Prologue

94 6 0
                                    


Ang ganda ng panahon ngayon, tila nakangiti sa'kin ang araw at ang mga ulap, nakatutuwa talagang pagmasdan kasi tila bumubuo sila ng iba't ibang imahe. Nasa Luneta ako ngayon, hindi ko rin alam kung bakit. Ah! Kasi napakatagal na mula nung huli akong pumunta sa lugar na ito kahit taga- Maynila talaga ako.

At ngayon nga pala ung meeting ko with the production and writer nung film adaptation nung book ko. Malapit lang kasi dito ung meeting place namin kaya naglakad- lakad muna ako para magpahangin.

Tutal first time ko ulit dito sa Luneta hindi ko talaga alam kung pano ko 'to ide- describe. Tyaka nung huli akong nag punta rito 'di ko naman masyadong na-obserbahan ung lugar kasi parte yun ng Boy Scout activity namin kaya masyadong occupied ung utak ko nun para pansinin pa ung ibang bagay.

"4:30pm" tinignan ko ung relo ko at isang oras pa bago ang meeting, ano kayang gagawin ko? Halos nalibot ko na 'tong buong Luneta kalalakad habang nagpapalipas ng oras.

"Harry Cruz?" May narinig akong boses ng babae, papalapet sakin habang nakaupo ako sa isang bench at nakatingala sa mga ulap. Ibinaling ko ang atensyon ko sa babaeng iyon. Hindi ko sya kilala, as in hindi. Kaya nakatitig lang ako sa kanya, dahil nagtataka talaga ako pano nya ako nakilala.

"Harry Cruz, right?" Tanong nya ulit nung nasa harapan ko na sya.

"uhmm... oo, bakit? ... I mean pano mo ko nakilala?" Tanong ko na lang sa kanya.

"Oh my God! Ikaw nga! Ikaw nga si Harry Cruz!?" Teka, pangatlong beses nya ng binabanggit pangalan ko ahh? Don't tell me isa siya sa mga imi-meet ko? Sorry, wala talaga akong idea kung anong meron sa kanya. Pero nasa likod ung mga kamay nya at tila may hawak-hawak.

"Puwede po bang magpa-sign?" Inilahad nya sa harap ko ung mga kamay nya na may hawak na libro. And guess what? That's my book. My very first book and it's the same book that will be having a film adaptation that I was talking about.

"Ahmm... okay." Pinirmahan ko na ung book then nag thank you sya and syempre nag- "you're welcome" ako. Pero nagtataka ako kasi di pa rin sya umaalis at ung ngiti nya kanina ay ganuon pa rin hanggang ngayon. Hindi ba siya nangangalay? Joke.

"Pwede po ba mag tanong?" Nag-salita ulit sya. I don't mean to be rude, pero wala lang talaga ako sa sarili ko ngayon siguro dahil kinakabahan ako sa meeting. First published book ko kasi yun "slash" first story ko na natapos ko kaya hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ang lahat ng nangyayari sa buhay ko sa kasalukuyan.

"ahmm.. sige ano yun?" Masyado akong na-overwhelmed sa pag-hingi niya ng autograph sa akin kaya tila blanko talaga ang isip ko. First siya na nagpa-sign ng book ko maliban siyempre sa mga tropa at kapatid ko.

"Ang ganda po kasi talaga nung story nitong book mo na 'to and I heard na first book mo rin po ito pero ang daming nagbabasa nito. Siguro dahil medyo may kaibahan kumpara sa mga usual teenage love stories and inspiring ung story nitong book."

I can't. I really can't. Masyado akong nao-overwhelmed sa mga papuri nya sa libro ko. Oo, alam ko na marami ng nakabasa nito at syempre bago pa 'man ma-publish ung book ay ang dami ko ng narinig na critics bad and good they both helped on some ways. Lalo na ung good, at sa tuwing nakaririnig ako ng ganitong klase ng papuri masyado talaga akong nao-overwhelmed. That's many times na binanggit ko ung word para dama nyo! Pero wala dun ung tanong nya...

"Kaya gusto ko po talaga kayong ma-meet in person. Kaya po sobrang saya ko ngayon! Thank you po ulit sa pag-sign!" Masyado nga syang masaya at halata naman yun sa ngiti nya at ung mga mata nya na nagtu-twinkle-twinkle. Aalis na sana sya ng tila may naalala sya.

"Ay, ung tanong ko po pala..." Oo nga pala, masyado rin kasi akong natuwa sa mga sinabi nya at nakalimutan ko na na may tanong sya.

"Ano nga pala 'yun?" Sagot ko.

"Ano, o sino po pala ung inspirasyon nyo sa pag-sulat nitong libro?" Yun pala ung tanong niya.

"Inspirasyon...? Si Sophia Rose."

End of Prologue

Secretly LoveWhere stories live. Discover now