CHAPTER 2: End of flashback

142 2 0
                                    

CHAPTER 2





Jinmi's POV





~~





** GRADE 9 **





Tumingin ako kay Chase non' nung bumalik siya sa table namin na sobrang busangot ang mukha. Nakatingin lang ako sakaniya non' kaya napatingin din siya saakin "Bakit ganiyan mukha mo? may problema ba?" tanong ko sakaniya

"na-hospital si Bea. I need to go back to Philippines" muntik na maibuga ni Wynter yung iniinom niya dahil sa sinabi ni Chase. nagulat nga din ako e. kitang kita mo sa mukha ni Chase yung pag aalala niya. parang nung last vacation lang namin ay umuwi pa soya ng Philippines at ang dami niyang kinuwento na nakita niya si Bea at yung kaibigan niyang si Jin daw

"what happened to her? bakit siya na-hospital? and is it okay for you to go back to Philippines? middle school is ending" Oo hanggang grade 9 lang kami dito sa International School

"it's Bea. I need to go back"






~~






"Wynter! nakaalis na ba si Chase?" tanong ko nang makalpit ako kay Wynter. lumingon siya saakin at ngumiti sabay tango niya. "gusto niya talaga si Bea no? kaonti nalang ang tulad ni Chase na gusto ang first love niya eh last na" sabi ko nang makaupo ako sa tabi ni Wynter. nagulat ako nung bigla siyang humarap saakin kasi pati upuan niya ay gumalaw

"ikaw rin naman ang first love ko ah! ikaw rin ang gusto kong maging last! hindi nag iisa si Chase!" sabi niya na halos sigaw pa at naka-nguso. napatingin ako sa mga classmate namin na napa-tingin saamin. baka isipin nila ay inaaway ako nito dahil di nila maintindihan ang isinisigaw "sabi ko naman kasi sayo hihintayin kita diba? hindi ka ba--"

tinakpan ko yung bibig niya nun gamit ang kamay niya dahil namumula na ako ng sobra sa mga sinasabi niya. Sa totoo lang kay Chase ako unang nag ka-crush dahil sa cute personality niya pero mas soft si Wynter at pakiramdam ko sakaniya na ako nagkaka-gusto "wag ka nga maingay nakakahiya sakanila" mahina kong sabi sakaniya sabay alis ng kamay ko sa kaniyang bibig

naka-tingin lang siya saakin non' napa-iwas naman ako ng tingin non at tumingin sa bintana pero hinarang niya yung ulo niya doon upang mukha niya ang makita ko. napa-kurap naman ako ng ilang beses dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. ano ba yan nakakainis. alam niya talagang gwapo siya at ginagamit niya saakin yon.

crush ng bayan kaya si Chase at Wynter dito. kung hindi si Chase ang escort, si Wynter naman. lagi pa silang dalawa sinasali ng teachers namin sa Mr. Nishimachi. marami na rin naiinis saakin dahil bakit daw ako close sa dalawang ito. as in sila lang kasi ang kaibigan ko dito. may slight social anxiety pa ako pero nabawasan na iyon, salamat sa dalawang mokong na ito "Chichoo"

napabalik ako sa katawang lupa ko nung tinawag niya ako sa pet name niya saakin. ngumiti siya non na kinabilis nanaman ng tibok ng puso ko "Wynter, hihintay mo talaga ako?" tanong ko sakaniya. ewan ko ba. alam kong bata pa kami at minsan hindi ako naniniwala kay Wynter tuwing sasabihin niyang hihintayin niya ako. ang bait niya kaya sa lahat at nangingindat pa. akala mo talaga eh no?

"ilang beses ko nang sinabi saiyo eh. kung san man tayo dalhin ng mga pangarap natin, ikaw parin"







One Love (ON HOLD/slow update) [MONSTA X WONHO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon