Chapter 4:

23 5 0
                                    

Nakaupo kami sa mahabang sofa habang nakalapag lang ung ballpen at papel dun sa mesa sa harap namin dahil wala pa naman kaming nasisimulan.

"Plano ko nga pa lang mag pa activities every meeting, starting next year." Sabi ko upang simulan ang usapan.

"Ohh, great." Sabi niya sabay ngiti, ung totoong ngiti ulit, kaya pati ako nahawa.

"Ikaw ano bang mga balak mo or nakikita-kitang magandang gawin sa club?" Tanong ko naman sa kanya.

"Actually, hindi ko pa masyadong pinag-iisipan eh," Then, she giggle. Ayt pati tuloy ako nahawa na mag-English. "Pero sige ahmm... siguro mas maganda kung mapapalapit natin sila sa isa't isa, kasi sa tingin ko medyo hindi sila magkaka-close eh."

"Napansin ko nga eh, kaya naisipan kong lagyan ng activities ung parang team building ba," Nakatitig lang siya sakin at nakikinig ng maigi kaya nagpatuloy lang ako. "Nabanggit ko na 'to kila Mikaela bago ung election, sang-ayon rin sila pati si kuya Gabriel. Para rin raw maiwasan ung may grupo-grupo. Dapat komportable ang lahat sa bawat isa para makaiwas na magkaproblema, alam mo na?"

"Okay yun. Ano namang mga activities?"

"Kahit ano, search na lang tayo sa 'net." Natawa siya nung sinabi ko yun kaya natawa rin tuloy ako.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko habang tumatawa pa rin.

"Wala—" Magsasalita pa sana siya ng bigla kaming tinawag ni mama.

"Harry, Sophia Rose, kakain na!"

"Hahaha, tara na." 'Aya ko naman sa kaniya.

Natutuwa ako kasi bumabalik na sa dati ung pagu-usap naming dalawa. Matagal din kasi kaming hindi nakapag-usap ng maayos kasi masyado siyang busy, kun'di sa school works sa boyfriend niya—ay ex na pala, no bitterness intended. Masaya lang ako kasi nakakapag-biruan na ulit kami.

Pagdating naming sa dining area ay nakahanda na ang pagkain, nakaupo na ung dalawa kong kapatid at si mama naman ay may dala-dalang juice galing sa kusina.

"Oh halina kayong dalawa at maupo na kayo." Yaya ni mama.

Bago ako umupo ay inilayo ko ng kaunti ang isang upuan sa lamesa at tinignan si Sophia Rose. Naintindihan naman niya kaya umupo siya at nag-smile sabay sabi ng "Thank you." Nung paupo na ako ay tinanong ko si Hayley.

"Saan ka galing Hayley? Bakit ngayon lang kita nakita?"

"Nasa kuwarto kasi ako kuya, gumagawa ng assignment." Oo, kuya niya ko. Si Hayley ang bunso naming kapatid eleven years old.

"Pero sumama ka kila mama?" Dagdag ko.

"Pag-uwi naming umakyat agad ako, naalala ko kasi Lunes nap ala bukas." Paliwanag naman niya.

"O'siya sige, mag-dasal na tayo." Sabi naman ni mama bigla.

Habang kumakain.

"Sophia, kamusta naman mama mo?" Tanong ni mama. Teka anong meron?

"Okay na po tita." Magalang na sagot naman ni Sophia Rose sabay ngiti.

"Teka, bakit anong nangyari kay tita Sarah?" Nagtanong na 'ko baka kasi ano pang mangyari sa utak ko pag pinilit kong isipin kasi wala naman akong nababalitaan nitong mga nakaraang buwan tungkol sa pamilya nila. Nagtinginan si mama at Sophia Rose pati ung dalawa kong kapatid.

Secretly LoveWhere stories live. Discover now