Chapter 3:

27 5 4
                                    

Ang hindi ko maintindihan sa mga nangyari kahapon ay wala, actually lahat talaga naiintindihan ko. Wala lang talaga akong maisip na isulat pano ba naman limang oras lang ang naitulog ko. Ang ganda kasi talaga ng Dragon Ball Z kahit ang tagal na niya. Ayan tuloy puyat ako. Bakit kasi nagpang umaga pa ako nung elementary eh, as if naman na may choice ako. Pero sa tingin ko mas okay na rin yun. May mga pagkakataon rin sa buhay ko na pag tinatanong ako pagdating sa mga desisyon ko ay ang hirap ipaliwanag. Dahil simula nung bata ako ay naka-rely lang ako sa magulang ko pagdating sa big decisions.

Kaya ngayon na seventeen years old na 'ko, dumating na 'ko sa parte ng buhay ko na kailangan ko ng matutunan magdesisyon mag-isa. Lalo pa ngayon na presidente na ako ng isang youth club. Hindi ko nga alam kung kaya ko ba talagang panindigan bawat desisyon ko. Malaki rin ang maggiging kaibahan ng youth club sa pamamalakad ng mga naunang presidente at sa maggiging paraan ko. Dahil una sa lahat, hindi ako ganuon kahigpit. Hangga't di nakaaapekto sa RYC sa tingin ko ay ayos lang, pero alam kong hindi pu-puwede iyon. Kaya naman isinama ko rin sa plano ko na lagyan ng basehan ang judgement sa bawat paglabag na gagawin nila. Pero bago yan, ang project muna dapat ang unahin ko.

~Kinahapunan.

Gumawa na agad ako ng group chat ng officers dahil medyo hectic ang schedule namin ngayon. Comeback project kasi ang mangyayari kaya hangga't maaari ay i-minimize ang pagkakamali. Kaya naman nagpatawag ako ng meeting of officers' para matulungan ako sa pagdedesisyon at paghati ng trabaho. Mabuti na lang at lahat sila ay walang ginagawa. Sem-break naman kasi nila kaya siguro ganun. Pero hindi sila kolehiyo tulad ko ahh, lahat kasi sila ay fourth year high school maliban ata sa business manager namin dahil nag-stop na sya dati pa. Alam ko, alam ko, nasa rules yun pero minsan kasi may exceptions, lalo pa't wala na kasing mag aasikaso sa kanila.

Ilang minuto ang nakalipas ay naririto na sila sa bahay. Pinapasok ko na sila at nagtungo na kami sa sala ng bahay. Mabuti na lang at nasa galaan ang mga kapatid ko, medyo matatahimik ang paligid.

"Anong pagmimitingan natin, Ar?" Tanong ni Michael, ang aming business manager pagkaupo nila.

"Easy lang, busy ka ba? Baka gusto niyo munang mag meryenda?" Sagot ko naman, kaya rin hindi pa ako umuupo dahil mag-aalok nga ako ng meryenda.

"Mamaya kasing ala-sais may gagawin na ko. May papagawa kasi ung kaibigan ng tito ko, sayang yun, mapagkakakitaan rin yun." Paliwanag naman ni Michael, nakalimutan ko atang sabihin na simula nung tumigil sya ay naghahanap na sya ng maliliit na trabaho dahil nga wala pa siya sa edad para mag 'trabaho' at 'di rin siya nakapagtapos ng high school. Mabuti na lang at binibigyan siya ng mapagkakakitaan ng mga kapit-bahay namin. Minsan naman ay naglalaro siya sa mga dart tournament. Oo, magaling siya sa larong dart. Kaya dun niya na lang ibinubuhos ang kanyang atensyon, sa paghasa ng kakayahan nya sa dart pag wala syang ginagawa.

Tumingin ako sa orasan at pagtingin ko ay alas-kuwatro pa lang.

"Ganun ba? Di naman tayo tatagal about lang sa project yung pagmimitingan natin, e medyo pulido naman na ung plano." Paliwanag ko rin sa kanila.

"Ahh, sige meryenda muna tayo." Hirit naman ni Kiel, ung sergeant at arms namin, natawa naman kami dun.

"Sige sandali lang..." Aalis na sana ako ng nag-salita si Sophia Rose.

"Sandali lang Ar, tulungan na kita sa paghahanda ng meryenda." Alok naman niya, di na 'ko nagsalita at naglakad na lang papunta ng kusina kasama siya.

Habang naglalakad kami ay kinausap ko si Sophia Rose. "ahmm, Sophia Rose..."

"Ano yun?" Tugon naman niya. Pagkarating naming sa kusina ay tiyaka lang ulit ako umimik.

"Kamusta ka na?" Tanong ko habang iniaabot ung tinapay at palaman sa kaniya, ako naman ung nagtitimpla ng juice.

"You mean, dahil sa past relationship ko?" Sabi niya habang pinapalamanan ung tinapay. Mabuti na lang at naintindihan niya ung tanong ko.

"Ahhmm, oo, balita ko kasi di maganda ang break up niyo," Patuloy ko naman habang hinahalo na ung juice.

"Don't worry ayos naman na ako. Tiyaka, mag tatatlong buwan na rin ang nakararaan mula nung breakup namin." Sagot niya sabay ngiti sakin. Sa tingin ko nga ayos na siya dahil magaan niya nang nasasabi ang tungkol doon. Hindi lang talaga mawala sa isip ko yun, kasi alam ko matagal silang naging magkaibigan bago nangyari ang mga nangyari.

"Ganun ba? Mabuti naman." Ngumiti ako sa kanya at bumalik na kami sa sala, inilagay ko sa tray ung tinapay at juice, at ako na rin ang nagdala ng mga inihanda namin.

"Galing! Bait talaga ni president!"

"Hindi halatang gutom ka Kiel ahh?" Pang-aasar ni Mikaela.

"Actually, kaka-kain ko nga lang ng meryenda e. Pero bitin kasi," Sagot naman ni Kiel habang kinakagat ung tinapay na kinuha nya. Natawa naman kaming lahat kasi ganun lagi ang palusot niya, akala mo lagi siyang gutom pero di naman tumataba, kain lang ng kain.

Magsasalita na sana ako pero napansin ko ung tawa ni Sophia Rose. Isa lang ang masasabi ko, ayos na nga siya, dahil nagbalik na ung dati niyang tawa. Yung tawa na mararamdaman mo na totoo at walang tinatagong sakit.

Matagal-tagal pa bago ako mapalitan sa puwesto bilang presidente ganuon rin sa lahat ng officers sana lang ay makayanan naming ung mga pag-subok na darating. Ako naman mentally prepared pero kinakabahan pa rin ako. Mabuti na lang at nandito 'tong mga kaibigan ko na kapwa officer ko pa.

Matapos ang meeting ay ipina-print na kaagad namin ung mga ticket sa malapit ng printing shop—teka, nasabi na Cake Raffle ang maggiging project namin sa darating na December 23. Ang pondo na maiipon naming mula sa raffle ay ipambibili ng mga regalo para naman sa Gift Giving. So, meron pa kaming one month and half para sa preparasyon at pagbe-benta ng mga tickets bago ang araw ng mismong raffle.

"Ar, una na 'ko ah!?" Paalam ni Michael nang makabalik kami sa bahay.

"Sige. Ingat tol!" Paalala ni Kiel, kami naman ng iba ay tumungo na lang.

Nagpaalam na rin ung iba dahil magaala-sais na ng gabi pero bago yun ay ibinilin ko kay Mikaela na siya na ang mag-sulat ng mga numero dun sa tickets at next Sunday ay tyaka na naming tatapusin ang preparation. Pinaiwan ko naman si Sophia Rose at si Kiel para tulungan akong magdesisyon kasi nga diba gusto ko kasing mas i-organize pa ung club.

"Kung okay lang naman sa inyo? Baka kasi may gagawin rin kayong assignments at projects eh."

"Pasensya na pres ahh, wala kasing magbabantay ng tindahan sabi ko kila mama hanggang ala-sais lang ako eh." –Kiel

"Ganun ba? Eh ikaw Sophia Rose?"

"Ayos lang tinapos ko naman na ung dalawa kong project eh bukas ko na gagawin ung isa."

"Sipag talaga!" Sabi ko sabay ngiti, ngumiti rin naman siya at nagpaalam na nga si Kiel kaya pumasok na kami ni Sophia Rose sa bahay.

Pagpasok namin ay nakasalubong naming si Helena, 14 years old nakababatang kapatid ko.

"Saan ka pupunta? Kararating mo lang ahh? Tiyaka nasan si mama?" Mukhang napadami 'ata ung tanong ko.

"Nasa kusina si mama, pinapabili nga ako ng sibuyas eh, nakalimutan kasi naming bumili kanina." Sagot naman niya sabay alis ng walang paalam. Okay lang naman yun kasi mukhang nagmamadali rin siya.

"Ang bango naman niyang niluluto mo ma, Sinigang!" Bati ko nang makita ko si mama sa kusina, nasa tabi ko naman si Sophia Rose habang lumalapit kami sa counter, "Dito pala maghahapunan si Sophia Rose. Magpapatulong po kasi ako, siya kasi ung vice president ng club."

"Good evening po tita!" Bati naman nitong kasama ko.

"Good evening din iha!" Bati naman ni mama habang busy na nagluluto, "Sige, tatawagin ko na lang kayo pagkakain na." Pagpapatuloy ni mama.

"Dun lang kami sa sala, ma."

"Sige po tita."

End of Chapter 3

Secretly LoveWhere stories live. Discover now