Faye's POV
Warning: Battery Low
Pang-limang beses na yatang nag pop-up 'yang warning na yan sa phone screen ko dahil kanina pa din akong naglalaro dito habang nakahiga sa kama ko.
I just charged it and decided to go down stairs para kumain muna.
Pagbaba ko ng sala ay walang tao. Pumunta ako sa mini bakeshop at tinanong si ate Sally--- one of our sales person, kung nasaan si mama at sinabi niyang nasa bakeshop na sa may bayan. Sumusunod na lang kasi siya kay papa dahil nagbebake pa siya sa umaga. Pinauuna niya si papa para magbukas ng bakeshop.I just went back inside our house and directed to the kitchen. I was about to open the refrigerator door when I notice a small sticky note.
Ate,
Pumasok na ko. Hindi na kita pinuntahan sa kuwarto kasi baka beastmode ka pa din sa'kin. I'm sorry ate. I love you :*
-JadeP.S. Maglinis ka daw ng bahay sabi ni Mama.
Aba't talaga nga namang?!
Napapikit na lang ako ng mariin at huminga ng malalim. Naalala ko na naman yung kanina.Medyo nagiguilty na ko sa ginawa ko kay Jade. Siguro kailangan ko ding magsorry sa kanya pag uwi niya. Pumasok na pala kasi siya. 10 a.m. to 6 p.m. kasi ang klase niya ngayon.
Binuksan ko na lang ang ref at kumuha ng tubig. Nagsalin ako sa baso at inilagay ito sa mesa bago ibinalik ang pitsel sa ref. I sat on one of the chairs and looked for the available foods covered on the table.
Kumuha ako ng plato nang makita ang favorite kong (namin pala ni Darryl) bacon at hotdog. May fried rice and egg din. Lalo akong nagutom. Kumuha ako ng mga ito at nilagay sa plato saka nagsimulang kumain.Maybe after I eat, I'll just wait for Darryl here. He used to come over our house every Friday after his shooting. And I am excited to see him again bringing me a lot of chocolates good for one week and some of hawaiian pizza. God! Mouth-watering!
Natapos na kong kumain. Nilinis ko muna ang platong ginamit ko bago napagpasyahang maglinis kagaya ng ipinabilin ni mama sa akin kay Jade.
Hindi ko din alam kung ilang oras din akong naglinis. I feel so tired dahil wala naman kaming maid para katulungin ko. Bukod sa kukulangin kami sa family budget, mama and papa want us to be responsible and independent.
I look at my wristwatch and saw that it was already 1:00 in the afternoon. Kadalasang dumarating si Darryl ng 2:00 o kung nag ovetime man sa shooting ay 3:00.
I decided to go upstairs and unplug my cellphone. I checked for messages and missed calls pero wala. Humiga na lang ulit ako sa kama at napagpasiyahang matulog.
***
"M-Mahal kita Darryl"
Kinakabahang pag-amin ko sa kanya.Kasalukuyan kaming nandito sa isang lilim ng puno malapit sa soccer field at naglakas loob na akong aminin ang nararamdaman ko.
"I'm sorry Faye..." naiiling niya lang na sagot.
"S-Si Sidney ba?" umiiyak na tanong ko.
Lalo akong napahagulhol nang tumango siya sa tanong ko.
"Ngayon pumili ka saming dalawa, Darryl. Ako, na bestfriend mong nagmamahal sa'yo o si Sidney?"
Napansin kong natigilan siya sa tanong ko. Please choose me Darryl, please.
"Darryl!" Napatingin kami parehas sa likod niya dahil sa babaeng tumawag ng pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Falling Inlove to my Bestfriend
RandomShe is Faye Marie Delgado, 17 years old. An ordinary teenager who enjoys a simple life with her familly... and bestfriend. He is Dan Darryl Custodio, the bestfriend. A caring and lovable bestfriend. A sweetest bestfriend that one could be. But, ca...