Ika-apat na Bahagi: Summum Bonum

211 5 0
                                    

Ika-17-18 ng Enero, 2014 (10:00 pm — 12:05 am)


Sobra na ang sakit na nararamdaman ko, konti na lang malapit na kong sumuko. Ngunit kailangan kong maging matatag, hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanila. Oo, mukha nga akong walang paki-alam, ngunit hindi ibig sabihin noon, hindi ako nasasaktan. Oo, mukhang okay lang ako, pero sobrang durog na durog na ang puso ko. Ayoko na, sawa na kong masaktan. Sawa na akong lumuwa nang patago, pero kailangan kong ipakita sa kanila kung gaano ko katatag sa panlabas, kahit ang totoo nanghihina na ako, na malapit na kong bumitiw mula sa pagkakakapit ko. Oo, mukhang masaya ako, pero kung titingnan mo ako diretso sa mga mata ko, mababasa ang kalungkutang itinatago ko. Siguro nga, isa akong magaling na artista—a great pretender. Ayoko lang na madamay pa ang iba, ayoko lang na makita nilang mahina ako. Akala ng lahat wala lang sa akin ang mga nangyayari sa paligid ko, akala nila okay lang ako.  Kung alam lang nila. Ako 'yong selfish na ewan, alam mo 'yong sinasarili mo 'yong problema mo, habang gusto mong lagi kang kasangkot sa paglutas at pagbibigay ng payo sa iba. Na mismong 'yong payong ibinibigay mo sa kanila ay hindi mo naman magawa sa sarili mo.


Somehow, alam ko magiging okay din ang lahat. May tamang panahon, 'di ba? Lagi kong pinapaniwala ang sarili ko sa bagay na 'yan, na minsan nagawa ko ring pagdudahan. Kailan naman 'yong tamang pagkakataon? 'Pag sobrang durog na ako, at 'di na kaya ang lahat, kapag bumitaw na 'ko? Kalokohan, pero may isang bagay pa rin akong pinanghahawakan. "Lahat ng bagay may dahilan, na hindi tayo bibigyan ni SUS ng isang bagay, kung alam lang din niya na hindi natin kaya. At dahil alam Niya na kaya natin, ibinigay Niya, kasi naniniwala Siya na kaya natin. Kung Siya nga nakuha Niyang magtiwala sa atin, bakit tayo, hindi natin makuhang magtiwala sa sarili natin?"


'Di ko alam kung saan tutungo ang isinusulat kong ito, nababaliw na naman ata ako. Haist! Alam mo 'yong pakiramdam na nagta-type ka, tapos may nakapasak na headset sa tenga mo habang tumutugtog? Parang ang hirap magconcentrate, pero heto ako dire-diretso sa pagta-type ng kung anong lumabas sa isip ko.


Tunguhin na natin kung ano ba ang magiging paksa ng ating kwentuhan, as usual usapang baliw na naman. May iba pa ba?



SUMMUM BONUM


AHAHAHAHHA!

HEHEHEHEHEHE!

HIHIHIHIHIHIHI!

HOOHOHOHOOHOH!

WHAHAHAHA!

WHOOH!

YEHEY!

YES!


Kapag ba tumatawa ang tao, ibig sabihin masaya na siya?


Ano sa tingin mo, nababaliw lang? Kahit kailan ang gulo mo kausap.


Teka inaaway mo 'ko? 'Di ba ako ang nagkukuwento, h'wag kang epal!


Ayos mo kasi kwento mo.


Ayos naman, ikaw lang 'tong magulo. Itutuloy ko pa ba 'to, o mag-aaway na lang tayo?


Sige tuloy mo na, tutal iyan naman ang gusto mo. Sige lang push mo iyan.


Aklat ng BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon