Yana's POV
"HOOOOOYYYY!!! YANAAAAAAA!!! GISING NAAAAAAA!!!" Sigaw sakin ni Xandra.
Yan si Xandra. Bestfriend ko. Laging mainitin ang ulo. Hays. Pero mabait yan ah! And yeah, ginigising niya ako. We're living in one house. Pabor naman parents namin since they want us to be independent. They pay for the bills dito.
"ANOOO BAAAA?!" Sigaw ko sa kanya pabalik habang nilabas ko ulo ko sa kumot.
"GISING NA NGA EHHH!" Sigaw niya rin sakin. Gising na ako ah? Hahaha
"Gising na kaya ako. Eh paano kita kinakausap ngayon kung di pa ako gising?" Pambabara ko sa kanya.
"OH EDI BANGON NAAA! HAPPY?" Hay nako. Kailan ba siya hihinahon?
"Yeah. Hahahaha." Sambit ko.
"Bangon na nga kasi! Nagluto na kami ni Jemi ng breakfast. Ikaw na lang inaantay. Tsaka pupunta tayo sa school ngayon, kaya you better bangon na!" Pupunta sa school? Sabado ngayon ah? Bumangon na ako at umupo sa higaan ko. Bumaba na rin si Xandra.
***
"Oh, Yana, kain ka na." Buti pa tong si Jemi, mahinahon. Di tulad ni Xandra puro sigaw -__-
Yan naman si Jemi. Bestfriend ko rin... the three of us are bestfriends since... birth? Yeah.
"Ah sige." Sambit ko at umupo na. Saan? Sa lamesa. :3 Joke lang, saan pa ba? Edi sa upuan!
"Bakit pala tayo pupunta sa school? Sabado ngayon ah?" Tanong ko at uminom nang hot choco.
"Ewan ko nga rin eh. Tumawag lang kanina si Ma'am Rodriguez, mukhang ang saya saya. Punta daw tayo nang school, sa office niya, may sasabihin siya." Ano naman kaya yun? Masaya? Baka may party? Celebration? :/
"Hays. Baka may party or celebration of whatever kaya ang saya nang voice ni Ma'am." Parang magkakonekta yung utak namin nung bruhildang yun. Hahaha.
"Maybe." Sagot ni Jemi habang tinutusok tusok yung sunny side up egg na niluto niya.
"Kain na lang tayo, baka ma late pa tayo eh." Sabi ko sa kanila.
"Wow. Nagsalita ang hindi late. Ha-ha!" Sarkastikong sabi ni Xandra. Oo nga noh? How ironic. Tumawa na lang kami ng tumawa hanggang sa nalate kami dahil sa katatawa. Pero syempre joke lang, tumawa nga kami at pinagpatuloy ang pagkain at nagready ulit at umalis na.
***
"WHAT!/ANO!?/BAKIT?!" Sabay sabay naming tatlong sigaw.
"Shhh! Buti lang at kaibigan ko ang parents niyo, at mabait ako sa inyo kung hindi, ma detention ko pa kayo eh." Yeah.
"Pero, whyyyy?" Iritang tanong ni Xandra.
"Oo nga, bakit Ma'am?" Pagsangayon ko.
"Nakakatamad, Ma'am eh. Hihihi." Reklamo naman ni Jemi.
"Yeah/Oo nga." Sabay naming sagot ni Xandra.
"Please, girls, wag muna kayo magreklamo, ha? Explain ko muna, ok?" Tumango kaming tatlo bilang sagot.
"Kayo ang napili ko magtour sa new transferees because first of all, mababait kayo." Bakit? Di ba mababait yung ibang students?
"You're all good. Tsaka wala naman kayong ginagawa or pinagkakabusyhan. Girls, two days lang yun. Kailangan sila itour dito. They're new here. At tsaka malaki tong Academia High. Parusa na rin toh, kasi hindi kayo napadetention dahil sa ginawa niyo last week." Omg. But why? Ugh.
"But, may ginagawa ako." Kontra ni Xandra.
"Ano? Makeup? Beauty? Stop it muna. It's only two days, Xandra." Tumpak! Tama si Ma'am. Speechless lang tuloy si Xandra.
"Ma'am, ako po--" hindi na natuloy saaabihin ni Jemi. Pinutol ni Ma'am.
"Books? Reading? Studying? I know na makakabuti yan. That's good. But you need to do this." Bookworm kasi yang si Jemi.
Tumingin silang lahat sa akin...
"Matutulog ako." Huh? Lumabas na oang tuloy sa bibig ko. Hobby ko matulog eh. Kung sila makeup, libro, ako naman tulog. :3
Napa facepalm naman si Ma'am habang nang irap tong dalawang bruhang katabi ko. Don't get it wrong, kahit bruha tawag ko sa kanila, They're still beautiful. Really.
Tumayo si Ma'am. "My decision is final. Meet me and the transferees here at the office on Monday, 8 am sharp. Understood?" Wala na kaming takas. Eto na nga.
"Yes Ma'am." Walang gana naming sagot.
"And if may class kayo nang time na yun, I will excuse you to your teachers. I'm the principal though." Dagdag niya at tuluyan nang umalis.
***
"Hays. Bakit pa kasi yun yung parusa sa atin? Kakaboring kaya." Sambit ko at umupo agad sa sofa.
"Oo nga. Agree, sis. I thought we'll have fun pa naman. Parusa lang pala. Nagsayang lang ako ng makeup para lang sabihan ng parusa. Tss." Iritang sabi ni Xandra.
"Wala na rin tayong magagawa. Hays." Pati rin si Jemi, naiinis na rin.
"Kailan nga ba ulit start, guys?" Tanong ni Xandra.
"Monday, 8 am." Sagot ni Jemi.
"Monday it is. Where it begins."
***
BINABASA MO ANG
The Transferees (ONGOING)
Teen FictionNaging friends ang three girls na nagtour sa transferees na three boys. Their friendship was so strong. But.. hanggang friends nga lang ba ang turingan nila sa isa't isa?