Chapter 1:

80 3 1
                                    

1 year and 6 months ago...

Bago ang lahat, ako nga pala si Harry Cruz, seventeen years old, ako ay junior president ng club sa aming barangay, ang Responsible Youth Club. Kung mapapansin nyo pangalan pa lang ng club namin ay ang responsable na pakinggan, kaya naman sa aming pag babalik gusto kong maging responsable rin ang mga miyembro.

Matapos ang halos isang taon na nag-lay low ang RYC, sa wakas magbabalik muli ito sa paggawa ng mga proyekto para sa ikauunlad ng aming barangay at para sa mga tulad namin na kabataan. Pero bilang bagong junior president, sa totoo lang simula ngayon ako na talaga ang mamamahala sa club pero syempre sigurado naman akong, hindi kami pababayaan ng mga seniors, mas gugustuhin ko na mas maging malalapit sa isa't isa ang mga miyembro ng club. Kaya naman naisipan ko na ilagay sa aming activities ang team building.

Sobrang excited talaga ako sa meeting ngayong araw. Although, hindi ito official meeting dito ko naman makikita kung sino sa mga kabataan rito sa aming barangay ang ninais na maging RYC.

Time check: 4:45pm. Siguro dapat na 'kong pumunta dun sa meeting place.

Pagdating ko ay kumpleto na yata sila pati na rin ung ilan sa mga batch mates ko na sumali sa RYC ay nandito na rin.

"Harry, dalawa na lang at pwede na tayong mag-simula." Yan si Mikaela Geronimo, mas matangkad lang ako sa kanya ng kaunti, lagpas balikat ang buhok, naka yellow t-shirt sya at nakapambahay na short na kulay blue, she's our acting vice president slash secretary. Kasi wala pa naman kaming officers, tulad nga ng sinabi ko magbabalik pa lang kami at kahit ako ay appointed president lang.

"Nasan na ung mga registration forms nila?" tanong ko sa kanya.

"Nandito na sa envelope, Ar" Sagot ni Kiel. Si James Kiel Arriesgado, batch mate namin ni Mikaela, naka-yellow t-shirt din sya at red na basketbol short. Wala syang posisyon at ngayon lang ulit sya maggiging active kasi kahit bago pa 'man kami mag-lay low ay nauna na sila nung iba. Natutuwa nga ako dahil kahit papano may gustong mag active sa mga batch mates ko na nag-lay low. Kasi naman karamihan sa nag 'lay low' ay di na naging active ulit.

"Ahh salamat Kiel. Mikaela, start mo na mag-attendance. May list ka naman na nila diba?" Ang alam ko kasi sinabi ko sa kanya yun nung isang araw eh.

"Tapos na pres." Napatingin naman ako kay Princess. Si Princess Joyce Maniclang. Batch mate ko rin. Madalas namin syang kasama ni Mikaela at ang isa pa naming active na member ay si Kimberly Dela Cruz. Actually, may isa pang lalaki kaming kabatch na kasa-kasama naming nuon pero balita ko nag lay low na rin kasabay ng pag lay low ng club.

Time Check: 5:00pm. Dumating na rin ung dalawang hinihintay namin habang pinapaasikaso ko ung attendance. Nakakatuwang mag meeting ng ganito, ang dami nila. First time kong mag sasalita sa harap ng club, actually medyo kinakabahan ako. Pero andyan naman ung batch mates ko e at tyaka si....

"Ar, simulan mo na ung meeting" Si Sophia Rose Angeles, kaibigan namin sya dati pa, pero ngayon lang sya sumali sa club, ewan ko rin kung bakit. Magulo kasi isip ng babaeng yan eh. Pero sa totoo lang ay hindi ako sigurado kung tama ba na pinasali ko sya dito sa club, dahil mayroong batas itong club na taliwas sa nararamdaman ko para kay Sophia Rose.

Simula kasi nung naging magkaibigan kami a year ago ay gusto ko na si Sophia Rose. Pero syempre masyado akong masipag at masunurin na bata kaya mas inuna ko ang pag-aaral ko at responsibilidad bilang presidente ng club. Hanggang sa mabalitaan ko na lang na nagkaroon sya ng boyfriend kaya naman mula noon ay sinubukan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Sige." Sagot ko na lang.

Sa totoo lang ay hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Sophia Rose, pero sa pagsali nya sa club sigurado na magiging malapit ulit kami, lalo pa ngayon na hiwalay na sila nung naging boyfriend nya. Ayokong umasa pero malaki kasi ang tyansa na sya ang maging vice president ko dahil alam ng karamihan na kahit nasa middle section lang sya, which is her choice, ay madalas na nasa top 1 si Sophia Rose. Oo, tulad ko masipag at responsable din siya. Teka, masyado na ata akong maraming sinasabi tungkol kay Sophia Rose may meeting pa pala.

Secretly LoveWhere stories live. Discover now