huh?'

Hanggang makarating kami sa bahay nila--- na sobrang ganda. Sobrang laki. Kulay krema ang kulay ng pader at napapaligiran ng kukay berdeng halaman. Pinagbuksan niya ulit ako at nagpasalamat.

Nanduon ay nakita ko ang napakaraming maid. Nakaabang sila sa may loob habang nakahilera sa magkabilang banda kung saan kami dadaan.

'Kailangan ba talagang ganito?'

Lumakad na kami at sa oras na may madadaan kaming maid ay yuyuko sila na para bang nagpapakita ng paggalang. Hindi ko alam na ganito pala sa mga elegante.

Sa dulo naman ay mga lalaking naka tuxedo na kulay itim. Dinaanan din namin sila. Yumuko rin sila kagaya ng ginawa ng mga maid. Dinala ako ni Namjoon sa isang malaking dining area. Isang napakalaking lamesa na kakasya sa mahigit tatlumpung tao ang naroroon. Nakakamangha. May nakaupo na halos sa lahat ng mga upuan maliban na lamang sa dalawang upuan malapit sa isang matandang lalaki na nasa dulo ng lamesa.

"Magandang gabi ama! Ito nga pala si Lyka, kaibigan ko." Pakilala sa akin ni Namjoon. Napakapormal naman niya ata.

"Magandang gabi po." Inilahad ko ang kamay ko at tinanggap naman iyon ng ama ni Namjoon.

'Kamukha niya ang kanyang ama. Kapag pinagtabi mo sila, iisiping mong magkapatid lang sila.'

"Magandang gabi sa inyo. Halika kayo't umupo dahil magsisimula na ang hapunan." Sabi ng ama ni Namjoon. Kinuha ang isang baso at isang kutsara at pinagsalpok ito kaya naman may ingay na nagmula. Agad na lumapit sa kanya ang isang babae-- babaeng kilala ko.

'Ang ina ni Jin.'

"Ano pong makapaglilingkod ko sa inyo?" Tanong niya sa ama ni Namjoon.

"Dalhin niyo na ang aming hapunan." Utos ni ama ni Namjoon. Yumuko ang Mama ni Jin.

"Masusunod po." Agad na tumalikod ang Mama ni Jin pagkasabi non.

'Dito pala siya nagtratrabaho.'

Hindi ko na lamang siya pinansin. Napatingin ako kay Namjoon na nakatingin pala sa akin.

'Kanina niya pa ba ako tinitignan?'

"Baket?" Tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Wala lang. Napansin kong ang ganda mo pala sa suot mong iyan." Papuri niya. Alam ko naman iyon Namjoon, ulit-ulit na lang. Lol.

Bumukas ang pinto sa bandang kabilang dulo ng mesa kung saan nanduon ang ina ni Namjoon. Lumabas doon ang dalawang lalaking may bitbit na lalagyan.

'Yoongi? Jin?'

Napatingin ako sa kanila.

'Hindi ko maiwasan maawa sa kanila. Kay Mama ni Jin na may pagkakulubot na ang mukha pero nagtratrabaho pa rin. Si Jin na nasa ay nag-aaral sana ngayon pero tumutulong pa rin dito. Si Yoongi na nahihirapan din sa sitwasyon nila. Arghh! Hindi ko sila kayang makita. Naaawa ako sa kanila.'

Napatingin sa akin si Yoongi. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko kayang makitang nahihirapan siya. Ang sakit. Sobra. Ayokong nakikitang naninilbihan siya para lang may makain.

Sa sobrang titigan namin dalawa ay hindi na namin namalayan na natapon pala ni Yoongi ang tubig sa dress ko.

"Ahm sorry po ma'am." Ang sakit pakinggan. Na para bang hindi kami magkakilala. Bakit ginaganito mo nalang ako lagi Yoongi!?

Pinunasan niya ang dress ko gamit ang tissue. Nakayuko lamang siya habang ginagawa iyon dahil nakatingin ang mga mata ng mga naninilbihan at pinagsisilbihan sa kanya.

Pero agad na kinuha ni Namjoon ang tissue at siya na ang nagpunas. Sinensyasan niya na sina Jin at Yoongi na maaari na silang makaalis.

"Sorry Sir." Nakayuko siya. Hiyang hiya siya sa ginawa niya. Kasalanan ko nanaman ba?

"Ayos lang. Samahan niyo na ang inyong ina para mabilis maihanda ang hapunan." Wika ni Namjoon. Agad naman hinila ni Jin si Yoongi paalis sa lugar namin.

'Para kang tubig Yoongi. Hindi ako mabubuhay ng wala ka.'

Don't forget to vote, comment and follow

•Jiminionism

Tindahan Ni Yoongi || m•yg (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon