Chapter 6:

21 3 0
                                    

Saturday. History class.

"Cruz."

"Mr. Cruz!"

"Huy, Harry!"

"Ay, sir!" Napatayo ako at bumalik sa realidad. Hindi ko napansin na nandiyan na pala ang prof at nag-simula na mag-attendance.

"What's happening to you? You've been like that since Thursday."

Right? What's happening to me? Lagi akong natutulala mula nung Thursday. Napangiti na lang ako kay sir at saka umupo mabuti na lang at hindi niya na sinayang pa ang oras na komprontahin ako.

Ano nga bang nangyayari sa'kin?

Ganito na ako mula nung Thursday, sabi na rin ni sir. Actually, mula gabi ng Wednesday ganito na 'ko. At ayoko ng ganito: Paggising sa umaga iniisip ko na siya, kung okay ba siya, kung dapat ko ba siyang iwanan ng good morning message, pero hindi ko ginagawa yun. Sa gitna ng klase bigla na lang akong natutulala siya rin ang iniisip. Bago matulog siya rin ang iniisip ko, kung dapat ko ba siyang kamustahin o kaya naman iwanan ng good night message, hindi ko rin ginagawa.

Ayoko ng ganito, yung si Sophia Rose ang lagi kong naiisip dahil isa lang ang ibig sabihin nito. At hindi ko gusto—hindi nga ba? Ang gulo!

Alam mo yung feeling na alam mong wala kang pag-asa sa kaniya. Pero nagugustuhan mo pa rin siya. Kung sakaling ngayon may pag-asa man sa kaniya—"Try the method asking before assuming anything." Bigla binanggit ng utak ko ang mga salitang yan. Siguro nga dapat ko siyang tanungin. Teka tanungin? Ano namang itatanong ko? Oo, tama wala naman akong itatanong at anong assume? Ano bang in-assume ko? Wala naman.

Time check: 12: 35pm

Saktong oras pagkarating ko sa mahal kong tahanan. Dumiretso agad ako sa kusina para tignan sa ref kung may pagkain pa.

"Oh anak! Nandyan ka na pala." Salubong naman ni mama na may kinukuha sa may cabinet sa taas ng counter.

"Ay ma." Nilapitan ko si mama sabay nag-mano ako tapos tinanong ko, "Ma, kumain na ba kayo? May ulam pa ba?"

"Hindi pa, kakain pa lang. Heto nga at nagluluto ako rito eh," Paliwanag naman ni mama at saka bumalik sa pagluluto. "mag-bihis ka na at tawagin mo na ung mga kapatid mo sa kuwarto nila. Kakain na tayo maya-maya."

"Sige po ma."

Habang nagbibihis ako ay narinig kong nag-ring yung cell phone ko. Tinignan ko: number lang ang nakasulat. Pero sinagot ko pa rin:

Ako: Hello?

Caller: Hello Ar!

Teka kilala niya ko? Malamang kaya nga alam number ko eh. Pero—

Ako: Ahmmm, pano mo ko—kilala ba kita?

Caller: Baliw, ako 'to si Sophia!

Ahh kaya naman pala. Caller to SR as in Sophia Rose.

Ako: Oh! Bakit ka pala napatawag? Teka kanino mo nakuha number ko?

SR: Tinanong ko kay kuya Gab kasi pinatawag niya 'ko kanina. Nagtanong kung ano na raw mga nagawa natin para dun sa project.

Ako: Ahh, ganun ba? Sure naman ako na sinabi mo na?

SR: Oo, naman. Tumawag pala ako para sabihin na pupunta ako sa bahay niyo ngayon.

Ako: Huh? Bakit?

SR: Basta diyan ko na lang sabihin, antayin mo ko sa gate niyo.

Ako: Teka So—

Secretly LoveWhere stories live. Discover now