Maria Margarette Perez
"Ate.. umalis na kasi tayo dito sa empyernong bahay na ito. Tingnan mo.. umiiyak ka na naman! takasan na kasi natin si Kuya Jepoy! lagi ka lang naman niyang binubugbog eh."
Pagkumbinsi ko kay Ate Marie. Awang-awa ako sa kanya dahil binugbog na naman siya ng demonyo niyang asawa. Puro pasa na naman ang katawan niya.
"Madali lang naman yan sabihin Margarette eh.. pero mahirap gawin.. Sige kung aalis tayo, paano na ang mga bata? saan tayo titira? wala tayong mapupuntahan Margarette.. Titiisin ko na lang ito para sa mga anak ko.. Ang mas mabuti pa, ikaw.. Ikaw na lang ang umalis. Hayaan mo na ako dito. Para hindi mo na rin maranasan ang paghihirap ko."
wika ni ate. Nagsipatakan ang luha ko.
"Hindi ate! hindi kita iiwan. Aalis lamang ako kapag kasama ko na kayo ng mga pamangkin ko, Maghahanap ako ng trabaho at kapag nakaipon ako, aalis na tayo dito."
sabi ko habang nilalagyan ng betadine ang mga sugat ni ate.
"Salamat Margarette.. salamat."
Niyakap ko si ate at pinatahan sa pag-iyak.
~~~~~
Halos buong araw na akong naghahanap ng trabaho pero walang tumatanggap sa akin. Kesyo High school grad lang daw ako, tatawagan na lang daw nila ako, hindi daw ako marunong magcomputer at iba pang mga dahilan para hindi lang nila ako tanggapin. Mga bweset sila. >__<
Pagod na pagod na ako. Naglalaban na ang Kadiliman at liwanag pero heto ako't wala pa ring nahahanap na trabaho. Paano ko mai-aalis si Ate sa bahay ng hinayupak niyang asawa kung wala akong mahahanap na magandang trabaho nito? (T_T) Juskolooord please tulungan niyo po ako.
Naupo ako sa isang bench dito sa freedom park. Ang iingay ng mga tao dito, may mga nagprapractice ng sayaw, may mga batang naghahabulan, may mga baklang nagtatarayan at mga lovebirds na naglalaplapan. Kaya siguro ito tinawag na FREEDOM PARK kasi malaya kang gawin ang kahit anong gusto mo.
Dahil ako lang naman ang nakaupo sa bench na ito, humiga ako at tumingin sa kalangitan.Medyo madilim na kaya kitang-kita na ang mga bituin. Gusto kong magpahinga dahil sa pagod. Haay..
Hanggang sa...
Zzzzzzzz
Zzzzzzzzzzzz
ZzzzZzzzzzzZ-----
(-_-) zzz
(-_o) oh?
(o_-) huh?(O____O) HALA!
Agad akong bumangon at hinanap ang bag ko. Pero wala na ito! (OoO) hala! hindi pwede to! Andun ang natitira ko pang pera! hindi pwedeng mawala yun! hindi pwede! hindi pwede!
HINDEEEEEEEEEEEEE! (T0T)
Napatakip ako ng mukha at humagulhol.. ang malas ko.. Ang malas-malas ko.. *sniff
"Miss?" may lalaking tumabi sa akin.
"Okey ka lang?" tanong pa niya.Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha at unti-unting tiningnan ang lalaki..
Isang MATANDA. Siguro nasa 45 pataas ang edad niya.
"B-bakit po?" tanong ko.
"Ikaw, bakit ka umiiyak?" tanong niya.
"Mahabang kwento po.." sagot ko naman. Binigyan niya ako ng panyo.
"S-salamat po.." wika ko. Ngumiti siya. Mukha siyang mayaman.. At kahit matanda na ay sumisilay pa rin sa kanyang mukha ang angkin niyang kagwapuhan. Hearthrob siguro to nung kabataan niya.
"Handa akong makinig Hija.." sabi niya. Bakit niya ba ako kinakausap? Siguro akala niya prosty ako. Pero mukha naman siyang mabait.
BINABASA MO ANG
Don't Us
Random"Alicia" Pagod na akong umintindi. Pagod na akong magtiis. Pagod na akong magpa-alila. Panahon na para bumangon, panahon na para lumaban. Dati, ako si Alicia na inaalila, pero ngayon, DON'T ME. "Margarette" Naaawa na ako kay Ate. Naaawa na ako sa mg...