Chapter 9: Viral

25 2 0
                                    

(Amanda's POV)

Nasa Guidance office ako ngayon. Andito rin ang president ng school namin na si Mr. Ruel Encina at guidance counselor na si Mr. Paul Zupon at ang adviser ng block namin na si Ma'am Merriel Cabarte. Hinihintay na lang namin na dumating si Papa. Nakayuko lang ako. Umiiyak at pinagdudusahan ang kasalanang hindi ko naman ginawa. Pilit akong nagpapaliwanag sa kanila pero hindi nila ako pinapakinggan. I-defend ko na lang daw ang sarili ko kapag andyan na si Papa.

Wala akong magawa. Ang sama na ng imahe ko sa kanila, hindi lang sa kanila kundi sa buong school. Sirang-sira na ako dahil sa pag frame up sa akin ni Desiree. Kalat na kalat na ang video at ang litrato na pinakalat ng grupo niya.

Gusto kong sumigaw, gusto kong magalit, gusto kong kainin na lang ako ng lupa. Pero palagi na lang nauuwi sa luha, sa paghikbi at pagyuko. Pagod na ako. Gusto kong ipaliwanag sa kanila ang lahat ng totoong nangyari pero alam kong walang maniniwala.

"AMANDA!"

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si papa. Galit na galit at nanggigigil. Natakot ako. Hindi ako nakagalaw. Ngayon ko lang nakita si Papa na ganyan. Parang isang pitik niya lang, pwede ka na akong mamatay.

"ANONG GINAWA MO?!" Habang nakaupo ay kwinelyuhan ako ni papa at hinila ako patayo. Napaiyak lang ako dahil sa takot. Mabuti na lang naawat siya ni Mr. President at nung guard. Binitawan niya ako at itinulak. Napaupo ako sa upuan. Inayos ko ang uniporme kong nagusot. Hindi ko mapigilan ang mapa-iyak ng malakas. Nagulat kasi ako kay papa. Hindi ko alam na ganun pala siya magalit.

"Mr. De Jesus calm down! We are here to know her side not to make another mess! Relax, we still don't know the whole story." Sabi ni Mr. President. Huminga ng malalim si Papa at kinalma ang sarili. Masama pa rin ang tingin niya sa akin.

Ako naman, hindi pa rin mapigilan ang pag-iyak. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag lahat.

"Kapag may nangyaring masama sa kapatid mo Amanda, hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo." Wika ni Papa.

Nakakatakot ang boses ni Papa. Magsasabi pa ba ako ng totoo? Eh parang kahit anong sabihin ko hindi naman nila ako papaniwalaan. Ang galing kasi ng palabas ni Desiree.

Yung magaling na yun? Andun siya ngayon sa ospital! pinapagamot yung sugat niya sa noo. Pinapalabas niyang hinampas ko daw yun ng Baseball bat. Eh bago pa ako dumating dun, may sugat na yun! Nagawa niyang sugatan ang sarili niya para lang masira ako? Nasisiraan na ba talaga siya ng ulo? Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Napakadesperada.

Darating din ang karma sa kanya. Pagdudusahan niya ang lahat ng ito. Itaga niya sa private part nung lalaking kasama niya sa pagframe up sa akin!

"Shall we?" Tanong ni Mr. President. Nakaupo kami sa tapat ng mahabang lamesa. Nakaupo sa tabi ko si Papa at sa tapat naman namin sina Mr. Encina, Mr. Zupon at Ma'am Cabarte. Nakayuko lang ako. Kahit magsalita ako, wala rin namang maniniwala.

"So Miss Amanda, can we know your side? You can defend yourself now. We are here to listen." Sabi ni Mr. President. Hindi ako makasagot. Pinipigilan ko kasi ang pag-iyak ko. Ang sakit na sa dibdib bawat sisigok ako.

"Miss Amanda?" Tanong pa ni Mr. President. Huminga ako ng malalim. Iyak pa rin ako ng iyak. Ewan ko ba kung bakit ayaw tumigil!

"You can't say anything? So you're guilty?" Tanong pa niya. Napatingin ako sa kanya. Hindi lang makapagsalita, guilty na agad?

Umiling-iling lang ako para sabihing hindi. Wala kasing lumalabas na salita sa bibig ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Bwisit naman kasing luha ito! Ang dami! Dinaig pa ang dami ng tubig-ulan na ibinagsak ni Yolanda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon