CHAPTER 14: My Nurse

151 4 0
                                    

CHAPTER 14







Jinmi's POV







"can you get the bronze one?" tanong ko kay Soojung at inabot naman niya saakin yung isang shadow na bronze. binrush (brush) ko iyon sa gamit kong eyeshadow brush at in-apply sa naka-pikit na mata ni Wynter. kanina pa siya hindi gumagalaw diyan at pakiramdam ko tulog siya. kakauwi rin lang kasi namin kaninang umaga galing Japan at nakakabigla na may guerilla concert na biglaan "Dilat ka Wynter" mahina kong sabi at tumalikod upang abutin yung pencil liner

nang maabot ko 'yon at bumalik ang tingin ko kay Wynter pero nakapikit parin siya. pagod na pagod nga siguro siya. kami rin sobrang pagod e. kaya nga bangag tong si Soojung at tamo nakatulog na sa upuan. tinapik ko ng bahagya si Wynter at nagising naman siya. pinakita ko yung pencil liner, sakaniya to tell him na lalagyan ko siya 'non kaya naman dumilat siya

"wag ka nalang kaya uma-attend? baka mapano ka" mahina kong sabi habang nilalagyan siya ng eyeliner. nakatingin lamang siya saakin non' habang nilalagyan ko siya. nakakatunaw talaga tumitig 'tong tao na 'to

"umaasa yung mga fans" malumanay niyang sabi at rinig ko sa kaniyang boses ang pagka-pagod "atsaka, sayang naman yung effort mo sa pag make-up saakin kung hindi itutuloy diba?" ngumiti siya bahagya non' at saktong tapos ko na siyang eyeliner-an kaya lumayo ako ng kaonti sakaniya

"trabaho ko naman ito. burahin mo man yan o hindi, may sweldo ako" pagbibiro ko sakaniya at nakita ko ang pag ngiti niya at pati ng kaniyang mata. sinuklay ko ang daliri ko sa buhok niya dahil nakababa lang naman iyon. hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan 'yon. naramdaman ko na umakyat sa mukha ko ang dugo at ramdam ko rin ang mainit niyang labi "may sakit ka pa rin ata Wynter, kukuhanan kita ng gamot" excuse ko talaga yan dahil baka mapansin niyang namumula ako sa kaniyang ginagawa

aalis na sana ako ngunit di niya binitawan ang aking kama at hinila pa ako papalapit sakaniya. tumayo siya non' nakita ko ang pag nguso niya. grabe ha? nasobrahan ba ako ng pag lagay ng lip tint sa labi niya at sobrang pula non'? "kahit kisspirin nalang galing sayo" sabi niya kaya pinalo ko siya sa braso at tinignan ng masama "Joke lang hahahaha! yakapsul nalang" sabi niya and he opened his arms, waiting for me to hug him. tinignan ko lamang siya non' kaya naman ngumiti siya pero hindi ngumiti ang mata niya kaya naman ibababa na sana niya ang braso niya pero niyakap ko siya agaan at ramdam ko ang pagkagulat sakaniya

hindi ko man sinasabi sakaniya pero sobrang na-miss ko talaga siya. hinigpitan ko ang pag-yakap ko sakaniya at rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. napaka-bilis non' at akala mo lalabas sa kaniyang dibdib. naramdaman ko ang kamay niya na yumakap saakin pabalik at marahan niyang sinusuklay ang mga daliri niya sa aking buhok

"Wonho! you're next!" humiwalay ako sa yakap dahil kinatok na kami sa waiting room at sakto rin na nagising si Soojung. nagulat ata sa kumatok. lumabas na non' si Wynter kaya lumabas na rin kami ni Soojung at nakita namin ang stylist ni Wynter na inayos muli ang kaniyang suot atsaka umakyat na sa stage. rinig na rinig ko ang malalakas na sigaw ng mga fans ni Wynter at akala mo hindi nila ito nakita ng matagal. nasa airport lang din naman sila kanina e. nako mga pagod din ang fans nito panigurado







Wynter's POV







pakiramdam ko ay nawala lahat ng pagod sa katawan ko nang yakapin ako ni Jinmi. para bang healer siya at inalis niya lahat ng negative energy sa katawan ko. sa totoo lang sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at trangkaso siguro 'to dahil di naman ako ganoon ka-init. but when i close my eyes, it feels like its burning

lumabas na ako ng stage non' at sobrang lakas ng hiyawan. maliit lang ang stage because it's just a guerilla concert. sa unang kanta ay yung kantang nauna bago ang current kong pino-promote ang sinayaw at kanta ko. pagkatapos non' ay kantang hindi title track ang ginawa ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Love (ON HOLD/slow update) [MONSTA X WONHO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon