CHAPTER 1: Flashback

363 3 0
                                    

CHAPTER 1







F L A S H B A C K





Jinmi's POV





"Dad, bakit ko pa kailangan mag aral dito sa Japan?" tanong ko saaking ama habang nagd-drive siya dito sa di ko alam kung anong street ng Tokyo basta papunta doon sa school na gusto niya akong mag aral

"gusto kong makipag halubilo ka sa iba't ibang uri ng tao. kahit pa na pinipilit mong gusto mong maging make up artist" sagot niya lang sakin. hindi na ako sumagot sakaniya dahil hindi ko siya na-gets. tumingin ako sa labas at maganda naman dito sa Japan. parang gusto ko ngang lumabas at mag pictorial eh

actually nakapag first year highschool na ako sa Philippines. pero itong si Dad eh natuwa at in-enrol naman ako dito sa Japan. pero siguro okay din na dito ako mag aral. malay niyo diba dito mag simula ang pagiging make up artist ko? ang kabog ko nun! ngumiti nalang ako sa sarili ko nun habang nakatingin sa labas

"nandito na tayo anak, mag aral kang mabuti ha? galingan mo!" tumingin ako sa tatay ko na naka thumbs up pa saakin kaya natawa ako sakaniya at nakipag beso na sakaniya

"sunduin mo ako agad ha!" sabi ko at ngumiti siya sakin kaya sinara ko na ang kotse. tumalikod ako kaya kaharap ko na ang school hindi siya ganoon kalaki pero sobrang ganda ng ambiance ng school na ito "Nishimachi International School" basa ko doon sa nakasulat

pumasok na ako non sa loob at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. seriously anong gagawin ko? hindi ko kayang mag isa... nilabas ko yung papel na may schedule ko at maaga aga pa naman bago ang susunod na class. luminga linga ako non kasi i feel so lost talaga

nag lakad ako ng kaonti at nakakakita naman ako ng mga students na mga sa tingin ko ay taga ibang bansa rin katulad ko. buti nalang. hindi kaya ako marunong mag Japanese. pero takot parin akong makipag usap. kumbaga may social anxiety ako. iyon' siguro ang dahilan kung bakit ako ipinasok ng tatay ko sa International School na ito

naglakad lakad ako nun at umakyat sa isang hagdan. siguro dito ko mahahanap yung classroom ko? nag lakad ako sa hallway habang nakatingin sa mga numbers and letters na nakalagay doon. baka sakaling dito ang classroom ko.

"Class 8-B" bulong ko sa sarili ko at tinignan ang papel na hawak ko. ah, ito nga ang classroom ko. sumilip ako ng kaonti sa bintana na nandito sa pinto ng classroom. kakaonti palamang ang tao non. papasok ba ako? naramdaman ko ang pag papawis ng aking palad. hay social anxiety why???

"boo!" napa-talon ako ng kaonti non nang may nang gulat saakin at sakto pa sa aking tenga. tinignan ko siya non' na halata mong gulat na gulat ang aking mukha sa ginawa niya. isa siyang lalaki na sobrang tangkad. I mean maliit kasi ako pero matangkad talaga siya. black hair, matangos ang ilong at sobrang puti niya. maliit ang kaniyang mga mata, Japanese kaya siya?

One Love (ON HOLD/slow update) [MONSTA X WONHO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon