Sampung taon na ang nakakalipas nang mangyari to. Nineteen y/o na ko ngayon. Actually di naman ako naniniwala sa mga ghost or souls o yung mga bumalik na kaluluwa o di matamhimik for some reasons. Kasi para sakin to see is to believe until I and my sister saw it.
October 26, 2006. Nakahiga yung sister ko, nasa right side ng kama. Mahilig sya magtalukbong ng kumot kahit mainit, di nagigising yon ng madaling araw. Then ako naman nakahiga ako sa left side ng kama at nakabaluktot ang mga tuhod ko. So may natitirang space sa paanan ko.
Then alas tres ng umaga naalimpungatan ang sister ko. Di niya alam kung bakit pero nung pagtanggal niya ng kumot na nakatalukbong sa mukha niya bigla syang may nakitang matandang babae na medyo mataba na nakaupo sa may paanan ko. Di sya makasigaw pero pinilit niyang sumigaw kaya nagising ang tatay ko. Hanggang sa nawala yung matandang babae. Kinausap namin si ate, ang sabi niya ang matandang babae na nakaupo sa paanan ko ay ang lola ko na si Auring na nakatira sa probinsya namin. Pero ang ipinagtataka namin buhay ang lola namin kaya imposible namang maging sya yon.
Nagsimula na kaming kabahan kaya tumawag na si mama sa mga kapatid niya sa probinsya. At doon napag alaman namin na ang aking lola ay namatay nung gabi ng October 25, 2006.
Maaaring kaya siya nagpakita ay para ipaalam sa amin ang nangyari sa kanya. Kaya noong araw ding yon ay nagpunta na kami sa probinsya. Labis kaming nalungkot sa pagkawala ng lola ko dahil siya ay tumira sa amin ng ilang taon at umuwi ulit sa probinsya.
Doon naabutan namin na nakaburol ang aking lola. Tila hindi pa handa ang lola ko sa pagkawala niya dahil mababanaag mo ang lungkot sa kanyang mukha. Ang nagbabantay sa kanya ay ang aking Tito Oque na bunsong anak na lalaki ng lola ko na siya ring paborito nito dahil sa sobrang bait nito.
Nang mailibing ang aking lola ay may ikinuwento sa amin ng aking nanay. Dapat daw sila ay 14 na magkakapatid. Pero 7 lang silang nabubuhay. Ang dahilan nito ay nang isilang ng lola ko ang tito Oque ko, ika anim siyang anak ng panahong iyon. Napansin nilang may itim na itim na balat ito sa kanyang palad. Pero ipinagsawalang bahala nila ito kahit may nagsasabing may masamang ibig sabihin ito.
At nang magbuntis ang aking lola para sa ika pitong anak niya ay namatay ito sa sinapupunan pa lamang. Ang pagkamatay ng ipinagbubuntis ng lola ko ay nagsunod sunod habang nadadagdagan ang edad ng tito Oque ko na may balat sa palad.
Mula sa ikapito, ikawalo, ikasiyam hanggang sa ikalabing tatlong pagbubuntis ng lola ko ay namamatay. Kung hindi nabubulok sa loob ng tiyan ay namamatay kapag isinilang. Labis nang natakot ang lola ko sa sunod sunod na pagkamatay ng ipinagbubuntis niya. Hanggang sa may nakapagsabing albularyo na ang balat sa palad ng Tito Oque ko ang dahilan. Ipinatingin siya sa albularyong ito at inukit ang balat na itim sa palad ng tito ko.
Lumipas ang isang taon mula nang ipatanggal ang balat sa palad ng tito ko ay nagbuntis muli ang aking lola. Natakot sila sa kahihinatnan ng pagbubuntis niya pero mas piniling ituloy nalang. Ang ipinagbubuntis niya ay nabuhay at naging malusog. Pagkatapos nito ay di na muling naisipan ng aking lola na mag anak.
Mula sa probinsya ay umuwi na kami sa aming bahay pagkatapos ng libing.Isang buwan ang lumipas mula nang mamatay ang aking lola. November 27, 2006. Nasa eskwelahan ako non. Grade 4 ako, biglang dumating ang pinsan ko na grade 6 noon. Umiiyak niyang sinabi sakin na ang Tito Oque ko na paboritong anak ng lola ay patay na. Ang dahilan daw ay binangungot ang tito ko.
Labis ang sakit nun para samin at lalo na sa nanay ko. Dahil kamamatay lang ng lola ko tapos ay ang tito ko naman. Naisip nila mama na baka sinundo na agad ng lola ko ang tito ko, dahil sobrang paborito niya ito.
Malapit kami sa Tito Oque ko dahil bukod sa mabait siya ay madalas siyang dumalaw samin. Umuwi akong iyak ng iyak.
Pag uwi ko galing eskwelahan, naalala ko yung napanood ko sa T.V. nung panahong yon. Yun yung bloody mary tas may hawak na kandila tapos may magpapakita sa salamin. Kaya kinuha ko agad yung kandila sa hilahan ng aparador namin. Kinuha ang posporo at sinindihan ito. Nagsalita ako ng labing tatlong beses ng bloody mary at sinabing ko na, "Tito magpakita ka sakin. Bakit ka namatay at bakit mo kami iniwan?" Bata pa ako nun kaya di ako aware kung totoo o hindi yung ganun. Hanggang sa bumalik ulit kami sa bahay ng lola ko sa probinsya.
Sa lugar kung saan binurol ang lola ko ay doon din binurol ang tito ko. Masikip sa bahay ng lola ko. Isang beses dumaan ako sa gilid ng kabaong ng tito ko, dahil may nagtotong its sa tabi nahirapan akong dumaan kaya tumagilid ako ng lakad habang nakaharap ako sa kabaong. Pagkasilip na pagkasilip ko nagulat ako. Biglang kumurap ang mga mata niya at dahil sa pagkakaipit ko sa pagitan ng kabaong at nagtotong its ay napasigaw nalang ako at di nagawang tumakbo. Pero pinagwalang bahala ko yun. Sa pag aakalang namalikmata lang ako.
Kinagabihan ng araw na iyon, biglang nawalan ng kuryente. So as usual gasera at kandila lang ang nagsilbing liwanag sa burol. Nakaramdam ako ng katamaran, umupo at tumayo sa may labas kaya napagpasiyahan kong pumasok sa kwarto ng tito kong namatay. Ang kwarto niya ay katabi ng kwarto kung saan siya nakaburol. Doon ay naabutan kong nakahiga ang pinsan ko at tatay niya. Tumabi ako sa kanila kaya ang pwesto ay ako nasa left side, sa gitna pinsan ko at sa right side ang tatay ng pinsan ko.
Sa loob ng kwarto ay may gasera. Nakapwesto ito sa may dulo ng kwarto sa may bandang paanan namin. Ang pintuan ng kwarto ay nasa may ulunan namin at sa may taas sa bandang kaliwang bahagi ng pintuan ay may butas na pasquare ang shape. Madilim yung butas dahil sa likod nun ay isang kandila lang ang nakasindi tapos malayo pa nakapwesto kaya iba ang pagkadilim nun. Kung papansinin ay may 4 na dipa ang layo ng butas ng kwarto sa gasera kaya madilim sa may bahaging yun. Kaya nung pumasok ako sa kwarto ay isang beses ko lang tiningnan ang butas na yon.
Habang nakatingin sa paanan namin, nagkwekwentuhan kami at itinuturo ang mga anino na nabubuo dahil sa ilaw ng gasera. Nagtatawanan pa kami kasi may iba't ibang hugis ang nabubuo. Sa di malamang dahilan parang may humila sa mata ko na tingnan yung butas sa may itaas na gilid kahit alam kong madilim dun. Pero laking gulat ko na yung kaninang madilim na butas ay napalitan ng maliwanag at sa gitna ng liwanag mula sa butas ay ang galit na mukha at nanlilisik na mata ng tito kong nakaburol. Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam kong siya yon. Hindi ko maintindihan pero di ako makasigaw nung mga panahong yon. Parang napako ako sa kinahihigaan ko pero pinilit kong ipikit ang mata ko. Nang maipikit ko ang mga mata ko ay tumalon ako papunta sa likod ng tatay ng pinsan ko. Nagtataka sila sakin pero di ko magawang masabi sa kanila ang nakikita ko. Dahil tuwing imumulat ko ang mata ko ay lalo ko siyang nakikitang nakatingin sa akin. Di ko maintindihan bakit ako lang ang nakakakita sa kanya. Dahil ang pinsan ko ay parang itim daw na pusa ang nakikita niya at pilit itinuturo sakin ang butas kung saan niya nakikita ang pusang itim.
Gusto ko nang dukutin ang mata ko nang mga panahong yon dahil ayaw niyang umalis don. At ang ipinagtataka ko ay galit syang nakatingin. Akala ko di na ko makakalabas sa kwartong yon, hanggang dumating ang nanay ko. Mula sa kinahihigaan ko ay napatalon talaga ako at halos maapakan ko na ang mga nakahiga. Iyak ako ng iyak kay mama, tinatanong niya ako kung bakit pero nung binalak kong ituro sa kanya yung dahilan ay nakatingin pa rin si tito at that time sa lugar kung saan nandun kami ni mama. Galit na galit sya pero di ko alam ang dahilan hanggang naisip ko yung bloody mary na ginawa ko. Nagdasal ako ng nagdasal habang umiiyak. Nang ilabas ako sa kwarto ay di na muling nagpakita ang aking tito.
Siguro nga ay sinundo siya ng lola ko at isinama na para di na mahirapan. Nang malaman namin ang dahilan ng pagkamatay niya nang isagawa ang autopsy report ay nahirapan daw itong huminga. Marahil kinapos sa hininga o pinigilan makahinga.
May nakapagsabi na paborito itong trabahador ng amo niya, kung saan madalas ito ang napupuri kumpara sa ibang kasamahan nito. Kaya naman isang malaking palaisipan kung siya ay namatay o pinatay. O yung pagpapakita ba niya sa akin ay may ibig sabihin. Dahil walang sapat na pera ay ipinagpasaDiyos nalang namin kung ano ang tunay na nangyari.
Nawa'y sumalangit nawa ang kaluluwa ni lola at tito
PS. Salamat sa pagtiyagang magbasa.
R.O.H.
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Kwento vol.1
HorrorPaalala: Lahat ng mababasa mo ay base sa mga tunay karanasan.