Hi sa mga readers! Meron akong gustong ibahagi sa inyo. Ito ay tungkol sa kuya ko na seaman.
Naikwento niya sa'kin dati na he is being haunt by a demon. Ginugulo si kuya Enting ng demonyo lalo na sa kanyang panaginip. Ang gusto ng demon, pagsilbihan siya ni kuya kapalit ng kapangyarihan at karangyaan sa buhay.
Just last week lang ay napanaginipan niya ulit ito. Sa kanyang panaginip, ipinakita sa kanya ng diyablo ang mangyayari if ever tanggapin niya ang offer o hindi. Kinuwento sa'kin ni kuya ang nilalaman ng kanyang panaginip through messenger.
Copy paste: ↓
"Sa panaginip ko, may kumatok sa pintuan. Alam kong panaginip yun dahil blurry ang paligid ng cabin ko. Pinapasok ko naman. Isang lalaking gwapo na naka Americana (suit and tie). Pinaupo ko siya sa upuan at umupo naman ako sa kama.
Ako: Sino ka?
Demon: Mas sikat ako sa pangalang Lucifer.
Shit! Si satan! I closed my eyes and try to remember my Latin incantations pero…
Demon: Oi relax!! That won't do. Alam mo 'yan. Wag mo muna akong palayasin Indio ka!
Close parin ang eyes ko.
Demon: Tama na 'yan. Basahin mo.
(May dala siyang papel)Inabot niya ang papel at dumilat ako. He was so relax at naka-de kwatro pa sa upuan ko habang inaabot ang papel. In fairness ang gwapo niya.
Nang binasa ko ang papel, nag iba ang paligid. Nag teleport kame. Napunta kami sa isang magarang lamay. May puting kabaong sa harap ko at lahat ng kamag anak ko andun. Sa right side ko, nakita ko kayong mga kaibigan ko. Umiiyak kayo at medyo nagbago na mga face ninyo. Medyo naging matured na.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Sa left side, nakita ko si mama at mga kapatid ko. Umiiyak si mama habang papalapit sa kabaong. Dun ko na napagtanto na lamay ko yun.
Demon: Oo, lamay mo 'to. Don't worry. You're 40 years old na. Cause of death??? Tingnan mo ang daliri mo.
So napatingin ako sa daliri ko. Sigarilyo ang hawak ko. Shit. Cancer ata kinamatay ko.
Nag tingin-tingin ako sa paligid.
Demon: Yung fiance mo, nauna na siya sa'yo last 5 years ago. Cause of death?? I think you know about her ovary cyst.
Makinig ka. You didn't have a happy life. You spend your money on your wife's medication and your medication of course. Namatay kang walang anak at namatay kang malungkot.Ako: I see. Pwede ko bang makita ang last moments ng asawa ko??
Demon: Hahaha..nice try. Papel mo lang ang dala ko at hindi ang papel nya. I'll give you a hint. NASA BARKO KA WHEN SHE DIED! AT oo, naubos ang time mo sa pagbabarko.
Naiyak talaga ako dun.
Maya-maya ay nagteleport uli kami. Biglang bumalik kami sa cabin ko. Pag pahid ko ng luha, nasa kwarto na kami.Demon: Ohh, akala ko ba kaya kang iligtas ng Diyos mo? Ba't ka umiiyak?? hahaha..so weak.
Naka-de kwatro pa rin siya at nagsindi ng yosi.
Demon: I have another papers here. Kabaliktaran ng unang papel. Hmmmmm eto.
Inabot ko at binasa ang Latin.
*Teleport to another scenery*
This time naglalaro ako sa casino. Daming chicks na nakapalibot sa akin.
Sunod sunod ang panalo ko at sobrang saya ko dito.Demon: Ohh yosi ka muna. Di ba masarap?? Masaya?? Talon tayo sa bahay mo.
Dinala niya ako sa bahay ko raw. Sobrang gara ng bahay at sobrang ganda. May swimming pool, apat ang SUV, at tatlo ang anak ko. Malalaki na. Magaganda all girls.
Demon: 56 years old ka this time and you're a ship's captain. Hummmmmmmmnn... swerte mo dito. Paano mo nakuha 'to??
I wasn't listening to him dahil nabaling ang tingin ko sa babaeng nanonood ng TV. Oo. Yung asawa ko. Maganda pa rin siya at napakalusog ng mukha.
This time naiyak na naman ako, ano ba 'yan.
Demon: This is your fate. Alam mo 'yan. Yung mga spell, kaya mong isaulo. Basahin mo at mag-aral ka. Hindi ka mahihirapan dahil andito naman ako. Well, nasa'yo 'yan kung ano ang gusto mo. Think about it Enting.
Hindi ko tinanggap ang libro at pumikit ako. This time gusto ko na siyang labanan at ubusin lahat ng alam kong incantations, kahit na magsuntukan na kame!!
Demon: Tama na. Aalis na ako, pero I'm watching you.
(Nagbago ang mukha nya. Naging ibang itsura naman pero gwaping parin).Demon: Hihihi. Niloloko lang kita kanina. Kilala mo na ako ngayon?
(Siya si Pan... kilala ko mukha niya dahil nagpakilala na siya sa'kin noon).
Asa kapa na ako si Lucifer ehh busy yun. So hangang dito nalang. Think about it. At para sa pagtangka mong gumamit ng incantations para sa'kin, iiwanan kita ng magandang alaala. I hope you find your way out....until next time ENTING.At na sleep paralysis ako nang pinakamatagal sa lahat ng naranasan ko!
Ayyyyy..Diyos ko... Nakadilat ang isa kong mata na nakatingin sa likod niya habang palabas sya sa pintuan ko. Nangingisay ako. Hindi makagalaw. Hindi makahinga.Dasal dasal.... at nagising naman ako...
At ang pinaka nakakakilabot dun! Kinausap ako ng katabi kong kwarto pagkagising ko.
Ang sabi niya, "Ang aga mong nagising kanina partner ahh.. sino yung pumasok sa cabin mo...narinig ko kasi ang pinto mo na bumukas kaya nagising din ako... magaling ka palang mag Latin ehhh.. Latin yung usapan nyo dba?? Haist..napuyat ako sa ingay ninyo."
Copy paste: End
~~~
Naiyak talaga ako pagkabasa ko niyan. Pero sa ngayon nama-manage ko na ang emosyon ko. Ayaw kasi ni kuya na umiiyak ako.
Anyway, itatanong ko na rin sa inyo kung paano po ba mababali ang sumpa? Gustong-gusto ko kasi siyang tulungan pero di ko alam kung paano. Sana po may makasagot sa akin.
Blue Morpho
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Kwento vol.1
HorrorPaalala: Lahat ng mababasa mo ay base sa mga tunay karanasan.