Maria Amanda De Jesus
"I'll make sure your debut will be the grandest and most prestigious debut ever!" sabi ni tita Emma kay Desiree.
WOW NAMAN! last week nung birthday ko halos parang wala lang! ni wala ngang bumati sa akin sa pamamahay na ito. Tapos sa Birthday ng kapatid kong si Desiree, THE MOST AND THE GRANDEST PA?! Edi wow. (-__-)
Sa bagay hindi ko naman sila masisisi. Anak lang naman ako ni papa sa isang katulong. Kaya wapakels si step motherlu ko kung birthday ko. Si Biological Fatherlu ko naman puro trabaho at hindi man lang naalala ang Birthday ng anak niyang maganda. haynaku. Wag ka ng mag-assume Amanda. Parang hangin ka lang naman sa bahay na ito eh. Pasalamat ka na lang pinapaaral ka pa nila. Hayaan mo kapag nakapagtapos kana at yumaman, mas bongga pa ang ibibigay ko sayong birthday party!
Pumasok na lang ako sa kwarto ko.
Makapag WIFI na nga lang.
mag-uupdate ako ng status sa facebook."Birthday ko nga pala last week, hindi ko nabati sarili ko. haha. HAPPY BIRTHDAY TO ME."
sabi ko sa post. Haha ansabe! nagpaparinig? Hihi.may nag comment.
Ericka Velez:
InzsaN! Muxta kanha Jan? yaman moh na cguroh nohh? haha. Happpiee BirthDAy inzsan.Jusko naman itong pinsan kong si Ericka. 2017 na ang jeje pa rin. Pero miss na miss ko na yan! waahh. Maloko din yan ehh.
Nireplyan ko:
"Haha. hayp sa jeje. Syempre mayaman na ako in the future! haha. Mish you insan!"
nagreply agad ang gaga.
"In ThE Future mong pwet Moh! Ang yaman kaya ng FathErLush mo! Siguro Hindii kA nha nakakakaiN ng Tuyo jan noh? haha. Puro karne ata jan tapos laging may Ketchapp."
Natawa naman ako dun. Haha.
Siguro akala niya sobrang swerte ko dahil inampon na ako ng tatay kong mayaman. Pero nagkakamali siya, ni hindi ko nga yun nakakausap eh. Tapos ang turing pa sa akin ng pamilya niya parang hangin lang.Nireplyan ko ulit si Ericka.
"Oo insan palaging masarap ang pagkain dito, pero walang makakatalo sa sarap ng tuyo dyan! miss ko na nga yun eh. Miss ko na kayo..."
Pumatak ang isang butil ng luha ko ng itype ko ang huling pangungusap..
MISS NA MISS KO NA SILA. :'(
Si mama, si lola, mga pinsan ko.. nakakamiss talaga.. kahit nagsisiksikan kami dun, palagi kaming masaya. haaaay..may isa pang nagcomment.
Queen Desiree De Jesus:
"Cheap! Pati pagkain dito sa bahay pinagmamalaki? palaging masarap? duhh."Kumunot ang noo ko. Akala ko sobrang matutuwa ako dahil pinansin na ako ng kaisa-isa kong kapatid sa ama, pero bakit ganito ang comment niya? Anong ibig niyang sabihin?
Nireplyan ko nga:
"Anong ibig mong sabihin sis?"
with smiling emoticon pa yan!Agad naman siyang nagreply:
"Sis? as if!"Ano bang problema niya? Ayuko ng magreply dahil baka may masabi pa siyang masama na masasaktan lang ako. Pero ang nagreply ay si Ericka.
"Ito ba yung kapatid mo insan? Bakit parang ano.. Parang may gustong iparating eh! Tinuturing ka ba ng ayos ng babaeng yan insan sa bahay niyo?"
BINABASA MO ANG
Don't Us
Random"Alicia" Pagod na akong umintindi. Pagod na akong magtiis. Pagod na akong magpa-alila. Panahon na para bumangon, panahon na para lumaban. Dati, ako si Alicia na inaalila, pero ngayon, DON'T ME. "Margarette" Naaawa na ako kay Ate. Naaawa na ako sa mg...