Spoken Word Poetry #4

535 1 0
                                    

Mahal...
Simula nang makilala kita
Hindi ko na alam kung ano ang aking pangalan.
Hindi ko na rin alam kung ako'y nasaan.
Basta ang alam ko...
Makasama ka lang,
Mayakap,
Mahalikan,
Makausap.
Masaya na ako.
Hindi ko rin alam kung para saan ba itong ginagawa ko.
Sa pagsusulat ng mga tula,
Kanta,
Kwento,
O kung ano-ano pa.
Pero mahal...
Sa kabila ng lahat na ito...
Ikaw pa rin ang laman ng puso ko.
Ikaw pa rin ang nanaig sa puso ko.
Dahil may nanalo na.
Ginalingan mo kasi.
Hindi ako nakapaghanda,
Kaya heto, may aftershock pa ang ang sakit...
Ang sakit na dinulot ng pagmamahal ko sa'yo.

Mga Panitikang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon