tcm #1

141 9 1
                                    

KARYLLE'S POV

Tumayo ako at nagpalinga linga ako sa paligid, pinagmamasdan ang lugar kung saan ako napadpad.

Ang kalat naman ng may-ari nito. Napakaburara. May mga damit sa sahig at yung iba nakasabit lang sa sofa, tapos mga pinagkainan nakakalat kahit saan, nilalangaw na nga eh.

Hindi ko kayang tingnan na ganito lang to kaya nagsimula na akong maglinis. Wala pang 5 minutes tapos ko na agad. Salamat kay Eros at hindi tinanggal itong powers ko.

Habang inaantay kong magising ang may-ari ng napakagulong bahay na to, I started to roam around the living room. May isang corner na may nakatambak na picture frames sa gilid, parang ready nang itapon.

Lumapit ako at kumuha ng isang frame. I guess graduation picture ito ni Vice. His smile is so wide, I can see na sobrang saya niya nung araw na 'to. Kumuha uli ako ng frame, and I guess this is a family picture. I can't identify kung sino si Vice dito, kasi kamukha niya yung dalawa pa niyang kapatid na lalaki.

May isang frame doon sa pinakailalim na may crack, kinuha ko ito at pinagmasdan. It was Vice and a girl, I assume ito yung ex girlfriend niya. Sabi kasi ni Eros, brokenhearted siya.

"AHHHHH! SINO KA? BAT NASA LOOB KA NG BAHAY KO?! MAGNANAKAW KA NO? KASAMA KA BA SA AKYAT BAHAY GANG?!" Sigaw niya. Gising na pala ang mokong. Humarap ako sakanya, pinipigilan ko ang tawa ko kasi may hawak siyang feather duster pang palo saakin.

"Ang ganda naman ng feather duster mo," I said. Pero pigil pa rin ang tawa ko. Kailangan kong magmukhang kawawa para pumayag siyang makitira ako dito. "Pwedeng makitira?"

"Ano ka sira? Ni hindi nga kita kilala tapos papatirahin kita dito? No way!" Sabi niya. Nag-acting ako na kawawang kawawa para ma-convince ko siya.

"Sige na please? Hindi naman ako masamang tao..." I said with a soft voice, para mas convincing. "Wala lang talaga akong matuluyan..sige na.."

"Hindi pwede! Hindi mo ako madadaan sa paawa effect mo na yan ah. Hindi ako basta basta nagpapatuloy ng hindi ko kakilala dito sa bahay ko. Kaya kung pwede Miss, please umalis ka na." Sabi niya.

"I'm Karylle--Tatlonghari." I said and I offered my hand for a handshake. Tiningnan niya tang ito. I took a deep sigh. "Oh kilala mo na ako, pwede na ba? Hehehe."

"Hindi pa rin." Sabi niya and he walked towards his kitchen. Sinundan ko siya and he looked back. "Bat ka sumusunod sakin? Diba pinapaalis na kita?"

"Sige na kasi please? Tingnan mo, nilinis ko na ng tong bahay mo. Napakakalat mo kasi. Buti natitiis mo pang matulog na marumi tong bahay mo no?" Sabi ko.

"Excuse me Miss--"

"Luh siya! Kasasabi ko lang ng pangalan ko kanina nakalimutan agad! Hay gusto mo ba ng memory plus gold ni Kuya Kim?" I said and sinamaan niya ko ng tingin. "Karylle. Hehehe pinapaalala ko lang."

"Urghhh pwede bang umalis ka nalang?" He said. "Atsaka sino ba kasing nagsabi sayo na linisin tong bahay ko? Pakialamera!"

"Grabe siya oh. Di nalang nagthank you. Kung di ko lilinisin to baka tinitirahan na ng mga daga at ahas tong bahay mo sa sobrang dumi at gulo." Sabi ko. Nagpatuloy siya sa paglalakad, sinusundan ko lang siya.

"Ano ba, o sige.." Sabi niya. Napa-yes nalang ako. Ibig sabihin ba nun pumapayag na siya? "Eto, bayad sa paglilinis ng bahay ko. Makakaalis ka na."

"Pero..di ko naman kailangan to." I said. "Please, payagan mo na akong tumira dito."

"Ayoko nga. Bat hindi mo maintindihan??"

"Ako maglilinis dito araw-araw."

"Ayoko."

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Sep 26, 2017 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The Cupid's MatchmakerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang