VIII.

12 1 0
                                    

Circe's POV

Nagising ako ng makarinig ako ng mga ingay. Bakit ang ingay yata? Napakamot ako sa ulo ko at nagtaklob ng unan.

"Magpatulog naman kayo!" Sigaw ko. Napangiti naman ako ng biglang tumahimik. Mabuti naman makakatulog----teka? Medyo matigas yung hinihigian ko. Hindi din amoy strawberry ang unan ko. Ibig sabihin lang nito... WALA AKO SA KWARTO KO!

Napamulat ako ng mata at bumungad agad sakin ang mukha ni Brick.

"WAAAAAAH!" Sigaw ko at pinaghahampas sya ng unan.

"Wa-wait lang!" Pigil nya. Inawat naman ako nila Reev. Nandito din sila?

Teka nasaan ba ako? Tinignan ko yung paligid. Nasa clinic ako? Inalala ko ang nangyari. Ay oo nga pala. Nahimatay ako dahil may naalala na naman ako.

"Celesti hindi mo ba natatandaan ang nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Reev. Hindi naman ako sumagot. Iniisip ko yung lalaki na nakita ko sa alaala ko. Sino ba sya? Lagi na lang din syang nagpapakita sa panaginip ko.

"Celesti?" Pero mukhang pamilyar yung lalaki na yun eh. Saan ko na nga ba sya nakita?

"Celesti?!" Nagulat ako ng hawakan ako ni Brick sa magkabilang balikat. Nakikita ko yung kulay tsokolate nyang mata na nakatingin sa akin. Bakit sumisikip yung dibdib ko?

"Brick." Umiwas lang sya ng tingin ng tawagin sya ni Dos.

"Sorry." Sabi nya. Hindi ko alam kung kanino ba sya nag-sosorry.

"Bakit ka ba nakatulala?" Bulong sa akin ni Reev. Naglalakad na kami papuntang main gate dahil doon na daw ako magpahinga. As if naman na may magagawa ako diba?

"May iniisip lang ako." Sabi ko at tumingin na ng diretso sa daan. Siguro alam nya na wala ako sa mood kaya hindi na sya muling nagtanong.

Nakauwi na ako sa bahay ng hindi man lang umiimik sa kanila. Wala ako sa mood. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung lalaki na yun. Ilang beses na ba syang nagpakita sa panaginip ko? Hindi ko na mabilang.

*beep*

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Unknown number sya kaya napakunot ang noo ko.

"Hi Tiya! Si Brick to. Sorry nga pala kanina ha? Nag-alala lang ako sayo kasi nakatulala ka. Nagulat tuloy kita. Sorry ha? Pahinga ka Tiya. Seeyou!"

Napataas naman ang kilay ko. Saan naman nakuha ni Brick ang number ko? Pero mas nagtaka ako sa tinawag nya sakin. Tiya? Saan ko nga ba narinig iyon? Nagkibit balikat na lang ako at hindi sya nireplyan.

Ghaaaa! Gusto ko ng magpahingaaaaa!

Reev's POV

"Bye Celesti!" Paalam ko sa kanya. Nginitian nya lang ako at pumasok na sa kotse. Medyo namumutla pa sya kaya medyo nag-alala ako.

"Okay ka lang Reev?" Nagulat ako ng bigla akong kausapin ni Shel. Alam nyo yung feeling na kinakausap ka ng crush mo tapos hindi ka na makasagot kasi pinapangunahan ka ng kilig? Malandi man kung tawagin pero iyon yung nararamdaman ko ngayon.

"Huy baboy!" Napasimangot ako ng tawagin na naman nya ako sa pangalang iyon.

"Ikaw nga butiki!" Hahampasin ko sana sya kaso nahawakan nya agad ang pulso ko kaya muntikan na akong mapasubsob sa kanya. Napatingin ako sa mga mata nya. Parang naiihi ako na ewan dahil sa nararamdaman ko ngayon. Napalunok ako ng lumapit ang mukha nya sa akin. Gawd! I kennat take this! Napapikit ako dahil masyado ng malapit ang mukha nya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Feeling (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon