CHAPTER 6: Missed

124 2 0
                                    

CHAPTER 6






Jinmi's POV







Nakatingin lang ako sakaniya non' dahil ini-scan ko ang kaniyang mukha. siya ba talaga ito? tumingin ako sa kamay niya na nakahawak parin sa wrist ko kaya agad kong hinila iyon  "Jinmi" mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko iyon. sobrang bilis ng tibok ng puso ko at tila may mga insekto akong nararamdaman sa aking tiyan

hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. kung dapat ko ba siyang kausapin o tanungin kung bakit Shin Wynter siya, bakit hindi niya ginamit ang Seong? ano nang nangyari sakaniya? kamusta na siya? masaya ba siya? may girlfriend na ba siya?-- teka ano? bakit ko ba ito naiisip?

"Jinmi, I missed you" bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. ibig sabihin siya talaga si Wynter? si Wynter Seong? pero ang alam ko kinalimutan ko na siya. ayoko na muli ma-envolve sa buhay niya lalo na ngayon na isa na pala siyang sikat na kpop idol

"ako? namiss mo ako? teka wait di kita kilala" pag sisinungaling ko sakaniya at tumingin sa ibang direksyon habang nakahawak pa sa gilid ng aking ulo para kunwari ay nag iisip at nag tataka ako pero nagpapawis na talaga ang aking palad at sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko

"but you're talking in Filipino. kung hindi mo ako kilala bakit mo ako kinakausap gamit ang tagalog?" nanlaki ang mata ko nun dahil syeeeet tama siya friends bakit nga ba ako biglang nag tagalog!? nako nako Jinmi pinapahamak mo ang sarili mo!

tumingin ako sakaniya non' at nakita ko lang ang kaniyang pag ngisi.... ang gwapo niya nako wait-- "Ah... mianhae! I really don't know you that much... I'm not a kpop fan and... I'm j-just new here so... I need to go back... Annyeong!" [Trans: Sorry / bye]

agad akong naglakad palayo at bumalik na lamang sa building. jusko hindi ko to kinakaya! bakit hindi ba ako nag iisip!? pagka-pasok ko sa building ay agad akong pumunta sa comfort room at nilock ang sarili ko sa loob ng cubicle.... hindi ko maintindihan ang aking sarili

hindi ko alam kung bakit ako nag sinungaling, hindi ko alam kung bakit ko iniiwasan si Wynter. hindi ko alam at sobra akong kinakabahan. si Wynter nga ba talaga iyon?







Wynter's POV







bigla siyang tumakbo non' kaya sinundan ko lang siya ng tingin. bakit sinasabi niyang hindi niya ako kilala? and why is she avoiding me? naguguluhan ba siya dahil Shin ang gamit kong apelyido? and her eyes are shaking. ano bang mali?

siya nga itong nag block saakin, at sa tingin ko nga ay ibang pangalan ang gamit niya sakaniyang sns para hindi ko siya mahanap. hindi ko alam kung ano bang mali ang ginawa ko sakaniya. tinupad ko rin naman ang sinabi niya saakin noong graduation namin. hinihintay ko parin namin siya eh

kaya ayoko na munang mag pakita sakaniya dahil alam kong kakabahan siya at hindi niya nanaman alam kung ano ang gagawin niya

tumingala ako non' at nag sigh. ano bang ginawa kong mali at grabe naman kung iwasan ako ni Jinmi?







~~







We came at the set already kung saan if-film ang bago kong music video. tinignan ko ang lugar at mayroon white hall way at violet and pink lights. tinignan ko ang paligid at punong puno na ng camera at mga staff "seat here Wynter" tumingin ako sa manager ko nang tawagin niya ako kaya naman lumapit ako at naupo sa kung nasaan ang itim na upuan at may salamin sa harapan ko. there arw make ups too. kung nandito na ang mga gamit, nasaan si Jinmi?

One Love (ON HOLD/slow update) [MONSTA X WONHO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon