III.

5 1 0
                                    


His' POV

Napatulala ako ng tignan ko sya sa mata. Para akong inaakit ng mga mata nya. Bigla syang napalayo kaya natauhan ako. Tinanggal ko ang mask ko at sumbrero para mahimasmasan.

Tinignan ko sya ulit pero mukha sya ang wala sa wisyo.

"Hey. Okay ka lang?" Tanong ko. Hahawakan ko sana ang balikat nya ng mas lalo syang lumayo sa akin. Nandidiri ba sya? Ang arte naman nito.

"I-I'm fine" sagot nya at tumayo na. Tumayo din ako at nagpagpag ng damit. Bwiset nadumihan tuloy ako.

"By the way, I'm Brick. And you are?"

Sinilip ko pa yung mukha nya na nakatungo at hinintay ang kanyang sasabihin.

"Celestia."

Pagkasabi nya nun tumakbo na sya paalis. May pagkabastos din yun ha? Hindi man lang nagthank you. Sya na nga ang tinulungan--- wait? Bakit ko nga ba sya tinulungan? May kailangan ba ako sa kanya?

Napailing na lang ako.

Ang weird.

Circe's POV

Waaaaaaah! Bakit ganun yung feeling? Bakeeeeet?

"Sinasabi ko na nga ba! Dapat talaga hindi ka hinahayaang mag-isa! Anong napala mo? Ha?"

Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Dos at nagcross-arms pa. Bakit kaya ganun ang naramdaman ko? Para talagang nakita ko na sya. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan!

"Ate nakikinig ka ba?"

Sure na sure talaga ako. Tanong ko kaya kay Dos? Malay mo kilala nya yun. Brick. Brick. Brick.

"Ah Dos may kilala ka bang Brick?" Tanong ko ng bigla nya akong sigawan.

"ANO?!"

Napakurap-kurap ako ng sigawan nya ako bigla. Ano bang nangyayari dito?

"Dos! Huwag mong sigawan si Celesti!" Saway ni Snow sa fiancee nya.

"Hindi okay lang Snow. Nagtatanong lang naman ako pero sinisigawan nya ako. OKAY LANG TALAGA!"

Pagkasabi ko nun umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi na ako pinapuntang Hotel dahil malalaman din naman ng mga fans ko kung saan ako nagpapahinga. Sinabihan ko na din si manager kahit na binungangaan nya pa ako.

Bago ako pumasok sa kwarto ko nilingon ko pa ang nilakadan ko.

"Ano bang problema nya? Nagtatanong lang naman ako kung makasigaw sya dyan! Hays!"

Pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto at binalibag ang pinto. Tinakbo ko na ang kama ko at humiga doon. Waaaaah! Nakakapagod na araw.

Sinumsob ko ang mukha ko sa unan at sumigaw doon. Naiinis akooooooo!

*knock*knock*

"Pasooook!" Sigaw ko habang nakaub-ob pa rin sa unan.

Wala akong narinig kaya napaupo agad ako. Nakita ko si Dos na tumitingin ng libro sa shelf ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot kong tanong. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa umupo sya sa may gilid ng kama ko.

"Sorry nga pala dahil nasigawan kita." Simula nya. Napacross-arms ako at siningkitan ko sya ng mata.

"Ganyan ka ba talaga Dos? Naninigaw? Akala ko si Shel lang ang ganun." Pagtataka ko. Ang kwento kasi sakin ni Shel at base na din sa nakikita ko, tahimik na tao talaga itong si Dos. Kaya nagtataka ako.

"Yan ba ang nagagawa sayo ng pag-ibig?" Pang-aasar ko na kinapula ng tenga nya. Sabi ko na eh! Mahal na mahal nya ba talaga si Snow?

"Oo nga pala Dos. May naikukwento sakin si Shel habang nasa Korea kami. Meron pa daw akong isang kaibigan. Nasaan nga pala sya?" Tanong ko. Nacucurious kasi ako sa kanya. Lagi kasing nakukwento ni Shel na maganda daw yun at mapagmahal. Yun nga lang ayaw nyang sabihin ang pangalan nito.

The Feeling (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon