Spoken Word Poetry #2

1.5K 5 0
                                    

Kalahating Oras

Bibigyan kita ng mga minuto,
Dito ibuhos mo nang buong-puso
Walang labis, walang kulang
Walang sakit na nakaharang.

Una,
Bibigyan kita ng sampung minuto,
Ilabas mo ang sakit na mula sa'yong puso.
Yung sakit na dama mo habang siya'y nasa kaniyang kalaguyo.

Pangalawa,
Bibigyan kita ng sampung minuto,
Para ilabas mula sa'yong puso,
Ang sakit na dama mo simula nang makita mo siyang may kasamang iba.
Masayang-masaya.
Higit pa sa'yong pinadama.

Pangatlo,
Bibigyan kita ulit ng sampung minuto.

Heto,
Huli na.
Para patawarin mo ang sarili,
Ang sariling kinukulong,
Sa sariling paninisi at sakit.
Patawarin mo ang sarili mo.
Bitawan na ang nakaraan mo.

Doon,
Doon mo mararanasan ang saya.
Ang saya na noo'y akala mo hindi na mararanasan pa.
Ang saya na akala mo'y dahil lang sa kanya.

Bibigyan kita ng ilang minuto.
At nagsisimula na,
Ngayon.

Mga Panitikang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon