II.

12 2 0
                                    


(Circe)

"Hey ate! Gising! We're here na." Yugyog sa akin ni Shel. Hinampas ko ang kanyang kamay at nag-ayos na. Nagsuot ako ng shades, mask at cap para hindi ako makilala ng ibang tao. Duuuh! I'm a korean singer kaya dapat hindi laging ineexpose ang beauty.


Lumabas ako ng airplane.

Wow! Talagang nandito na kami sa Pilipinas! I miss this! Air polution at sandamakmak na tao. Yup! Dito ako nakatira dati. Yun nga lang naaksidente daw ako sabi ni Shel kaya wala akong maalala.

Dederetso sana ako palabas pero pinigilan ako ni Shel. Nagtataka namang tumingin si manager kay Shel. Si manager at si Shel lang ang kasama kong pumunta dito. Susunod na lang daw ang ibang staff.

"May susundo sa atin dito." Sabi ni Shel. Napatingin ako kay manager. Hindi na lang sya nagsalita. Yeah, marunong umintindi si manager ng tagalog pero hindi nya kayang magsalita ng tagalog. Galing diba?

"Sino naman?" Nagtataka kong tanong. Medyo mahina lang ang boses namin. Hindi na lang kasi kami kumuha ng body guard para walang masyadong makapansin. Wala ngang may alam na umuwi ang isang Lee Circe sa Pilipinas. Pero alam ko namang may makakapansin sa akin.

"Oh! Ayan na pala sila e!" Napalingon ako sa tinuro ni Shel. Sila? So hindi lang isa?

Medyo hindi ko maaninag kung sino ba yung tinuro nya kaya ibababa ko sana ang shades ko ng pinigilan ako ni manager. Tinignan ko sya at tinignan nya lang ako ng makahulugan. Fine! Hindi ko na ibababa.

Lumapit ang isang lalaki at babae sa amin at yinakap si Shel. Sunod na yinakap nya ay ako kaya medyo nagulat ako. Tinignan ko sya at medyo namumukhaan ko sya. Wait?

"D-dos?" Tanong ko.

"Mabuti na lang naaalala mo pa ako ate." Sabi nya at umalis na sa yakap ko. Mabuti naman. Medyo pinagtitinginan na din kasi kami.

Tinignan ko yung babaeng kasama nya. Nakatingin lang ito sakin habang nakangiti ng malapad. Ah problema nito?

"Celesti ikaw ba yan?" Tanong sakin nung babae.

"Si-sino ka ba?" Tanong ko at umiwas ng tingin. Napapikit ako. Grabe ang init sa Pilipinas. Hindi na ako makahinga.

Nagulat na lang ako ng yakapin nya ako. Shit! Sa sobrang kaba ko hinayaan ko na lang sya na yakapin ako. Tinapik-tapik ko pa yung likod nya.

"Glad you're back. We really missed you so much" halos maiyak na sabi nya sakin pero nakatingin lang ako sakanya but there's something in me that I know her and what she said.

"Uhhhh. Okay?" Sabi ko nalang. "Ate she is Snow, do you remember? Your bestfriend" sabi ni Dos sakin at napatingin naman ako sa sinasabi nyang Snow daw. Snow. Snow. Snow. Napasapo ako sa ulo ko dahil biglang sumakit. I need to take my meds.

Lumapit naman si Manager sakin at binigyan ako ng bottled water tsaka ng gamot ko. Ininom ko naman kaagad tsaka kami umalis na at sumakay na sa sasakyan.

Hindi sumabay sila Dos dahil may pupuntahan pa daw sila. Papunta naman kami sa Hotel na tutuluyan namin.

"Ahmmm... Manager may pupuntahan lang ako." (Korean language😂)

Tumango lang sya at hininto ang sasakyan. Bumaba agad ako at naglakad papunta sa bus station.

Waaaaaah! Grabe yung feeling kapag nalalanghap mo yung mga usok ng sasakyan. Nandito na talaga akooooo.

Papasok na sana ako ng bus ng may makasabay ako. Natumba lahat ng gamit nya.

"Ay sorry!" Tinulungan ko sya sa pagpupulot. Walang nakakakilala sakin dito dahil nakamask ako at naka-cap. Parang itong nakabangga kong lalaki. Hindi ko tuloy makita ang mukha nya.

Tumango lang sya at sumakay na sa bus. Napakibit balikat na lang ako at sumakay na din. Lumingon-lingon ako para maghanap ng upuan. Dahil madami ng nakasakay doon ako napapunta sa dulo.

"Hay salamat!" Sabi ko at umayos ng upo. Napatingin ako sa katabi ko.

Oh? Ito yung lalaki ha? Tinignan ko ng palihim yung mga dala nya. Books. Napangiwi ako at napatingin sa kanya. Istudyante ba 'to? Pero bakit hindi sya nakauniform.

Bigla syang napatingin sa akin kaya napaiwas agad ako ng tingin at napatingin sa cellphone na binigay sakin kanina ni Dos.

Dos gwapo's calling...

Napakunot ang noo ko at napairap na lang. Sinagot ko ang tawag habang nakatingin sa paligid.

"Hello?"

"Hello ate?!"

Napangiwi ako ng sumigaw sya. Ganto ba talaga to?

"Ano?"

"Nasaan ka? Tinawagan ko ang manager mo ang sabi umalis ka daw!"

Napairap ako sa pagsigaw nya. Sumasabay pa sya sa init ng panahon dito sa pinas.

Tinanggal ko ang aking mask at yumuko.

"Nasa bus ako okay? Bakit ka ba tumawag?"

'Omo! Is dat Circe?'

'Bakit nandito sya sa bus?'

'Ang tanong, bakit nandito sya sa pilipinas?!'

'Tara papicture tayo!'

'Tara magpa-autograph!'

'Ang ganda nyaaa'

Napatigil ang isip ko at pinakinggan ang nasa paligid. Sinuot ko ulit ang aking mask at tumingin sa katabi ko. Pinipicturan na nila ako 😭

Kinuha ko ang isa sa mga libro ng katabi ko. Aangal sana sya ng mapansin din na ang daming nakatingin sa direksyon namin.

"Pahiram muna nito okay? Kailangan ko lang talaga."

Pagkasabi ko nun tumayo agad ako at nagpara.

"Teka lang miss!"

Hindi ko na nilingon ang lalaking nakasumbrero at tumakbo na ako palabas. Nilingon ko ang loob ng bus at napalaki ang mata ko ng nagsisiunahang magsibaba ang mga  tao.

Waaaaaah!

Napatakbo na ako ng mabilis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mabuti na lang talaga at nagjojogging ako araw-araw sa Korea. Kung hindi baka lawit na ang dila ko at hingal aso na ako.

Lumiko ako sa may eskinita. Hindi ko alam kung saan ako magtatago o titigil. Nilingon ko ang nasa likod ko at nakita ko na hinahabol pa rin nila ako. Patay ako kay manager pagnagkataon!

"Omo!"

Nagulat ako ng biglang may humila sa akin papasok sa isang masikip na eskinita at pinaupo ako. Wat wat wat wat daaaaa? Si-sino t-tooo?

"Sino----"  nanlaki ang mata ko ng takpan nya yung bibig---- este mask ko. Kasi diba nasa bibig ko yung mask? O nakatakip sa bibig ko? Aish! Basta yun na yun!

"Huwag kang maingay kung gusto mong tantanan ka nila."

Seryosong sabi nya. Napalayo ang mukha ko sa kanya dahil sobrang lapit ng mukha nya. Tinanggal nya ang kanyang mask at sumbrero.

Bigla akong napatigil at nanlaki ang mata.

Kilala ko ba sya?

The Feeling (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon