Hello gusto ko lang ishare sa inyo ang gabing naririnig at nararamdaman ko.
Nakatira ako sa Quezon province ngunit dito sa aming barangay ay maraming bulungan na mayroong gumagala na isang babaeng nakaputi na kapag pinagpakitaan ka nito ay isasama ka na nya o namamatay ang mga nakakakita dito minsan ay meron ding mga nang gagaya ng muka tulad ng nangyare sa aming bahay.
Hapon nun kakalabas ko pa lang sa school at nakauwi na ko sa bahay at nakita ko ang aking papa, humiga muna ako sa sofa para magpahinga at ang aking tatay nman ay nakaupo sa upuan malapit sa TV.
Tumayo ako nun para pumuntang banyo at pagbalik ko sa upuan ay nakatingin dun si papa at kinakausap nya ko.
Tinanong ko sya, "Papa sinong kinakausap mo?"
Ngunit ang sagot nya ay, "Bakit ka nandyan!?"(gitlang gitla ang muka nya na wari moy nakakita ng multo)
Hinayaan ko nlng ang pang yayaring iyon dahil maaaring namalikmata lang sya. Sumapit na nga ang gabi at natulog na kaming lahat nakapanaginip ako ng masama at ang turo sakin ay tutuktok ako sa kahoy kapag may masamang panaginip upang ndi mangyare sa totoong buhay.
Halos alas tres nun nung nagising ako dahil sa panaginip at kumatok nga ako sa kahoy upang hindi mangyare sa totoong buhay ngunit sa pagkatok ko may nag respond ng katok ko galing sa ibang dingding nagitla ako sa katok na un dahil sino ang kakatok sa dingding na un ih wala naman kaming kalapit na bahay at kasabay nun ay nakarinig ako ng isang napakagandang boses ng babaeng kumakanta pero ang kanta nya ay hindi tagalog hindi din english halos ndi ko maintindihan ang kanta nya ngunit sobrang ganda na para bang inaakit ako na lumabas ng bahay upang tignan sya.
Ng kinaumagahan ay ikwinento ko sa kapatid ko at ang sabi nya ay may nakita sya sa aming bintana na isang babaeng nakaputi ngunit hindi maliwanag ang muka nito. Pati sa bintana sa kwarto ay nakakita din sya ng babaeng nakamasid sa amin(ang kapatid ko ay nakakakita o minsan ay sinasabi nating third eye namana nya un sa side ng mama ko na galing sa mindanao). At simula nun ay nilagyan na nmin ng kurtina ang mga bintana dahil sa babaeng dumadalaw gabi gabi.
AJ
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Kwento vol.1
HorrorPaalala: Lahat ng mababasa mo ay base sa mga tunay karanasan.