I.

18 1 3
                                    


(Casimir)

6 years later...
At Seoul, South Korea

Scroll down...

Scroll down...

Scroll down...

Balik balik balik...

Calloway Clancy Maxfield tag you and 13 others

"Excited for my own wedding :) See you there! :)"

111Likes 15Comments Shares


Nanlaki ang mata ko sa nabasa. What? Ikakasal na sya?

Nang makita ko syang online agad ko syang tinawagan.

"Hello?"

"Kuya! Ano yung nabasa ko sa facebook?"

Agad na bungad ko sa kanya. Wala ng hello-hello!

"Bastos ka talaga! Wala man lang 'Hello Kuya? Congrats nga pala'"

Tinry nya pang gayahin ang boses ko. Eh? Yan ba ang sanhi ng ikakasal?

"Kasi naman eh! Bakit ang bilis?"

Inis kong tanong. Narinig ko lang syang tumawa.

"Pumunta ka dito ha? Kayo pala."

Pagkasabing pagkasabi nya nun binaba na nya ang tawag at nagoffline. Sya pala ang bastos eh! Kinakausap pa binabaan agad ako.

Paano na yan? Iiwan ko trabaho ko dito? Wait! May naalala ako!

Agad ko syang tinawagan.

"Hello?"

"Hello? Bukas pa ba yung offer nyo para sakin?"

"Yes yes! Why?"

Napangiti ako ng malawak.

"Tinatanggap ko yung offer nyo."

Pagkasabi ko nun binaba ko na ang tawag. Okay!

Isa na lang ang problema ko.

Nagdial na ako at agad pinindot ang call button.

Kriiiiing

Kriiiing

(Circe)

(AN: Isipin nyo na lang na Korean language yung sinasabi nila. Lol 😂)

"Circe excited ka na ba sa next album mo?" Tanong sakin ng aking manager.

"Yup!" Tipid na sagot ko. Actually tinatamad talaga ako ngayon. Madami pa syang sinabi pero wala naman akong naintindihan.

"Ihanda mo na ang iyong sarili dahil paniguradong sa ibang bansa i-shoshoot ang bago mong album."

Bigla ako naging interesado sa sinabi ni manager.

"Saan naman yan?" Excited kong tanong. Waaaaah! Nakakasawa na kasi sa Seoul. Lumalabas lang ako sa bansa kapag may concert ako.

The Feeling (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon