Ikalimang Bahagi: Halaga

190 5 1
                                    

Ika-18 ng Enero, 2014 (12:05 — 1:00 am)


Kapag narinig niyo ang salitang "HALAGA", ano ang unang bagay na-iisip mo? O anong salita ang na-iuugnay mo rito?


Alam ko, ang unang salitang ma-iisip niyo ay, pera. May iba pa ba? H'wag kang plastic! Iyon naman talaga, 'di ba?


Ewan ko ba sa mundong 'to, bakit kaya ganoon ang tao, haist! Akala nila lahat mapapatakbo ng pera. Akala lahat, mabibili ng pera. As if naman na 'yong pera nila madadala pa nila sa hukay nila. Hay parang baliktad, imbis na tao ang may hawak at kumokontrol sa pera, ang pera na ngayon ang may hawak at kumokontrol sa tao. Baliktad na nga talaga ngayon ang mundo. At dahil sa pagbaliktad nito, pati utak ng tao bumaliktad na rin.


Walang pinagka-iba sa malimit sabihin ng ilan, "buti pa ang pera, may tao. Pero ang tao, walang pera". Kita mo nga naman! What kind of thinking they have, 'di ba pwedeng isipin o sabihin nila. "Kung wala kaming mga tao, wala ka rin dito sa mundong ito, tandaan mo 'yan!" Ganoon sana. Kaso hindi, kasi ganiyan kayo. How pathetic.


I will share some stories with regard to this matter.


One of my colleagues who always have a story for us, share his story and his daughter, wherein he bought his daughter a new bicycle. At first, he thought that his daughter will be happy upon receiving his gift, but his daughter got disappointed for one certain reason. My colleagues bought a red bike, but her daughter's favorite color is violet. He keeps on telling us about his sentiment based on his daughter's reaction.


Hay! Ang mga bata nga naman ngayon imbis na matuwa o magpasalamat. Wala naman kasi sa klase ng regalo 'yan, at wala rin sa halaga ng isang bagay 'yan kundi nasa pagpapahalaga.


Another story.


Late ko na nabigay 'yong Christmas gift ko sa isang malapit na kaibigan. Upon receiving my gift, binigay niya rin 'yong gift niya sa akin, sabay sabing, "alam ko na hindi 'sing mahal ng regalo mo, 'yong regalo ko." Sabi ko sa kanya, "ate wala naman sa halaga 'yan, kundi nasa pagpapahalaga". See the difference between the two?


Hindi porke HALAGA ang sinabi ay presyo agad ang nasa isip n'yo. Parang MAHAL lang, hindi porke mahal ang sinabi, LOVE agad, 'di ba pwedeng 'yong presyo ng bilihin ang tinutukoy?


May tanong ako, bakit ba natin pinahahalagahan ang isang bagay?


Dahil ba sa presyo? Sabihin na nating mahal, 'di lang dahil sa halaga kaya pinahahalagahan natin ang isang bagay, kundi dahil mahalaga sa atin ito at ang taong nagbigay nito. Sa makatuwid mahal natin ang taong nagbigay nito.


'Di ko na gaanong pahahabain 'to. Alam kong nakuha niyo na ang punto ko. Isa pa inaantok na 'ko. See you next time kapag sinipag uli akong magsulat/mag-type. Nagkataon kasing may energy booster ako kanina, kaya nakapag-generate si brain cells ng idea.


Before any thing else, ang ikalawang prayer ko.


"I've been walking into a dark path for so long, until you came. Thanks for guiding and leading me again to the right track, I thought I wasn't able to find my way back. Thanks for searching or looking for me again from the place where I've lost. And I promise that I will never let myself be lost again. Thank you so much SUS!"

Aklat ng BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon