Nangyare ito sa Type C Poblacion Muntinlupa City. Mahaba to pero sana mapagtyagaan nyo :D. Sa totoo lang nung una hindi pa bukas ang third eye ko. Bumukas lang sya nung nanuod kami ng dalawa kong kaklase ng Grave Encounters. Sa school yon sa Pamantasan Lungsod Ng Muntinlupa, ano oras na kami nakauwi nun. Pagkatapos namin yun panuorin nanikip dibdib ko and hindi ko alam kung bakit. Ang inisip bka dhil lang sa sobrang ganda ng movie. Pero kinabahan na ako kase sobrang sikip nya na hanggang sa naisipan kong burahin sa phone ko yung movie. Nung binura ko, dun na nawala pagsikip ng dibdib ko. Tapos habang pauwi ako feeling ko ang daming nasunod saken. Yung ang bigat ng pakiramdam ko hanggang sa dumami na ng dumami yung mga nag paparamdam sakin sa bahay.
UNA. nung nagising ako ng 1AM at hindi na nakatulog. Nag laptop na lang ako nun nasa likod ko nun si ate nakahiga tapos biglang may umiyak sa tabi ko pag lingon ko sa ate ko tulog na tulog. Tapos kinabahan na ako non. Maya maya nawala, tapos umiyak ulit dun naman na sa may sala namin ang lakas nya wala namang babae sa bahay namin kundi kami lang ng ate ko at si papa lang ang natutulog sa sala.
Sobrang kinabahan na ako kase baka magpakita sya sakin, hindi pa ako ready na maka kita ng multo that time. Tapos ang ginawa ko kumuha ako ng rosary at nag dasal. Lalong lumamig sa kwarto ko. Tapos ihing ihi na ako hindi ako makalabas sa kwarto sa kaba dahil sa posibilidad na baka pag bukas ko ng pinto naka tayo sya dun kaya tiniis ko yung ihi ko. Tapos tinext ko na lang si papa non.
Sabi ko, "Papa gisingin mo ako if ever na tulog na po ako kase ihing ihi na ako at natatakot ako papa kase kanina pa ako nakakarinig ng umiiyak."
Pag katext ko sa papa ko, nag try ako matulog. Humiga ako at pumikit. Naramdaman kong may tumatabi sakin at ang bigat nya. Hindi ko makuhang gumalaw o dumilat dahil ayoko pa talaga makakita. Hinawakan ko na lang ng mahigpit yung rosary.
PANGALAWA. Kapag nanunuod ako ng TV laging may nakatayo na itim walang muka
sa may kurtina papasok sa kwarto. Basta yung hulma lang ng katawan nya anino lang sya. Lagi nya lang ako tinitingnan. Pag titingnan ko umaalis sya.PANGATLO. Yung sa labas ng bahay namin kasama ko mga pinsan ko nun, tatlo kami. Nag lalaptop ako at bukas ung mga bintana nagulat ako kase sa unahang bintana namin may naglalakad pag tingin ko nawala. Tapos naglaptop ulit ako bumalik sya, hindi na ako sa laptop nakatingin sknya na kunyari lang sa laptop. Nakita ko sya nakalutang lalaki naka white.
Sinabihan ko pinsan kong lalaki na, "Tumingin ka sa bintana."
Sabi ng pinsan ko, "Bakit?"
"Basta tumingin ka!", sabi ko.
Tapos minura nya ako. Tinanong ko ano nakita mo? Lalaki daw sumilip sa bintana tinagilid ang ulo.
PANG-APAT. Nasa bahay kame, gumagawa kami ng booth. Nagpakita nanaman sya. Naka upo sa labas ng bahay namin. Hindi sya mukhang multo, mukha syang tao. Actually nung tiningnan ko na sya umikot ung ulo nya. Yung katawan nya nakaharap padin dun sa kinauupuan nya. Dun na ako kinabahan.
PANGLIMA. Lumabas ako para kunin ung sinampay. Pag tingin ko dun sa isang bintana namin ung taas lang naka bukas naka silip sya dun. Tapos sa labas ng bahay palamig ng palamig. Habang kinukuha ko yun sinampay, pagtingin ko sa side ko, nakatabi sya sakin at naka harap. Tumakbo ako nun sa loob at nagdasal. Nagulat sakin mga pinsan ko nun pati na yung isa kong pinsan na nakakakita.
PS: Kung bumukas man 3rd eye nyu sa una lang yan nakakatakot. Masasanay din kayo. Maswerte pa ako kasi nakikita ko sila ng saglit lang. Hindi kagaya ng iba na umi istambay pa kapag nakita. Haha ayoko lang talaga na mag pakita sila ng matagal. Saka panuorin nyu yung movie na Grave Encounters. Yung part 1 lang po kase un lang ang TRUE STORY.
Angelay
Muntinlupa City
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Kwento vol.1
HorrorPaalala: Lahat ng mababasa mo ay base sa mga tunay karanasan.