Ikasiyam na Bahagi: Passion not Fashion

180 5 2
                                    

Ika-22 ng Mayo, 2014 (9:15 — 10:25 pm)

Bakit ba kadalasan ng mga story, nagsisimula sa pagtunog ng alarm clock o pagpapakilala sa mga bida? Anong pauso ba 'yan? Masyado nang cliché, wala na bang bago? Tapos kadalasan pa ng story na nauuso ngayon, tungkol sa mga gangster, casanova, mga fan girl, fanfic, sige lang pagpatuloy pa natin 'yan, medyo nakakaumay na rin, halos pare-pareho na lang ng kwento, iisang plot, malamang same old story kaya alam na natin ang ending, nagkakatalo-talo na lang sa deliviration and style, lalo na sa twist.

Ang dami ngayong nagsusulputang mga baguhang manunulat, na karamihan ay sadyang mahuhusay habang ang ilan ay nakikisabay lang. Maraming magagandang story, pero mas marami ang gumagaya sa mga story na 'yon, grabe wala ba kayong originality? Nakakahiya naman kasi nang konti.

Nga pala, ang dami ko nang napapansing pagbabago sa literaturang nakalakihan at nakasanayan ko. 'Yong mga kathang hindi lang basta magaganda, kundi may mensahe at mga aral pa. Mga kwentong idinaan sa kakaibang presentasyon sa aspetong pasulat, na dumaan pa sa maraming proseso bago makarating sa madla. Nabigyan na nga ng ibang anyo ang Literaturang Pilipino.

Kung tatanungin ko ba kayo kung ano ang dahilan kung bakit kayo nagsusulat, ano ang isasagot niyo? Parang awa niyo na, ayaw ko ng plastic!

I know, lahat tayo isa sa dahilan ay para maibahagi ang talento na ibinigay sa atin. But I know, isang bahagi ng pagkatao mo ay naghahangad na sumikat at makilala ka. Hindi ko sinasabing lahat ng nagsusulputang writer sa wattpad ay iyon ang gusto, marami pa rin naman kasi na ang pangunahing layunin lang ay makapagpasaya at maibahagi ang kanilang talento, magsilbing inspirasyon at magbigay pag-asa. Tandaan lang lagi natin na ang pagsusulat ay isinasapuso at hindi isinasa-uso. Ang pagsusulat PASSION 'yan at hindi isang FASHION. Kung baga: nagsusulat ka just to express, not to impress.

Teka nga parang nahagip ako nang konti noong first paragraph. Ilag lang muna ko, okay na, naka-ilag na ako.

Ano nga ba ang main reason, why most people of this generation are addicted to write a story? 'Yong rason ba nila ay katulad ng sa mga naunang manunulat na nakilala sa kanilang larangan? Actually, they have one commonality at ito ay to express their ideas, and most especially to released/expressed their suppressed feelings. 'Yan ang pangunahin talagang rason kung bakit nagsusulat ang isang tao. Second of it is to share what they have written, and to inspire others at wala sa bukabolaryo nila ang sumikat o makilala man lang, nagkataon o sadyang tadhana na rin ang naghatid ng bagay na 'yon sa kanila, because they deserve it.

Ang pagsusulat kusa mo yang mararamdaman at hindi mo kailanman mapipilit, it is either a born or a develop ability ng isang tao. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong magsulat kung wala rin lang talaga. Tandaan: anumang hinog sa pilit, maasim. Ganito lang 'yan, ang pagsusulat ay parang pagsasabi ng I LOVE YOU sa isang tao, kung hindi mo talaga nararamdaman, walang dating. Para ka lang nagsalita nang labas sa ilong, pero kung bukal talaga sa loob mararamdaman mo ito.

Hindi ako professional writer, gaya nang karamihan isa lamang akong simpleng manunulat na naghangad na maibahagi ang aking mga kathang hinigot pa mula sa baul, na tila ba isang talong malayang umagos at dumaloy mula sa aking isipan at puso. Gusto kong ibahagi sa karamihan ang mga ideyang naglalaro sa aking isipan, maging ang mga pananaw ko sa mga bagay-bagay.

Alam ko, hindi ako magaling pagdating sa larangang ito, pero isa lang ang masasabi ko, ni isa sa mga gawa ko wala akong pinlit, pagkat malaya itong dumaloy mula sa kaibuturan ng aking puso at isipan. Isang pagpapatunay d'yan ay ang magulong daloy ng bawat akda ko, pagkat wala itong plot o planong sinusunod, basta sulat lang ako nang sulat ng mga bagay na pinagkaisahang buuin ng aking puso at isip. Minsan nga tinatanong ko rin ang sarili ko kung may kauuwian ba lahat ng ginagawa ko, pagkat hindi naman ako nagpla-plano, bukod doon madalang lang din akong magsulat, kaapag nararamdaman kong may gustong sabihin ang puso at isipan ko, doon lang ako magsusulat. Gaya na lamang ngayon.

Kung tutuusin, kahit ano pa man ang dahilan sa likod ng pagsusulat mo, isa lang ang masasabi ko, pagpatuloy mo lang ang mga bagay na gusto mo at makapagpapasiya sa iyo. Do not push yourself into something, na hindi naman talaga para sa iyo. Kung nagsulat ka just to share and inspire others, go, push mo 'yan, suportahan taka. Pero kung nagsulat ka just for fame, goodluck na lang sa iyo. Pero tandaan mo lang: kapag magsusulat ka, h'wag malungkot kung konti lang ang reads, votes or even comments, be happy kasi kahit paano may nagka-interest sa gawa mo.

Just smile, mapapansin din nila ang talent mo, mapapansin din nila ang gawa mo. Kita mo ako, mula nang mangako ako o magbigay ng rules sa sarili ko na "no plugging", never na kong nag-plug ng story. Buti na lang kahit 'di ko na naplu-plug ang mga stories ko, lalo 'yong mga bago, kahit papaano may pumapansin pa rin. Halimbawa na lamang ito, masyadong papansin, title pa lang kita na ang ebidinsia, "AKLAT NG BALIW". 'Yon nga lang parang may mali. Kasi mukhang walang magkaka-interest, pagkat alam nila na kung anuman ang lamanin nito malamang sa walang kwenta, weird obvious naman sa title, 'di ba? Pero salamat na rin sa inyo, kasi pinagtuunan niyo nang pansin ang papansin kong akda na ito.

Pasensya na walang konkretong ideyang nilaman ang bahagi na ito. Wala naman kasi ito sa plano. Dahil hindi ito kasama sa mga gawa ko noon. Dahil ngayon lang humulagpos ang ideya na ito sa aking puso at isipan. Ang gulo ko, 'di ba. Sabi ko kanina hindi ako nagpla-plano, tapos biglang sisingitan ko ng wala kasi ito sa plano. To make it clear at para di na rin kayo malito, lahat kasi ng laman nito, maliban lamang sa limang na una at sa pinakahuli sigurong bahagi ay pawang mga bagong akda ko, habang 'yong natitira o 'yong iba pa na lalamanin nito ay mga matatagal ko nang gawa na aking pagsasama-samahin  para maging isang bagong obra. Nakuha n'yo ba? Ako kasi parang hindi eh. Ang gulo ko talaga kahit kailan.

Okay na siguro 'to, biglaan lang rin naman lahat nang ito.

Always remember: ang pagsusulat hindi lamang ginagamitan ng lawak ng imahinasyon, samahan mo rin ng PUSO.

Kung makapagpayo ako akala mo naman kung sino akong magaling, pero ito lang masasabi ko ni minsan hindi ako nagmagaling. Lahat ng laman nito hindi ko gawa-gawa para lamang magpasikat, pagkat kung papasinin niyo may mahiwagang mensahe ang mga laman nito. At sa sobrang hiwaga, kahit ako 'di ko na gets.

Kitakits uli sa susunod na bahagi, sana hindi uli maligaw. Natatawa ko, kasi dapat short story ang isusulat ko entitled "He's Invisible". Tapos noong nagta-type na ako, para ka kong may kakaiba doon sa first and second paragraph, hanggang ma-i-type ko ang third and fourth at iba na ang tinatakbo hanggang sa nauwi na nga sa panibagong bahagi ng Aklat ng Baliw, naligaw na naman kasi ang braincells ko, kaya hindi nakarating sa paroroonan.

Nakita ko na 'yong mga gawa ko noon, ita-type na lang for compilation, siguro mga sampu 'yon lahat.

Wala talaga sadyang weird pa rin.

 "Thanks Jesus for this wonderful day, for this amazing gift that you have given on me. I owe everything on you SUS. Amen"

Aklat ng BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon