Continuation...
Umatras ang mga kaibigan nito na sya namang kinahakbang paabante ng mga alipores ni arianna palapit kay alexa. Hinawakan ni Brixa ang isang kamay ni alexa ngunit nag sign ng 'Okay lang ako' si alexa kaya pinabayaan na nya. Naglalakad naman ang apat na lalaki ng mapatigil sila dahil nakita nila ang grupo nila alexa. Napansin din nila na marami ang nanunuod. Lahat ng estudyante inaabangan ang mangyayare sa pagitan ni alexa at ng mga kaibigan ni arianna.
"Brixa,Alyana,Bella. Walang ni isa sa inyo ang tutulong sakin maliwanag ba!? Kung ayaw nyong kayo ang bugbugin ko? Maliwanag?" Tanong ni alexa sa mga kaibigan.
"Pero alexa-" hindi naituloy ni alyana ang sasabihin dahil nagsalita uli si alexa.
"Maliwanag ba?!" Galit na galit na talaga si alexa na animo'y mukang mangangain. Nagtanguan na lang ang mga kaibigan nito.
"Good." Huling sinabi ni alexa bago ibalik ang tingin sa mga alipores ni arianna. Dumating na din si arianna lumapit sya sa mga kaibigan at tinignan ang nangyayare. Nang makalapit ay tinanong nya kung ano ang nangyayare sa pagitan nila. Binulong ng kaibigan nya ang nagaganap at napatawa sya ng malakas.
"Hahahaha. Alexa the flirt and the weak. Wala ka pala sa mga kaibigan ko natapunan kalang takot kana hahaha." Natatawang may halong pangaasar na ani ni arianna kay alexa. Natawa din ang mga estudyante. Dahil hindi na makapagtimpi isang Malakas na sampal ang pinadapo ni Alexa sa mukha ni arian kaya napaupo ito. Namula ang muka ni arian dahil sa lakas ng sampal ni alexa sakanya.
Dahil sa nakita umabante ang isang kaibigan ni arian at sinampal si alexa. Dahil dito lalong nagalit si alexa at sinuntok sa muka ang sumampal sa kanya. Napaupo ito at napasubsob ang muka katabi ni arianna. Sumugod ang dalawa pang alipores nito at akmang susuntukin si alexa ng nagsign si alexa ng Stop. Napatigil ang dalawa kaya napangisi si alexa dali dali nyang sinuntok sa panga ang isa at sinampal ang isa pa kaya tumba ang dalawa kasama nila arian. Hinatak ni alexa patayo si arian at nagsalita.
"Haha. Sino satin ngayon ang weak bitch? Tska sino sinabihan mo ng malandi? Ako? Pinapatamaan mo ba ang sarili mo? Nagiisip kaba Ms.Montecillo?" Pangaasar ni alexa kay arian.
"What did you say!? Ako malandi!? Baka ikaw! Girls tayo!" Sigaw ni arian at pinatayo ang tatlong kaibigan. Natawa si alexa sa sinabi ni arian.
"Hahaha.. So pinapatamaan mo nga ang sarili mo.. At pinatayo mo pa talaga ang mga weak mong alipores. Anong rank nyo matanong ko lang?" May halong pangaasar na tanong ni alexa pero galit na galit na talaga ito sa totoo lang.
"Rank 2 bakit? Tska sino kaba ha bitawan mo nga ako! Stupid, tigilan mo si tyler sinasabi ko sayo kundi tatamaan ka talaga sakin! Ikaw ano rank mo ha! Baka nga rank chuwawa ka eh haha!" Natatawang sagot ni alexa. Natawa din ang ilang estudyante maliban sa mga estudyante na nakakaalam na ng tungkol kina alexa. Dahil alam na ng mga ito ang rank ng kinalaban ni arian.
'Antanga mo Ms.Montecillo mali ka ng kinalaban lagot ka humanda kana'
'Stupid ms.arianna di muna kinilala kung sino ang pinagsabihan ng masasakit'
'Prepare yourself ms.montecillo the game is beginning.'
"Aww. Sino ako? Gusto mo ko makilala? Baka magsisi ka?" Pangaasar ni alexa.
"Oo! Bakit ayaw mo sabihin? Baka nga rank chuwawa talaga kayo hahaha." sagot ni arian. Naglabas ng dagger si alexa at itinutok kay arianna napaatras ito dahil sa gulat maski ang mga nakakita ay nagulat.
"Ba-bakit ka may dagger?" Takot na tanong ni arianna na gulat parin.
"Wow. Dagger lang takot kana? Eh paano kaya kung iturok ko sayo to? Sige sasagutin ko ang mga tanong mo kanina humanda ka. Isang maling atras nyo ng mga kaibigan mo papatayin ko kayo." Sagot ni alexa at pinaglaruan ang dagger sa kanyang kamay.
"Sige sagutin mo. Tska papatayin? Dimo kami kakayanin magisa ka lang dimo pa pinatulong mga kaibigan mong weak haha." tatawa-tawang sagot ni arian ngunit halatang natatakot parin ito.
"Sige. Eto na. Una ako si Alexandria Gail Lopez. Pangalawa hindi ako malandi wag mo'ko idamay sa kalandian mo. Pake ko dyan sa Tyler mo saksak mo sa ngala ngala mo. Pangatlo Rank 1 kami kaya mali ka ng kinalaban. At panghuli hindi weak ang mga kaibigan ko. Wag mo sila itulad dyan sa mga alipores mong muka na ngang clown weak pa. Haha" sinagot lahat ni alexa ang tanong ni arian sa kanya. Halatang nagulat ang mga ito at pati ang mga nanonood pati ang apat na lalaki.
"Oh. Ako may tanong. Ano pangalan ng grupo nyo?" Tanong ni alexa
"Devilicious Princesses Gang bakit? Sa inyo ano? Flirt ladies?" Nangiinis ka huh. Makikita mo.
"Gago. Wag mo kami itulad sa inyo. Red Skyler Fraternity ang grupo namin papalag ka? Eh kung itong dagger na 'to iturok ko sa mga leeg nyo?" Alexa
"Bi-bitawan mo yang da-dagger! Isusumbong kita!" Naiiyak na sabi ni arian. Kahit na gangsters sila hindi dagger ang gamit nila mga pistol lang ganun.
"Bakit takot ka? Brixa amina mga dagger nyo!" Utos ni alexa sa kaibigan.
"Eto oh! Alexa baka mapatay mo sila!" Awat ni brixa sa kaibigan
"Eh ano naman kung patayin ko sila? Kahit malaman ng mga pulis to hindi ako makukulong remember!" Alexa. Bumalik ang tingin nya kina arian na hahakbang ulit paatras ng magsalita si alexa
"At sa tingin nyo makakatakas kayo huh? Kapal ng muka nyong kalabanin ako tapos tatakas kayo ngayon!? Isang atras nyo pa patay kayong apat sige harap dito!" Galit na talaga si alexa at pinaglaruan ang mga dagger na hawak. Nagbulungan ang magkakaibigan kung sino unang haharap napagusapan nilang sunod sunod sila. Napagusapan din nilang pagharap nung isa hahakbang sila patakbo pero hindi haharap kina alexa at tuloy tuloy lang. Dali daling humarap ang isang kaibigan nila pero pagharap nito ay inihagis ni alexa ang isang dagger tumama ito sa tyan ng kaibigan ni arian bumagsak na lang ito bigla at namatay. Nagulat ang mga nakapanood ng naganap ang iba ay napatili ang apat na lalaki ay nagulat dahil sa kanilang nakita. Dali daling tumakbo sila arianna ngunit inihagis muli ni Alexa ang dalawang dagger tumama ito sa likuran ng dalawang kaibigan ni arianna kung kaya't namatay ang mga ito. Tumigil si arian sa pagtakbo at humarap kay alexa. Si alexa naman at ang mga kaibigan nya ay nakangisi lang dahil alam ng mga kaibigan nito na mali ng kinalaban si arian kaya di na nila pinigilan si alexa. Napatakbo si arianna papunta sa mga kaibigan at habang umiiyak galit narin ito dahil sa ginawa ni alexa sa kanyang mga kaibigan.
"Hayop ka alexa! Pagbabayaran mo tong ginawa mo sa mga kaibigan ko! Humanda kayo!" Umiiyak at galit na galit na sabi ni arian kina alexa.
Pritttttt! (Whistle/Pito)
May nagsumbong sa dean ng naganap at tumawag ng pulis para awatin ang mga ito. Dinala na sa morgue ang katawan ng tatlo samantala ang mga estudyante naman ay nilagpasan na lang si arian at dimanlang tinulungan. Pati ang apat na babae. Binigay ng mga pulis ang mga dagger kay alexa at umalis na. Kasunod nila ang apat na lalaki na hindi makapaniwala sa nangyare.
To be continued...
[A:N- nagustuhan nyo po ba ang Ud ko guys? Mahaba na yan ah haha. May action na sya. Sana nagustuhan nyo thanks po. Labya! Next chap napo!]